CHAPTER 9: To Have an Accident

2.6K 37 6
                                    

Dinala na naman ako ni Natasha sa comfort room at nakasimangot siya sa akin. Sabi ko na nga ba galit to sakin.

“The only reason I can tolerate being near with you is because of your ugly make-up. Pero sa oras na matagal yan at malaman ng iba, I will make sure na ako mismo ang magpapalayas sayo dito. Kung kailangan gumamit ka ng pintura gawin mo, wag lang matanggal yang make-up mo! Do you understand!” she retorted kaya napatungo dahil sa lakas ng boses niya, galit na galit talaga siya.

Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob para labanan siya, pero natatakot ako sa maaari niyang gawin. Alam kong kapag nanlaban ako ay hindi lang ako ang maaapektuhan.

“N-naiintindihan ko Nat, I-I'm sorry,” I replied in low tone while stuttering.

I heard her laugh a little, “Don’t call my name, hindi tayo close. Now give me my assignment,” she demanded. Agad kong kinuha sa bag ang assignment niya at hinablot niya ito ng pagalit.

Dali-dali siyang lumabas pero bigla siyang tumigil nang sumusunod ako sa kanya. Nilingon niya ako nang nakairap, “Wag mo akong sundan, magpa-late ka ng 15 minutes.”

Hindi na ako nakapagsalita nang umalis na siya at para bang napako ako sa aking kinatatayuan. I let out a disappointed laugh habang nagpipigil ng inis. Ganito nalang talaga ako, hinahayaan na patuloy niyang apihin.

Malas talaga. Second day palang ganito na agad ang nararanasan ko.

After 15 minutes ay nagtungo na ako sa room and as expected, nasermonan ako ni sir dahil late ako. Nakakahiya.

I went passed my classmates at hindi pa man ako nakakarating sa aking bangko ay biglang may tumalakid sa akin. Natumba ako at naitukod ko ang aking siko sa sahig kaya halos mapaiyak ako sa sakit. Tinawanan lang nila ako pero mabilis akong tinulungan ni sir upang tumayo. Galit niyang pinatahimik ang aking mga kaklase hanggang sa makaupo ako.

“Sino ang tumalakid sa kanya?!” Natahimik ang buong klase at walang umamin dahil sa takot.

“You should be aware that bullying is strictly prohibited in this school! Akala niyo ba ay babalewalain lang naman ang ginagawa niyo? This is your first warning. You should know how to act according to your age, hindi na kayo mga bata.”

Tahimik lang ang buong klase dahil sa nangyari, hanggang matapos ang first pati na rin hanggang second class. Vacant namin ng third period kaya naman mabilis akong lumabas upang makalanghap ng sariwang hangin dahil masyado akong nasu-suffocate sa loob ng room.

Naglibot lang ako at mabuti nalang medyo konti ang estudyante sa mga oras na ito. Nang makarating ako sa isang lugar na wala masyadong tao ay dun ako nag-stay. May isang wooden bench sa tabi ng malaking acacia tree at sa may kanan ay mayroong isang maliit na court pero hindi ko alam kung para san yun.

Nang makaupo ako ay kinuha ko ang aking cellphone upang i-check ang social media ni kuya Brad. Habang nag-i-scroll ay konti lang ang mga post niya at wala din akong makitang related sa pag-aaral niya.

Napansin kong bihira na siyang mag-post ng mga pictures niya simula nang maglayas ako. Wala din siyang post na related sa course niya.

Masyado kasing tahimik si kuya Brad. Hindi siya masyado sociable na tao pero pinaka-caring naman pagdating sa akin. The reason why I didn't know what's his course ay dahil pabago-bago ang isip niya at ayaw niya ding i-take ang business management kaya hindi talaga ako sure kung saang department siya hahanapin.

16 years old palang ako nang mag-fi-first year college na siya at saka naman ako umalis. Di man lang ako nakapagsabi ng good luck sa kanya in his freshman year.

His Precious Property (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon