Chapter 3
Wearing a light pink cherry terno sleepwear, dumiretso akong banyo para makaligo.
It's already 6:30 AM at nalate kami ng gising ni GF. Mas'yadong na-drain ang utak at katawan ko because of hell week. Katatapos lang ng Finals namin kaya talagang naubos ang lakas ko!
Sunday ngayon at kailangan namin magsimba ni Daniella. Hindi na kami abot ng 7:00 AM mass kaya sa eight to nine na kami a-attend.
Sa Wednesday na kami uuwi ni GF ng Batangas dahil bukas, birthday ko. It's my nineteenth birthday at magpaparty raw kami. Well, hindi naman ako mahilig magparty pero minsan lang naman. Birthday ko at pampatanggal na rin ng stress at pagod sa dumaang hell week.
After din namin magsimba, balak na sana namin mamili ng mga pangregalo.
Lumabas ako ng banyo pagkatapos maligo para maghanap ng susuotin sa walk-in closet namin ni GF. I decided na kumuha ng condo malapit sa UP para hindi na kami mahihirapan maghanap ng matitirahan dito sa Metro Manila pagkagraduate namin.
Isa pa, kasama na namin si Charles ngayon at mas gusto kong nasa iisang bahay kami. Mahirap na at baka kung ano-anong mga ginagawa noon.
This condo has three bedrooms and three bathrooms. Ang isang bedroom na may bathroom ay kay Charles. S'yempre kasi lalaki siya. Ang isang bedroom naman na walang bathroom ay ginawa naming guestroom dahil minsan, dumadalaw rito ang mga Nanay pati na rin sina Tita Edith. Ang master's bedroom, samin dalawa ni Daniella. Hanggang sa pagtulog, hati at magkasama pa rin kami. Buti na lang at may walk-in closet iyon sa daming damit ni GF.
Naghanap akong susuotin. I chose to wear a black short sleeve fitted top, blue denim button down a-line skirt and white shoes.
Nagtungo ako sa makeup station dito sa loob ng walk-in closet. I decided to put a natural light makeup using of course, the GF Cosmetics. I put mascara to highlight my long eyelashes and hazel brown eyes. Light pink blush on for my cheeks and a light pink lipstick. Bl-in-ower ko na rin ang buhok ko para matuyo at hinayaan iyong bagsak na nakalugay. Naghanap na rin ako ng hair clip para maipitan ang ilang strands ng buhok ko sa left side.
When I felt satisfied, I took a selfie and posted it on my instagram account.
faithcelesthine Sunday looks
Wearing @gfcosmetics
Dahil ako ang unang natapos, ako ang nagluto ng breakfast namin. I cooked fried rice and hotdog. Sakto naman pagkahain ko sa dining table, kalalabas lang ni Charles na bihis na rin para magsimba.
"Good morning bro!" I greeted him.
"Mornin'," he answered huskily before he went to me just to give me a morning kiss on the side of my forehead.
Napangiti ako dahil kahit na suplado 'yan, sweet pa rin naman.
"Tawagin mo muna si GF," sabi ko bago pa s'ya tuluyang makaupo. He glared at me pero sinunod din ako.
Masungit ng naglalakad pabalik ang kapatid ko at sa likod niya ay ang nang-aasar na si Daniella.
"Ang aga-aga, Ate Dani!" inis na wika ni Charles habang papaupo.
Ngiting-ngiti at tuwang-tuwa naman ang kaibigan ko. We ate our breakfast without talking to each other. Ang kapatid ko ang naglinis ng dining at naglagay ng mga pinagkainan sa lababo.
"Ate Dani magligpit ka!" utos ng kapatid ko.
"What? Ba't ako?" turo naman ni GF sa sarili n'ya.
"Well, you're the one who did not do anything this morning. You just woke up and ate breakfast. C'mon, magligpit ka naman para ma digest 'yang kinain mo," pang-aasar ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
After Everything (UP Series #1)
Teen FictionUP Series #1 Adam Trevino- a famous and heartthrob basketball player of UP Fighting Maroon, a model and engineering student at UP Diliman. Ariadne Garcia is the campus crush, accounting student, and a Dean's lister at UP Diliman. She's also a famou...