HAPPY READING😊
*****
Pinagpatuloy namin yung paghahanap nang pwede namin pagtayuan nang tent o makahanap man lang nang bahay. Ilang oras na din kami naglalakad at puro puno na lang ang nakikita namin.
"Hindi kaya naligaw na tayo?" Tanong sakin ni Tin sa tabi ko habang hinihingal sa paglalakad.
"Siguro, mukhang malayo na din tayo sa hindi natin alam na nilalang na humahabol satin." Sabi ko naman sa kanya.
"Pagod na ko, di pa rin macontact ni Vin yung bus company sabi niya nawalan siya nang signal. Pano na yan?!" Pag-aalalang sabi nito.
Kailangan namin makahanap nang masisilungan o makakatulong samin dito, at ang problema namin yung ibang kasamahan namin na napahiwalay.
"GUYS!!!" Sigaw bigla ni Limbo samin kaya napatingin kami sa kanya na may tinuturo.
"MAY BAHAY!! PUNTAHAN NATIN AT PAGTANUNGAN." sabi pa nito, nakita ko naman na parang na buhayan yung mga kasama ko, kumpleto kaming magbabarkada at mabuti walang napahiwalay samin. Na kasama namin sila Cyrus, Dianne, Rica, Princess at Harry.
Sumunod kami kay Limbo papunta sa bahay na nakita niya. Malapit na kami at kita namin na medyo luma na ito kahit malaking bahay. Kumatok si Limbo na sinamahan nila Len at Vin.
"Tao po, tao po??" Katok nila pero walang sumasagot o nagpaparamdam kung may tao sa loob. Bumalik sila sa pwesto namin.
"Mukang walang tao sa loob." Sabi samin ni Vin.
"Pano na yan? Hindi ba pwede na pasukin natin yan?" Tanong naman samin ni Princess. Napa-isip kami sa tanong niya dahil kung maghahanap kami ulit, aabutin kami nang gabi at baka wala kaming mahanap pa at saka pagod na mga kasamahan namin.
"Sige pasukin natin." Sabi ko sa kanila na sumang-ayon na din.
"Lima lang muna pwede pumasok at dapat may maiwan na lalake dito. Sino sasama sa akin?" Tanong naman ni Len samin.
"Sasama ako." Sabi ko sa kanya. Tumaas naman nang kamay si Vin, Limbo at Cyrus.
"Maiwan kana dito Cyrus baka kung anong meron sa loob nang bahay." Sabi bigla ni Rica na kinatingin namin. Napa-iling ako na hindi napapansin nila. Binaba ko naman yung back pack ko para makagalaw pag nasa bahay na kami. Hindi ko pinapansin yung mga sinasabi ni Rica na walang kabuluhan. May nakita naman akong kahoy at kinuha ko ito saka humarap sa pinipigilan na si Cyrus.
"Ayos lang Cyrus kung dito ka muna sa labas, si Enzo na lang papalit sayo." Napalingon naman sila sakin na gulat na may hawak na kong kahoy na nakapatong sa balikat ko.
"Oh tara na!? Baka gabihin tayo." Yaya ko sa kanila. Umangal si Cyrus pero pinigilan siya ni Rica na masama tingin sakin. Hayy buhay!
Naunang akong maglakad at sumunod naman yung apat na lalaking mga kaibigan ko. May narinig pa kaming "mag-ingat kami".
Kumatok ulit ako nang tatlo para sigurado pero wala talagang nasagot. Pinihit ko yung door knob kung sarado ba ito. Pero kinagulat kong hindi naka lock kaya tuluyan ko itong binuksan nang paunti-unti. Medyo may kadiliman sa loob pero may konting liwanag naman na makikita dahil sa hapon pa naman.
"Ako muna Tori." Sabi sakin ni Vin na may hawak na ding kahoy, tumango na lang ako sa kanya saka siya naunang pumasok at sumunod kami.
Nasa loob na kami nang malaking bahay at tahimik lang ang paligid at mukang wala nang nakatira dito dahil sa may nakikita akong agiw sa kisame at sa hagdan nito.
BINABASA MO ANG
THE Unknown Virus - Z
AventuraSampung taon na nakakaraan na grumaduate kayo ng pagiging isang high school student at sa sampung taon na yun ay nag request ang inyong dating president ng room niyo na magkaroon ng Reunion upang ipagdiwang ito. At yan ang dahilan upang magkita-kita...