AE 5

2.4K 62 18
                                    

Chapter 5

Wala pa si GF nang makaakyat ako sa condo. T-in-ext ko s'ya kung dito ba s'ya magdi-dinner. Nang magreply s'yang magdi-dinner daw sila ni Bricks sa labas, nagluto lang ako ng para sa amin ni Charles.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan, sa sala dumiretso ang kapatid ko at nanood ng t.v. Ako, dumiretso ng kwarto para ayusin ang mga regalong pinamili ko. Inuna ko iyong kay GF at Bricks para hindi niya makita. Kung makita man n'ya, at least nakabalot na.

I felt my phone vibrated beside me. Kinuha ko iyon at tiningnan. I received a notification from my instagram.

kingtrevino mentioned you in their story.

My brows furrowed as I clicked the notification. I saw his story and it was him. He was sitting on the chair. Sa starbucks iyon bago kami tuluyang umalis kanina roon. Maangas na nakapang dekwatrong upo, hawak ng kanang kamay ang order niya kaya kita ang tattoo n'ya sa gilid ng wrist. Ang mukha ay nakaside view at nakatingin sa malayo. Pangmodelong- pangmodelo ang pose.

P-in-cture-an ko s'ya kasi sabi niya.

Walang nakasulat na kahit anong caption. Hinanap ko ang username ko pero hindi ko iyon makita. Paniguradong ang font color na ginamit niya ay katulad ng kulay kung saan n'ya ilalagay para hindi kita. Bakit naman may pag mentioned pa? E siya lang naman ang nasa picture.

Magsesend sana ako ng message para sa story n'ya kaso... naalala kong wala pa nga pala kaming convo. Ayoko naman na ako ang unang magmessage sa kanya.

Muling nag vibrate ang phone ko para sa DM. Nanlaki agad ang mata ko sa nabasa.

kingtrevino sent you a message.

kingtrevino:
Hey, you forgot one of your gifts in my car!

Nagsalubong ang kilay ko at bahagyang napangiti. Mabilis akong nagreply.

faithcelesthine:
Sa'yo 'yan.

kingtrevino:
What?
What do you mean?

faithcelesthine:
It's my gift for you. A thank you gift sa pagsama mo sa akin at sa pagpayag na isali ka sa vlog ko 😊

Though, pinag-iisipan ko pa kung ia-upload ko pa ba ang video'ng iyon.

Kanina, habang namimili ako ng damit para kay Tatay, naisip kong bilhan na rin ng regalo si Adam. A 'thank you' gift man lang kasi sinamahan niya ako. Pambawi na rin sa mga nilibre n'ya sa 'kin since ayaw naman n'yang bayaran ko s'ya. Hindi ko nga lang alam kung paano ko ibibigay sa kanya kaya iniwan ko na lang tuloy sa backseat ng kanyang sasakyan. Buti naman at nakita n'ya agad.

faithcelesthine:
Bayad na rin sa libre mo.

Agad s'yang nagreply.

kingtrevino:
Lol
but thank you!

Hindi na ako nagreply sa last message niya pero nagmessage ako sa story n'ya.

faithcelesthine:
Bakit naka mention ako?

kingtrevino:
Baka mamaya maglumpasay ka pa dyan kasi walang credits.

Umismid ako sa sagot n'ya. Napakayabang!

faithcelesthine:
Kapal naman po ng mukha ninyo Kuya! 🙄

kingtrevino:
Wala pong manipis na mukha, Miss!

Napairap ako at hindi na siya ni-reply-an. Napaka walang kwenta ng usapan naming dalawa.

Nag-e-edit na ako sa sala habang nanonood ng kung anong movie si Charles. Balak pa ata n'yang horror ang panoorin pero pinigilan ko siya.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon