Chapter 9

4.3K 15 3
                                    

***Mga Mapanuksong Dilag Part 1***

🚫️Mahalagang paalala.Ang kwentong Ito ay nakapublish sa ibang writing platform.Wag kopyahin o gayahin.Ang pagnanakaw ng akda ay isang krimen.

⚠️WARNING:Ang kwentong Ito ay may mga eksenang di angkop sa mga menor de edad at sa mga sensitibo ang kaisipan.Ito ay para lamanag sa mga mambabasang nasa tamang edad na at bukas ang kaisipan.

------

"Bibilang ako ng tatlo Brando.Pag di mo ako pinalabas ng kwarto,makikita mo."
Banta iyon mula kay Ligaya pero sinoba siya para katakutan ko?Ako ang may ari nitong bahay at ako ang masusunod.

"Ayaw mo namang lumabas di ba?Kaya magtiis ka diyan sa loob.Kung hindi ka ba naman nuknukan ng landi ay malaya ka sanang nakakagala sa bahay na ito."saad ko matapos magsindi ng ilaw sa sala.

Nawala ang kuryente kanina kaya di natuloy ang mainit na eksenang sinimulan ni Ligaya.Minsan may naidudulot din palang mabuti ang ganitong pangyayari.Kung hindi nagbrownout kanina ay baka nagtagumpay na si Ligaya sa maitim na binabalak niya.Napakaagresibo kasi ng babaeng yun,yong tipong kapag may ginusto siya ay dapat makuha niya.

Sinindihan ko pa ang isang ilaw at Ito ang dinala patungong kusina.Nagtimpla ako ng gatas at kumain ng tinapay.Busog ako bago matulog pero nasimot ng kakulitan ni Ligaya ang lakas ko.

"Di ka naman nagsabi na nauuhaw ka at nagugutom.Halika nga rito at lulunurin Kita sa katas Ng d3d3 at tah0ng para mabusog ka."

Nailuwa ko ang nginunguyang tinapay nang marinig ang boses ni Ligaya mula sa likod ko.
"Sarado yong pinto,paano ka nakalabas?"takang tanong ko nang ako ay tumayo.

"Ang pintuan lang naman ang nakasara pero yong bintana hindi kaya doon ako dumaan."sagot niya at humakbang palapit.

"Halika na Brando,"mal@nding sabi ni Ligaya habang nakangisi.

"Ligaya diyan ka lang.Mag usap tayo nang maayos."mahinahon kong sabi.

"Ilang oras mo na akong binibitin kaya wala na tayong dapat pag usapan pa."

Napalunok ako at sa sobrang kaba ay napatakbo ako.Naghabulan kami sa sala hanggang sa makalabas kami ng bahay.

Di ko namalayan.Ang tagal pala naming naghabulan.Tumilaok na ang mga manok at napansin kong papasikat na ang araw.
Patuloy lang sa paghabol si Ligaya sa akin.Saka Lang siya tumigil nang tamaan siya Ng sikat Ng araw.

Di ako makapaniwala sa sumunod na nangyari.Nang maarawan si Ligaya ay bigla na lamang nagbago Ang kanyang anyo.Lumiit siya at naging isang....

Manika....

-----

"Bhe naman eh,di ka ata nakikinig sa akin."nagtatampong sabi ni Carlotta.
"Ha?Ah..eh..ano nga ulit yong sinabi mo?"nakakamot ulo kong tanong.

Nawala sa isip ko yong pinag uusapan namin dahil paulit ulit kong naaalala ang nangyari kay Ligaya kaninang umaga.

Andito kami sa Mang Inasal at kumakain ng tanghalian.Nagyaya kasi siyang mamasyal sa mall.At dahil wala akong pera ay siya ang taya.

"Sabi ko,mag out of town date tayo next week para maiba naman ang celebration ng monthsary natin."wika ni Carlotta.

"Gastos lang yan eh.Alam mo naman na gipit ako ngayon.Sa bukid na lang tayo magdate,dun sa tabi ng sapa at ako na ang bahala sa lahat."mungkahi ko.

"Eh nakakasawa na sa bukid.Nauumay na ako sa kakatingin sa mga puno at halaman.Subukan naman natin sa siyudad.Magdisco tayo,uminom sa bar,tapos magcheck in sa hotel.Wag mo na alalahanin ang gastos,ako na ang bahala.Papadalhan naman ako Ng pera ng Tito ko na Nasa Amerika."masayang sabi niya.

THE SEX DOLL OF A VIRGIN PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon