TUV-Z Edition ay may nabagong konti sa flow ng kwento dahil madami akong ieedit na mga grammar, dahil sinulat ko ito ay nung 2015 pa.
Happy Reading chazies❤😘*****
Nagising ako dahil kay Candy, dahil malikot itong matulog. At hanggang ngayon ay nagbabyahe pa din kami, napatingin naman ako sa labas ng bintana nang bus at ganun na lang ang aking gulat dahil may na daanan kami na mga puro mga naka suot na white robe na tao sa gilid ng daan at may malalaking tent ito.
Nang makita nila ang bus namin napatigil yung iba sa kanila na naglalakad dahil nagulat sila at ang pinagtaka ko ay bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala. May mga lumapit na naka puti din sa kanila at mukhang sinaway at pinabalik sa kanilang ginagawa. Sa hindi ko malaman pero kinabahan ako sa kinikilos nila di ko alam kung napapraning lang ako dahil first time ko makakita na parang katulad sa palabas na mga naka white robe at para silang mga scientist na ewan.
Hanggang sa nalagpasan na namin sila, di ko alam kung ako at ang driver lang nakakita sa kanila dahil di naman ako lumingon kung may mga gising na sa amin.
"T-tori ayos ka lang?" Nagulat naman ako nang magsalita yung katabi ko. At pumupungay pa ang kanyang mata dahil kakagising lang nito.
"Oo naman, bakit mo naman na tanong?" Sagot ko naman sa kanya.
"Parang na shock ka eh!" Sabi naman niya sakin.
"Ahh! Wala, ganito ako pag bagong gising." Tinawanan ko na lang yung sinabi ko sa kanya. Muka namang naniwala siya sakin.
" Dito na po tayo!" Biglang sigaw naman ng driver samin. Hindi pala namin napansin na tumigil na yung sasakyan sa gilid ng daan.
Tumayo sa harapan si Jeff para gisingin yung iba at nagsalita.
"Guys! Dito na tayo! Ayusin na natin yung mga gamit kailangan wala kayong iwanan dito sa loob dahil di magtatagal si manong at aalis din siya." Paliwanag naman ni Jeff samin.
Tumayo na kami ni Candy at kinuha yung mga gamit. Nakita ko din yung iba kong kaibigan na nagsisitayuan na at yung iba kong dating kaklase ay parang walang narinig at mga tulog pa. Nakatalikod ako sa kanila dahil inaangat ko yung bag ko, nang may mga naririnig na ako na boses sa bus at medyo nag iingay na.
"Hoy! Mga magsi-gising na kayo! Bilis ang ganda sa labas ang daming bato" sigaw nung isa naming dating kaklase na si Dianne na ginigising yung mga kaibigan niya.
Lumingon ako sa kanila at sinuot ko na yung bag pack ko at di ko matiis na mapangiti dahil sa itsura ng mga dati kong kaklase.
"Jess!! Dalian mo kumilos, tara na at bumaba na tayo! Hahaha" natatawang sabi naman ni jeca sa kaibigan niya dahil natutumba ito patayo gawa nang ginulat niya.
"Walanjo mga pre! Gising na, nandito na tayo" sigaw naman ni Rjay
"Aahh!! Ayaw niyo magising ha?? SSUUUNNNOOOG." Sa sobrang lakas ba naman ng sigaw ni Harry at nakatutok pa yung bibig nito sa kasamahan niya, di ka kaya magising.
Natawa kami dahil mga nagsibangunan naman sila at nag ayos na din. Nakakamiss din yung mga pasaway sila. Yung iba sa mga kaklase ko ay mga anak at asawa na pero di nila sinama, ang alam ko pinaalaga sa mga lola o asawa na naiwan.
Niyaya na kong bumaba ni Candy dahil nauna na yung iba naming kaibigan sa labas. Pag-apak ko pa lang sa lupa, may bigat na kong naramdaman katulad kaninang nung nakita ko yung mga tao sa nadaanan namin. Tumingin ako sa paligid kasi para bang may nagmamasid. Napapraning na ba ako? Para kang tanga Tori nakita mo lang yung mga naka white robe, bigla kana lang nagka ganyan na kilos.
"Hey! Tori are you okay?" Nang may naramdaman akong kumulbit sa likuran ko at nagtanong. Lumingon naman ako nang makita ko si Cyrus sa likod ko.
Hindi ko inexpect na kakausapin niya ako, sa haba ng panahon di kami nagkita sa malamang baka, wala na sa kanya yung nangyari nung high school namin.
"Hmm! Yeah, I'm fine." Tipid ko namang sagot ko sa kanya. Ibubuka na sana niya yung bibig niya na mukhang may sasabihin pa sa akin nang may nagsalita sa likod nito.
"Babe! Pabitbit naman nitong bag ko ang bigat." Yung sumigaw kaninang babae, kasama pala niya yun. Gf niya siguro!. Tumalikod na lang ako agad at naglakad papunta sa pwesto ng barkada ko.
"Ano yung sinabi sayo ni Cyrus?" Tanong sakin ni Lyn nang makalapit ako sa kanila. Chismosa talaga ito! Nakita pa niya kami. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya at di sinagot yung tanong niya.
Nang lahat na ay nasa labas, pinagkumpol muna kami ni Jeff at saka siya nagsalita.
"30 minutes pa tayo maglalakad para marating natin yung destinasyon kung saan tayo maglalagi at itatayo ang tent natin. Okay lang ba sa inyo yun?" Tanong naman niya sa amin, tumango na lang kami at nagsimula nang maglakad.
Nang may naalala akong itatanong kay Jeff at lumapit sa pwesto niya habang naglalakad kami.
"Jeff? May itatanong pala ako?" Lumingon naman siya sakin.
"Ano yun?" Curious niyang sabi sakin.
"Paano pala tayo masusundo ni manong?" Tanong ko naman sa kanya.
"Ah yun ba, itetext o tatawagan ko si manong kung kailan natin gustong umuwi." Sagot naman niya sakin at sabay ngumiti. Tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat.
Lumapit naman ako kala Lyn at sumabay sa paglalakad na kahit alam kong nasa likod namin sila Cyrus at naririnig ko yung puro reklamo nung kasama niyang babae.
"Ikaw Tori kung saan-saan ka naglalagi." Natawa naman ako bigla sa sinabi ni Seto, isa siya sa barkada ko na kasapi sa lgbt pero tanggap ko siya at di ako nagjajudge sa ganyang society.
"Nagtanong lang ako." Natawa kong sabi na lang sa kanya. Nasa dose kaming magkakaibigan, di naman nawawala yun pag high school ka meron sa room niyo na may kanya-kanyang grupo sa pagkakaibigan.
"Sus porket ang ganda at sexy mo ha! Hindi ka pwede kung saan pumupunta." Akala mo naiinis si Seto, ganyan lang talaga siya.
"Hey! Mas pretty ka kaya sakin." Sabi ko naman sa kanya na nakangiti. Natawa naman yung mga kaibigan kong nakarinig sakin. Umiling na lang ito at tumawa din. See! Isang baliw din ito si Seto eh. Hahahaha
Nagkasiyahan na lang kami para di namin maramdaman yung pagod sa paglalakad at dahil lubak-lubak pa yung dinadaanan namin ay nag-iingat kami baka madapa sa kakatawa.
To be continued ...
*****
BINABASA MO ANG
THE Unknown Virus - Z
AdventureSampung taon na nakakaraan na grumaduate kayo ng pagiging isang high school student at sa sampung taon na yun ay nag request ang inyong dating president ng room niyo na magkaroon ng Reunion upang ipagdiwang ito. At yan ang dahilan upang magkita-kita...