Chapter 6

6.1K 15 0
                                    


*** R0M4NSA AT SUNOG 🔥

⚠️BABALA:MAY MGA EKSENA AT PANANALITA NA DI ANGKOP SA MGA BATA.HUWAG BASAHIN KUNG WALA KA PA SA TAMANG EDAD.

"Siguro dismayado ka dahil pumalpak na naman ako kanina."basag ko sa katahimikang namamayani sa pagitan namin ni Gracia.Nasa labas kami ng eskwelahan at nag-aabang ng dyip pauwi.

Umililing siya at ngumiti.Hindi iyon ang reaksyong inaasahan ko.Akala ko kakantiyawan niya ako o di kaya ay sesermonan dahil nasira na naman ang diskarte namin kay Karen.

"Wag mo na damdamin yong nangyari kanina.Magmeryenda na lang tayo para di ka malungkot."suhestiyon niya.

Ang bait niya ngayon.Nakakagaan ng loob.Pero baka may kapalit na naman ang ginagawa niya.

"Ayan na si manong.Bili na tayo ng fishball."yaya ni Gracia nang tumigil sa tabi namin ang kariton ni manong.Agad naman siyang dinumog ng mga estudyante.

"Lilibre mo ba ako?"tanong ko matapos kapain ang bulsa ko na wala man lang laman kahit piso.

"Malamang.Ako ang nagyaya di ba?Kaya libre ko."taas kilay niyang sagot.
Napakamot na lang ako sa batok.Hirap hulihin ng timpla ni Gracia.Minsan ang bait niya.Minsan ang taray.

Di na siya pumila.Kinausap niya lang si Manong at agad naman siyang pinagbilhan nito.May libre pang juice dahil suki daw siya.

Binigay niya sakin ang pagkain at inumin.Mabilis ko namang naubos ito dahil kanina pa kumakalam ang tiyan ko.

"Gracia ?Si-sino yang ka-kasama mo?"nauutal na tanong ng lalakeng lumapit sa kanya.Yong suot niya ay kagaya ng damit ng pumapasok sa opisina.Maputi siya at may itsura.

Nanlaki ang mga mata ni Gracia nang tingnan niya ang kaharap.Namutla rin ang mukha niya animo'y nakakita siya ng multo.

"Boyfriend ko siya."sagot niya at humawak sa kanang braso ko.

Ano bang pinagsasabi niya?Wala kaming relasyon.Si Tiyo Karding ang kasintahan niya,hindi ako.

"A-ako ang boyfriend mo di ba?Hi-hindi pa tayo naghihiwalay ba-bakit nagha-nap ka na ng iba?"pautal utal nitong sabi habang nangingilid ang luha  sa mga mata.

"Pwede ba Roman wag mo na kaming guluhin.Matagal na tayong tapos!"sigaw ni Gracia.
Napatingin sa amin ang mga estudyanteng nasa paligid.Gusto ko nang matunaw dahil sa nararamdamang hiya.

Hinila niya ako nang may tumigil na dyip sa harap namin.

Sinubukan ni Roman na sumunod sa loob ng sasakyan pero tinulak siya ni Gracia.

"Umalis ka na!"utos niya rito.
Biglang umiyak si Roman na parang batang inagawan ng paborito nitong laruan.

Bakit ganoon ang trato ni Gracia sa binata?Mukha namang mabait yong tao,parang isip bata nga lang.
Ang daming nagsulputang tanong sa isip ko pero di yata ito ang tamang pagkakataon para mag usisa.Ayoko rin namang isipin niya na pinakikialaman ko ang pribado niyang buhay.

"Brando bumaba na tayo."yaya ni Gracia at hinawakan ang kamay ko.
Andito na pala kami sa barangay namin.Di ko napansin na nakarating na kami dahil sa dami ng iniisip ko.
Bumaba kami sa dyip at tumawid sa daan habang magkahawak kamay pa rin.Nang nasa harap na kami ng bahay na tinutuluyan ko ay binitawan niya na ang kamay ko.

"Gracia,mahal ko."nakangiting usal ni Tiyo Karding na nakatayo sa labas ng bahay.Tila inaabangan niya talaga ang pagdating namin.
Lumapit siya sa aming kinatatayuan at ikinulong niya sa kanyang mga bisig si Gracia.

Kitang kita ko nang magtangka siyang hagkan ang kasintahan pero umiwas ito kaya dumapo sa kanang pisngi ang mga labi niya.

Nakaramdam ako ng inis sa inasal ng tiyuhin ko.Ilang araw lang naman siyang nawala pero kung makayakap kay Gracia parang isang dekada silang di nagkita.

THE SEX DOLL OF A VIRGIN PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon