Chapter 10

3.9K 12 1
                                    

*** Nakakabusog na saging

🚫Mahalagang babala!
⚠️SPG R-18

Ang istoryang ito ay naglalaman ng mga eksenang di angkop sa mga menor de edad at may sensitibong kaisipan.Kung ikaw ay wala pa sa tamang edad at hindi komportable sa mga kwentong SPG ay huwag po itong basahin.Maging responsableng mambabasa.Huwag tul@ran ang mga pasaway at l@ntud na karakter na inyong matutunghayan.

Ang kwentong ito ay produkto lamang ng malikot kong imahinasyon.
Ito ay orihinal kong akda at nakalathala na sa ibang platform.Utang na loob huwag itong gayahin dahil puro lang naman kabulastug@n ang laman nito.Hindi ako nagsusulat para magpabida.Ang pagsusulat ay paraan ko para magbawas ng stress.Sa mga makakaappreciate at masisiyahan sa kwento ni Brando at Ligaya,maraming salamat.
Pasensiya na sa mahabang author's note.Nilubos lubos ko na dahil inabot din ng halos apat na buwan bago ako nag update.
Naging abala lang si author at maraming pinagdaanan sa buhay.

Maligayang bagong taon at maligayang araw ng mga puso.Heto ulit ang inyong lingkod,ang makulit at b@liw ninyong manunulat,author zhie,signing on.😁😉

*****

"Honey.Buksan mo naman ang pinto.Kausapin mo naman ako oh.Huwag ka nang magalit.Hindi naman namin sinasadya ni Ligaya na masira ang banyo mo."paliwanag ni Pilar.

Kanina pa siya katok ng katok at paulit ulit na nakikiusap sa akin na lumabas pero mas pinili kong manatili sa loob ng aking kwarto dahil alam kong mas ligtas ako rito.At isa pa ay may kulang pa sa kanyang mga pahayag.
Kung sinabi sana niyang babayaran niya ang nasira nila ay baka magkainteres pa akong lumabas.

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na inintindi.Naghanap ako ng damit sa aparador.Nakatapis pa rin ako ng tuwalya at hindi pa nakakapagbihis.Ilang minuto na akong naghahanap ng bri3f pero wala akong nakita.Ako lang naman ang nakatira dito sa bahay kaya imposibleng may magnakaw nito.

"Hoy Brando!Buksan mo nga ang pinto!"pasigaw na utos ni Ligaya.
Kung sino pa ang pasimuno ng kalokohan siya pa ang malakas ang loob na sigawan ako.
Simula nang dumating siya sa buhay ko ay hindi na ako nagkaroon ng katahimikan.
Ano ba ang nagawa ko at parang inuulan yata ako ng kamalasan?

"Mananahimik ka na lang ba diyan Brando?Siguro ay nagdyadyak*l ka ano kaya ayaw mong lumabas?"tumatawang sabi ni Ligaya.
Napabuga ako ng hangin at padabog na isinara ang pinto ng aparador.

"Ang dumi ng isip mo Ligaya.Para sa iyong kaalaman wala akong ginagawang kabastusan.May hinahanap lamang ako dito sa aparador."inis kong sagot.

"Paano kong sabihin ko sa'yo na nasa akin ang hinahanap mo?Bubuksan mo ba ang pinto?"
Ibig ba niyang sabihin nasa kanya ang bri3f ko?Ano bang pumasok sa utak niya para kunin iyon?!
Nakakainis talaga.
Napilitan akong buksan ang pinto pero kalahati lang,mahirap na baka mapasukan ng higad.

"Hindi ka pa pala nagbibihis Brando."puna ni Ligaya.

"Ibalik mo sakin ang bri3f ko."

"Ayoko nga"

"Ang landi mong babae ka.Pati bri3f ng boyfriend ko pinagkainteresan mo.Ilabas mo yan at isauli sa kanya ngayon din!"galit na utos ni Pilar.Parang umuusok ang ilong nito sa galit.
"Ayoko nga sabi eh.Gusto ko pang amoy amoyin 'yon.Ang bango kasi."sambit ni Ligaya at binasa ng laway ang ibabang labi na tila may ibig ipahiwatig.

"Ah ganoon.Ayaw mo.Total di ka madaan sa matinong usapan ay gugulpihin na lang kita."banta ni Pilar at sinugod si Ligaya.
Hinablot niya ang buhok nito at tinangkang sampalin subalit nasalo ni Ligaya ang kanang kamay niya.

Kahit hindi pa nakakapagbihis ay lumabas na ako ng kwarto para awatin sila.

"Tama na!Kung gusto niyong mag away doon kayo sa labas.Sinira niyo na ang banyo ko.Baka pati bahay ko mawasak kung dito kayo maggigiy3ra." malakas na sigaw ko.

THE SEX DOLL OF A VIRGIN PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon