AE 9

2K 52 7
                                    

Chapter 9

Talagang in-enjoy ni Adam ang mga libre ko sa kanya dahil madalas n'ya 'kong niyayaya sa kung saan-saang kainan inside and out UP campus.

We become close but not too close. I can say that he was nice. Unti-unti na rin akong nasasanay sa ugali at kilos niya. Madalas pa rin n'ya 'kong inisin pero hindi na 'ko gano'n kadali mainis sa kanya.

UAAP also started kaya mas naging busy sina Charles.

Mabilis akong nag-ayos ng gamit para makahabol sa laro ng kapatid ko.

Charles was the newest player of Fighting Maroon. Kaya naman sa unang laro ng kapatid ko ngayon sa kolehiyo, dapat naroon ako para suportahan s'ya. Mabuti na lang at wala kaming prof. ngayon. Nagkaroon daw ng emergency kaya hindi makaka-attend. Wala rin iniwan na gawain kaya pwede na talagang umalis.

GF was the one who drive the car.  Ako ang nasa front seat, si Rose at Jeremy naman ang nasa backseat. Mabuti na lang at nanghingi akong ticket kay Charles. Dalawang ticket ang binigay sakin ng kapatid ko kaya tig-isa kami ni Jeremy. Si Rose at GF, may kanya-kanyang ticket na bigay ng jowa nila.

The game already started when we arrived in Arena. Marami-raming tao rin ang naroon pero hindi katulad ng crowd kapag semi at finals na talagang punuan.

Naupo kami malapit sa court. Napa palakpak at sigaw kaming apat nang makashoot ang kapatid ko. Some people stare at us but we don't care. Nagtawanan pa kami.

I'm so happy and proud seeing how passionate my brother is while playing basketball.

Charles jogged backwards after he scored. He was wearing their white jersey and our surname 'Garcia', was written on the back of his jersey together with his favorite number 8. Eight was our mother's birthdate.

Hindi man nakita ng kapatid ko ang aming ina, pero alam ko kung gaano niya kamahal si Mama.

Third quarter nang magpahinga ang kapatid ko at pumalit si Adam na nagpahinga noong second quarter.

Malaki ang lamang ng FEU pero noong nag fourth quarter, doon humabol ang UP. Manuel, Bricks, Adam, Charles and David are the players of UP, na s'yang naglalaro sa fourth quarter. Wala akong mas'yadong kilala sa players ng FEU.

Si Bricks ang may hawak ng bola at nasa gitna s'ya ng court. Adam is now busy instructing his other teammates. Charles immediately ran at the side, sa line ng three points. Bricks looked at him but he didn't pass the ball to Charles. At mukhang alam iyon ng kapatid ko. Mukhang pumuwesto lang s'ya roon para linlangin ang kalaban.

Bricks threw the ball to Adam, na s'yang nasa ilalim ng ring. Mabilis na ipinasok ni Adam ang bola sa ring at nagdunk pa.

Nagsigawan ang fans ng UP. Siniko naman ako ni Jeremy at nang balingan ko s'ya, nang-aasar na ngisi ang ibinigay n'ya sa 'kin. I rolled my eyes at him. Anong nginingisi-ngisi nito?

Instead of saying anything to Jeremy, I just continued watching the game.  Nag dire-diretso ang paghabol ng UP sa score ng FEU. Naka three points si Bricks kaya todo ang cheer ni GF. Bumaling pa si Bricks kay GF kaya mas lalo ng kinilig ang isang 'to.

"Sana all!" Jeremy said teasingly.

"Ang landi!" dagdag ko.

"Sus! Ganyan ka rin sa susunod," tawa ni Jeremy sa akin.

"Sa kapatid ko!" I answered immediately.

"Weh? Sure ka hindi kay Adam?" patuloy na kantyaw n'ya sa akin. I rolled my eyes playfully.

"Tigilan mo 'ko kay Adamson. Sa kakaasar mo sa 'kin baka nga ikaw ang may gusto ro'n. Mga type mo gano'n," ngisi ko.

"Type ko talaga magpinsan na 'yan," sagot niya. "Pero mas type ko kapatid mo!" dagdag n'ya at humalakhak.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon