Chapter 8

4.4K 13 1
                                    

**ANG PAGDATING NG MANIKA**

2 years later....

Dahan dahan Kong minulat ang mga mata at sumulyap sa orasan.Alas otso na pala ng umaga.Kung di lang ako nanaginip ng pagkahaba haba ay kanina pa ako nagising.

Bumangon ako at binuksan ang pinto.Dun Kasi sa panaginip ko ay may nakita akong manika sa labas ng bahay.Nagbagong anyo at naging isang napakagandang babae.
Ilang ulit akong tumingin sa paligid pero Wala Naman akong napansing manika.

Bakit ba ako nagpapaniwala sa panaginip ko?Kaya nga tinawag na panaginip dahil di yun totoo.

Lumabas ako ng bahay para maghanap ng makakainan.Ayoko na magluto dahil mahuhuli ako.May usapan kami ng syota kong si Karen.Susunduin ko siya at ihahatid sa terminal.Babalik na siya sa Maynila.

Malaya na akong nakakapunta sa kanila.Tanggap na kasi ako ng tatay niya na ngayon ay retirado na sa serbisyo at pagsasaka naman sa bukid ang pinagkakaabalahan.

Sa loob ng dalawang taon ay daming nagbago.Ang relasyon naming dalawa ni Karen ay masasabing matibay dahil sa dami naming pinagdaanan ay kami din.

Yun nga lang ay madami siyang kasabay na babae at isa na roon si Carlotta,ang anak ng may ari ng carenderya sa kanto.

Agad ngumiti si Carlotta nang makita ako.

"Good morning bhe.Kumain ka na ba?"

"Good morning din bhe"nakangiting sagot ko."Hindi pa ako kumain pero ayos Lang.Makita ko lang ang ganda mo ay busog na ako."

Napakagat labi si Carlotta.Kinilig marahil sa aking banat na sinabi ko na sa maraming babae.
Siyempre dahil nandito na rin lang ako sa kanilang carenderya ay hinainan niya ako ng pagkain.Tumanggi ako sa una.Alam ko naman kasing mangungulit siya eh.Kaya ayun pumayag na ako.Di na ako pinagbayad ni Carlotta.Libre na daw Yun dahil magsyota kami.Sakto Lang.Wala Kasi akong dalang pera eh.
-----
"Pasensiya ka na mahal ko di Tayo magkaroon ng sapat na oras sa isa't isa."paghingi ng paumanhin ni Karen.Nasa terminal na kami at hinihintay ang oras ng alis ng bus na sasakyan Niya papuntang Maynila.

Matapos ang naudlot naming romansa sa bukid nung unang linggo ay di na kami magkasama pa dahil naging abala siya at Ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng kapiyestahan sa kanilang barangay.

"Wag mo isipin Yun Mahal ko.Nauunawaan ko naman."

"Salamat mahal ko.Hayaan mo pagbalik ko.Babawi na lang ako sa'yo.Sisiguruhin kong mag eenjoy ka sa gagawin natin."

Iba yata ang patutunguhan ng usapan na Ito.Kung kelan aalis na siya saka pa siya lumalandi.Kala naman niya iimbitahin ko siya na gumawa ng kababalaghan sa CR.

"Sige hihintayin ko ang pagbabalik mo mahal ko.Mag aral kang mabuti ah."

"Oo naman.Ikaw ang inspirasyon ko kaya ganado akong mag aral."

Ngumiti na Lang ako bilang tugon.Wala akong masabi.
Minsan gusto Kong mangliit sa sarili.Si Karen Kasi ay nag aaral ng kolehiyo.Ako hindi.Mula nang  grumadweyt kami sa Senior high ay tumigil na ako sa pag aaral at nagtabaho sa bukid.

Kinailangan kong kumayod dahil mag Isa na Lang ako.Si Tiyo Caloy ay nag asawa na.Nabuntis Niya Kasi Ang Isa kanyang mga kasintahan.At dahil binantaan siya Ng ama Ng kanyang nabuntis ay magpakasal na lamang siya.

Ilang buwan matapos magpakasal ni Tiyo Caloy ay sumunod Naman na nag asawa si Tiyo Domeng.Pinikot lang siya Ng kainuman niyang biyuda.Pero sa takot na ipabarang siya nito ay pinakasalan niya Ito.

"Mahal ko aalis na ako."wika ni Karen Kaya natigil ako sa pag iisip.
"Ingat ka Mahal ko.I love you."Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

"I love you too."sagot naman niya.Bago siya pumasok sa bus ay hinalikan Niya ako sa labi sabay pisil sa umbok sa pantalon.

THE SEX DOLL OF A VIRGIN PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon