AE 49

1.5K 39 27
                                    

Chapter 49

Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinauupuan habang pinupukpok ng paulit-ulit ang puso ko sa sakit. If I didn’t feel Arson on my feet, baka nanatili pa akong tulala habang bagsak ang mga balikat. I smile a bit when I saw her as she started licking my legs.

Mabilis kong iniiwas ang binti sa kanya at walang sabi-sabi na binuhat siya kasabay ng pagbagsak naming dalawa pahiga sa sofa.

“Magkaaway ata kami,” I started talking her and chuckled. Itinatawa na lang ang nararamdaman.

I lifted Arson a bit while still lying on the couch.

“Bakit gano’n Tatay mo?” tanong ko kahit alam kong hindi naman niya ako naiintindihan.

“Gusto ko lang naman subukan pero bakit ayaw niya?” patuloy ko at muling nanumbalik ang mga salitang sinabi niya kanina.

Pero h’wag mong aasahan na pupunta ako dyan. H’wag mong aasahan na susuportahan kita sa parteng ‘yan!

Mas nadagdagan ang sakit na aking nararamdaman habang naririnig iyon. Kahit paulit-ulit kong kumbinsihin ang sarili na pagod siya at mukhang hindi maganda ang nararamdaman kaya niya nasabi iyon, hindi ko rin mapigilan na masaktan.

Huminga ako nang malalim at niyakap na lang si Arson. Pumikit nang mariin at winala ang naiisip. Hindi ko tuloy namalayan na nakatulog pala ako at nagising na madilim na sa labas.

I raised my hands in the air as I stretched it. Arson barked when she saw me sitting on the sofa. I smiled at her and pat her head before I stood up to turn on all the lights. Mabilis akong bumalik sa sala para hanapin ang cellphone nang mapagtantong kanina pa umalis si Adam at hindi pa bumabalik.

Wala siyang text or kung anuman sa akin so decided to dial his number but no one answered. I sighed and tried again. Medyo bumilis na rin ang tibok ng puso ko sa pag-aalala dahil wala naman siyang iniwan na text sa akin. Dapat dito siya matutulog, sa kabilang kwarto ngunit ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ba siya.

I sighed heavily on my twentieth attempt calling him as I realized what really happened. Magkaaway talaga kaming dalawa at galit siya sa akin dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Alam kong hindi siya lowbatt. He’s not even busy because he doesn’t have a schedule today so what’s the reason why he didn’t answer my call if mali ang iniisip ko. At nasaan na ba siya ngayon?

I sighed again and tried to dial his number for few times and after minutes, I stopped. Mukhang wala talaga siyang balak na sagutin ang tawag ko at naiinis ako dahil hindi naman siya ganito kapag nagkakatampuhan kami.

I sat down on the sofa and messaged Brickson to ask where Adamson is. Ganoon din ang ginawa ko kina Tita Helen at maging kay Tito. Ultimong si Kendra tinawagan ko.

“I don’t know where he is e, Ate!” she said.

I nodded even though she didn't see me. “Okay, thank you!”

“I’ll tell you if I got an update from him,” she added before we ended the call.

Ilang minuto akong naghintay at kachat si Bricks pero hindi rin daw niya macontact si Adam. Nagi-guilty tuloy akong pinagpilitan ko pa sa kanya iyong tungkol sa Victoria Secret, sana ay hindi na lang kami nag-away at hindi siya umalis.

Bumuntong hininga ako dahil lumipas pa ang oras at wala pa rin akong balita sa kanya. Alas nwebe y media na ng gabi at kailangan ko ng magpahinga para bukas pero ito ako at hindi pa kumakain ng hapunan kakaisip kung nasaan ba si Adam.

Napaayos ako ng upo nang makatanggap ng tawag mula kay Tita Helen.

“Ariadne, anak!” bungad niya agad na ikinakaba ko.

After Everything (UP Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon