CHAPTER 7: To Know the Enemy

2.8K 36 9
                                    

Our morning class ended at sa kamalas-malasan ko ba naman ay kasama ko si Natasha sa lahat ng subject. Hindi na dapat ako nagtaka, business management talaga ang kurso na kukunin niya para magpa-impress kay lolo.

Gusto niya ay nasa kanya lahat ng atensyon kaya sobra na lang ang galit at inggit niya sa akin noon.

Papunta na sana ako sa cafeteria nang biglang may humila sa akin papuntang comfort room.

Sh*t. Hindi na ako nagtaka kung sino man ang humablot sa akin.

Pagkatulak niya sa akin sa loob ay ni-lock niya ang pinto para masiguradong walang i-estorbo sa pag-uusap namin. Bwesit kinakabahan ako. Tsked. Dapat talaga akong kabahan, dahil isa ding demonyo ang nasa harapan ko ngayon.

Humarap siya sa akin at ipinakita na din niya ang malademonyo niyang mukha compared sa pagpapa-inosente niya kanina. Nakataas ang isa niyang kilay habang sinusuri ang buo kong hitsura.
‘Maganda ka din sana kung hindi ka lang maldita!’ sigaw ko sa aking isipan habang tinitingnan din siya.

“Is that really you, Zabrina?” ma-awtoridad niyang tanong.

Hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa boses niya. Sawang-sawa na ako sa pananakot niya sa akin pero wala akong magawa para ipagtanggol ang aking sarili.

I nod at her at iniyuko ang aking ulo. Even if I deny it, malalaman niya din agad at paniguradong patay ako kapag nagsinungalin ako sa kanya.

Mahina pa rin ako sa mga mata niya. Isa parin akong loser katulad ng ginawa niya sa akin dati.
Tumawa siya ng malakas na para bang hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

“This is the first time na gustong-gusto ko ang ginawa mo sa sarili mo Zabrina,” she said in mocking tone.

Naikiyom ko ang aking mga palad sa galit at gusto ko siyang sagutin pero baka masampal niya lang ako.

“If you will study here with a face like that, then magkakasundo tayong dalawa.”

Tsked. Paniguradong takot ka lang na masapawan kita sa kagandahan.

The reason why I have low self-esteem ay dahil sa babaeng ito. Palagi niyang ipinapamukha sa akin noon na isa akong freak at mataba. Buti na lang medyo payat na ako ngayon dahil kay Chase. Hindi kasi ako kumakain masyado noon para lang galitan ang lalaking yun.

“By the way, how did you get in here? Diba sabi ko sayo magpakalayo-layo kana?”

‘Walanghiya talaga ang bruha’. Wala man lang siyang awa sa akin, parang hindi niya ako kapatid. Tsked. Hindi naman talaga kapatid ang turing niya sa akin dahil ang tingin niya ay isa akong kakompetensya.

Siya ang dahilan kung bakit ako naglayas at napunta sa pangangalaga ni Chase.

“S-sorry.” Yun nalang ang tangi kong nasambit dahil magagalit lang siya kapag nagdahilan pa ako.

“Kapag nalaman 'to ni daddy—“

“Please wag mong sabihin kay papa. I promise I won't go in your way. I just need to finish my studies, please,” nagmamakaawa na ako sa lagay kong ito, but I can't help it dahil may pinanghahawakan siya na kinakatakutan ko.

Umirap siya at akmang sasampalin ako pero hindi niya itinuloy, “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mong tatawaging papa si dad? Tanga ka ba? Hindi mo ba maintindihan na hindi ka anak ni Daddy?”

Yes, I know, but I still want him to be my dad, kahit na ayaw niya sa akin dahil hindi niya ako anak. Maayos naman ang relasyon namin sa isa't-isa noong bata pa ako pero nang malaman niyang anak ako ni mommy sa ibang lalaki ay nagbago ang tingin niya sa akin, dun na din nagkaroon ng chance si Natasha para siraan ako ng siraan. Hanggang sa humantong ako sa ganito na parang walang pamilya.

His Precious Property (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon