AE 43

1.4K 27 2
                                    

Chapter 43

We stayed that way. Simula ng araw na sinabi niyang isang buwan na lang at aalis na siya, lagi kong hiniling na sana… tumigil pansamantala ang oras. Bumagal ang pagdaan ng araw at gabi, but I know that no matter how I wish that, time will never stop. The world is changing every second, like a day after the night. In life, change is the only certainty.

Adam agreed after we talked. Nararamdaman kong may pag-aalinlangan pa rin siya pero lagi kong ipinapakita sa kanyang ayos lang, dahil iyon ang dapat. Sa bawat araw na lumilipas, sa bawat oras na sumasagi sa isip kong malapit na siyang umalis, parang may parte sa akin na unti-unting nawawala.

I sighed when I remembered again that he’s leaving after five days. For the past weeks, we planned everything that we wanted to do.

Sa bahay na rin nila siya nag-ii-stay simula ng graduation para makasama ang pamilya. Every Sunday, he will pick me up here so we can go to church together and in the evening, we’ll have a dinner together in a restaurant. Sa ibang araw, madalas kasama ako sa dinner ng pamilya niya.  

Ngayon, nasa sala kaming dalawa rito sa unit. Kadarating niya lang para sana sunduin ako dahil may usapan kaming sa labas kakain ngayong araw. Pero mukhang mauudlot ata iyon dahil may mga papeles na dumating mula sa GF Cosmetics.

Nakapirma na si GF doon at pirma ko na lang ang kulang. Ito iyong mga gawain na hindi ko nagawa ng ilang araw para makasama si Adamson. Hindi  ko na rin ito pwedeng ipagpaliban pa dahil bukas, aalis kami para magbakasyon at sulitin ang araw bago umalis si Adam.

“Sorry!” I said guiltily while looking at him.

He was sitting patiently on the sofa while watching me. Mas lalo tuloy akong naguilty nang ngumiti siya. Isang ngiting nagsasabing ayos lang.

Kanina pa siya nandito at mag-aalasais na, dapat nasa byahe na kami pero hanggang ngayon, narito pa rin ako at inaasikaso ang mga dapat gawin. Sinubukan ko na ngang bilisin para matapos agad pero hindi talaga. May panibago kasing dumating para naman sa mga business na napagkasunduan naming i-franchise ni Daniella. Kung hindi ko naman ito gagawin ngayon, baka iyong bakasyon pa namin ang hindi matuloy.

“Sorry talaga!” I sighed languidly and held his hand.

Adam shook his head, nagpapahiwatig na hindi ko kailangan humingi ng paumanhin. Umalis siya sa sofa at bumaba para umupo sa carpet kung saan din ako nakaupo ngayon. He sat beside me.

“Why are you apologizing? Did you do something that I didn’t know?” naningkit ang mata niya na para bang may tinatago ako ngunit halatang halata ang ngisi niya sa labi.

I know that he’s doing that to lighten up my mood. Alam niyang sobra akong nagi-guilty na hindi kami matutuloy ngayon.

I stared at him but in the end, I just sighed. Slowly, a small smile crept on my lips.

“Ano naman ang pwede kong gawin na hindi mo alam?” my forehead creased.

He shrugged. “I don’t know. Baka lang naman…” nanatili ang pang-asar niyang ngisi.

I tsked and rolled my eyes.

“Baka ikaw… baka pagdating mo ro’n may mga babae lang na lumapit sa’yo, palitan mo na agad ako,” mataray kong sabi ngunit may sakit at pait akong naramdaman.

Hindi ako selosang tao pero hindi ko mapigilan na isipin ang ganito. Lalo na s'yempre at aalis nga siya.

May tiwala ako sa kanya, pero sa mga taong makakasama niya roon, ang wala pa.

Nagtaas ako ng kilay nang makita ang masama niyang tingin sa akin. Hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“Bakit?” I asked innocently and continued signing the papers. Umiiwas sa masama niyang tingin.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon