Kabanata 4

171 5 0
                                        

Medyo naging slow ako sa update ko ngayon, dahil sa naging busy sa pananahi ng new diy crop top😂. Pero bawi ako ngayon chazies.
HAPPY READING🧀💕

*****

Nagising kami dahil sa ingay nang nasa labas, di ko alam kung kaninong nanggagaling yung boses na nagtatawanan, na hagilap ko ng tingin na bumangon si Jazz at sumilip sa labas.

"Lintek ikaw lang pala yung nangingibabaw ang boses kakatawa dyan, Seto!! Nagising tuloy kami." Gigil na sabi ni Jazz dahil nasira din siguro yung tulog niya, anong oras na din kasi kami natulog kagabi mga napasarap sa kwentuhan.

"Sorry na! Ito namern, gumising na lang kayo at mga 10 mag activities na. Hahaha" sinungitan naman ito ng tingin ni Jazz saka lumabas ito sa tent.

Bumangon na lang din ako at naghanda na ng pang morning routine. Sinabi naman samin ni Jeff na may maliit na batis dun at pwede maligo dahil malinis naman yung tubig at may ayusan din daw hiwalay ang babae at lalake parang sa cr.

Lumabas na ko sa tent na dala-dala ko yung mga gamit at pupuntang batis, iniwan ko na muna yung iba sa tent mga bumalik sa tulog yung iba. Konti pa lang yung mga gising na nasa labas, maingay lang talaga si Seto at kausap si Jeff.

Nakita ko yung batis at makinis nga yung tubig biglang nagising yung diwa ko na maramdaman ko yung lamig ng tubig na sinamahan ng preskong hangin. Ginawa ko na yung routine ko at aliw na aliw ako sa tubig napakalinaw at masarap magbabad sa pagliligo.

"Tori, nandito ka pala." Nang may nagsalita sa likod ko.

"Kanina pa, patapos na din ako." Sabi ko kay Cyrus, na lumusong na rin siya sa batis na medyo malayo siya ng konti. Bakit kasi kaming dalawa lang lagi?! Kinakabahan ako pag malapit siya. Wala bang darating na iba?

Minadali ko na yung mga ginagawa ko para matapos ako agad sa pagliligo. Nang may naramdaman ako sa bewang ko na mga pumalibot na braso na ikinagulat ko.

"C-cyrus? A-anong i-ibig sabihin nito?" Nauutal kong tanong sa kanya na ayoko naman niya mahalatang may epekto siya sakin. Na kahit meron naman.

"Please! Give me 5 minutes?" Bulong niya sakin na di ko naman alam kung papayag ako.

"Bakit?" Maiksing salita ko sa kanya.

"I just .. really miss you!" Nangilabot ako sa lapit nang labi niya sa tenga ko. Fuck!! Hindi nga ako nakagalaw dahil sa naging reaksyon ko.

"CYRUS!! NANDYAN KA BA SA BATIS??!!"  Napahiwalay ako agad sa kanya nang may biglang sumigaw palapit sa batis.

"Aalis na ko." Yun lang ang na sabi ko dahil, ramdam ko na yung mga tapak sa lupa nung sumigaw na marahil malapit na siya. Dumeretso ako sa bihisan ng gilid sa batis para di ako makita.

"Naliligo kana pala dito, di mo man lang ako hinintay." Naririnig ko yung nagsasalita at boses babae ito. Di kaya yun yung kasama niya sa bus?! Ang gagu nun, may gf na siya bat lapit pa nang lapit sakin. Okay na ko! Wag na siyang umeksena ulit.

"Uyy Cyrus san ka pupunta?" Sabi pa nang babae di ko alam pangalan.

"Magsicr ako." Sabi ni Cyrus, napakunot noo ako dahil narinig ko yung yabag ng paa niya malapit sa tapat ng pinto ng babae. Sa kabila pa yung cr nang lalake pero madadaanan yung sa babae.

Tapos na ko magbihis at lumabas na sa cr, nakita ko naman na nagaabang si Cyrus sa tapat ng pinto.

"Doon pa ang cr ng lalake." Sabi ko sa kanya dahil nakaharang siya sa dadaanan ko.

Hindi ko naman mabasa yung mga tingin niya sakin ngayon. Ang aga- aga ha!!

"Pwede bang padaan, nakaharang ka sa daan. Aalis na ko!" Sinubukan ko naman umabante pa kanan pero hinarangan niya ako, ganun din sa pa kaliwa hanggang sa na inis na ko. Babatukan ko sana siya nang nahuli niya yung kanang kamay ko, yung kaliwa ko naman ay may bitbit na mga gamit ko.

"Bakit ka ba nakaharang dyan?? Bat di ka bumalik sa gf mo, para di ako yung pinagtitripan mo, ang aga-aga Cyrus naiinis ako sayo." Madiin ang pagkakasabi ko pero di ganon kalakas na alam kong siya lang ang makakarinig.

Napakunot noo ito na parang may pagtataka sa sinabi ko kanina. Nang mahimas-masan ito bigla na lang ngumiti. Baliw na ata siya!

"Anong kinangingitian mo? Bat di ka nagsasalita!!" Inis na talaga ako sa kanya. Bigla na lang niya ako niyakap at bumulong.

"Wala akong gf." Sabay alis nito na ikinatanga ko. Bwiset! Ano ngayon kung wala siya--- . Ngayon lang nagsink in sa utak ko yung sinabi niya. Grabe bat bumilis yung tibok ng dibdib ko. Tori wag ka maniniwala baka pinagtitripan ka lang nun. Tama! Nagjojoke lang yun.

Nakabalik ako sa tent namin at mga gising na pala silang lahat at yung iba inuna yung kumain sa umaga, at sumabay ako sa kanila Aishi na kumain na din.

Mga bandang 10 ng umaga na sa activities camp site na kami, malaki at malawak yung lugar bukod pa dun sa lugar nang tinayuan naming tent.

Ang lider namin sa grupo namin ay yung kaibigan namin na si Vin, malaking tao kasi siya. Sa kabila naman ay si Rjay ganun din ang pangangatawan.

Kagrupo ko nga si Cyrus pero yung babae na kasama niya ay hindi. Buti na lang! Napailing na lang ako sa kung ano yung biglang naiisip ng utak ko.

Masaya yung naging activities namin kahit natalo kami, 2-3 mas lamang lang nang isa yung kabilang grupo, dahil medyo nagkaroon ng sugat yung mga malalakas samin, pero ayos na din. Naging civil naman kami ni Cyrus sa games. Pag may partner ang games kami agad pinagpapartner ayos lang naman sakin dahil laro lang naman, ang kaso may nahahagilap ako ng masama ang tingin sakin. Yung kasama ni Cyrus na hanggang ngayon di ko pa din alam ang name.

"PAHINGA NA MUNA TAYO AT KUMAIN NA DIN, ALAM KONG MGA GUTOM NA TAYO!!" sabi samin ni Jeff na nakangiti nang nasa camp site na kami. Mukang nag enjoy din siya kahit di naglalaro. Nakaupo ako sa batuhan dahil sobrang nakakapagod yung ginawa namin.

"Hey!" Tawag sakin ni Cyrus at may inabot na malamig na bottle water, kinuha ko naman ito at nagpasalamat. Umalis na din naman siya.

"Hoy hoy hoy!! Ano yung nakita ko Tori ha?" Chismosang tanong sakin ni Lyn kasama ang mga kaibigan ko. Natawa na lang ako sa kanya at di sinagot.

"Nakakainis ka! Hon si Tori oh" sumbong naman nitong babae na ito sa bf niyang si Len na nagpabebe. 12 kaming magtotropa na sila Seto, Limbo, Len, Ide, Enzo, Aishi, Jazz, Candy, Tin, Vin, Lyn at ako.

"Tumigil kana nga Lyn, wag mo nang kulitin si Tori." Saway naman ni Candy sa kanya. Na mas lalong sumiksik sa bf niya na gustong-gusto naman nung isa.

Napa-iling na lang ako. Tagal nilang mgbf/gf di pa rin nagpapakasal.

Nagsiyayaan na sila na magpalit ng damit at kumain na din. Masaya naman ang pagkacamping namin pero bigla bigla na lang sumasagi sakin yung mga naka suot ng white robe. Ewan ko ba na para bang hindi maganda ang kutob ko sa kanila. Hayy! Bat ko na naman na isip yun?

Mga alas-dos na nang hapon at mabuti hindi ganun ka init dahil pinapaligiran kami ng mga puno. Baka dalawang araw na lang kami dito sa batangas at uuwi na rin kami, narinig kong kausap ni Jeff yung driver nung napadaan ako sa tent niya.

"Tumigil ka nga Rica!" Nang marinig ko yung boses ni Cyrus na may binanggit na pangalan ng babae. Napalingon naman ako sa likod ko, dahil nakatayo ako at pinagmamasdan lang ang nasa unahan naming mga ulap. Nakita ko silang parang nagtatalo sila. So, Rica pala yung name nung kasama niya?!.

Hindi ko na lang sila pinakialamanan at bumalik na lang ako sa tent ko at sobra talaga ako napagod kaya iidlip muna ako tutal mga nagpapahinga na din yung iba.

To be continued ...

*****

THE Unknown Virus - ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon