AE 40

1.7K 27 1
                                    

Chapter 40

It's been three months since UAAP ended and he's here again, in our condo, sitting beside me with injury.

Katatapos ko lang mag vlog at ngayon, nakaupo kaming dalawa ni Adam sa may carpet dito sa sala. S'ya, nagsasagot ng math at ako, abala sa mga papeles sa GF Cosmetics.

Tumigil ako sa pagpirma nang matapos at sinulyapan s'ya. I saw how he struggled while writing a solution in the paper. Nagkaroon siya ng injury on his right arm sa paglalaro ng basketball. After UAAP, he plays international at doon siya nagkaroon ng injury at ngayon nga, hirap na hirap s'yang magsulat.

Sinabi ko naman kanina pa na ako na ang magsusulat para sa kanya pero ayaw niya.

"Adam!" tawag ko nang hindi na mapigilan dahil naaawa na sa kanya.

He stopped writing to look at me. He raised his right eyebrow.

"Ako na!" wika ko at sinubukan na kunin ang sinusulat niya.

"Huwag na. Ako na. Kaya ko naman," he said and gave me a smile.

"Ako na. Nahihirapan ka na," patuloy ko dahil ayaw niya talaga.

Umiling siya. "Okay na! Patapos na rin naman ako." Aniya at pinisil ang pisngi ko gamit ang kaliwang kamay.

Ngumiwi ako sa ginawa niya.

"Aray!" reklamo ko kahit 'di naman masakit pero alam kong namula agad iyon.

Tumawa siya sa kalokohan na ginawa. "Masakit?" panunuya niya.

I rolled my eyes on him but he chuckled more.

"Isa pa?!" asar niya at astang pipisilin na naman ang pisngi ko subalit agad ko iyong hinawi kaya mas lalo siyang humalakhak.

Tuwang-tuwa Adamson?!

"Sapak?" wika ko at ipinakita sa kanya ang kamao.

"Kiss!" mapang-asar niyang sagot.

Hindi agad ako nakasagot kaya muli siyang tumawa. Sa inis sa sinabi niya at dahil din nag-akyatan ang dugo ko pataas, nasapak ko tuloy siya sa kahihiyan.

"Aww!"

My eyes widened and I panicked immediately.

"Sorry! Sorry!" hindi ko alam kung saan siya hahawakan.

He looks really hurt the reason why I panicked more. Nakangiwi na siya at tila hindi na mapakali.

"Adam, ano ba? Sorry na kasi! Sorry!" I said guiltily.

"Ah!" daing niya.

"Saan ba-" I stopped and felt really annoyed when I noticed his naughty smirk that he was trying to hide.

Tumigil ako nang mapagtantong nang-aasar lang siya. Hindi ako kumibo at matalim lang siyang tinitigan. Natatawa na siya ngayon at nagsisimulang aluin ako.

"Hindi nakakatawa," mataray ang tono ko at nananatiling matalim ang tingin sa kanya.

"Hindi na. Sorry na!" aniya at sinusubukan akong hawakan pero natatawa naman.

Umiiwas ako sa bawat hawak niya. "I'm sorry, okay!" he said.

Umirap ako at tumango rin.

"Bahala kang magsulat dyan!" inis kong wika pero ilang minuto lang, hindi rin ako nakatiis at kinuha ang mga sinusulat niya para ako na ang gumawa.

Hindi na rin naman siya nakipagtalo at mukhang nahihirapan na nga. Patapos na ako sa sinusulat dahil inililipat ko lang naman sa isang papel iyong sinasagutan niya kanina.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon