Kabanata 1

347 4 0
                                    

Hello Guys! Happy Reading😘❤
And don't forget comment and vote. Thank you in advance.

*****

Sampung taon na nakakaraan yung huling pagkikita namin ng mga kaklase ko. Sa hindi malamang na nararamdaman ay kinakabahan siya. Sa ngayon na sa isang bus kami at kanya-kanyang ingay sa bawat sulok nang sasakyan.

Ako si Victoria Dela Vega or "tori" for short, 26 years old. Isang Model sa International Agency. Yes! Natupad ko yung aking pangarap pero napakahirap bago ka makatapak sa industriya nila.

"Tori!! Namiss kita, bat ang ganda ganda mo at ang sexy mo pa din" ang lakas ng pagkakasabi ng isa sa kaibigan ko nung high school hanggang ngayon pa din naman, siya nga pala si candy ang bubbly ng grupo and small but terrible. Katabi ko siya sa upuan at yinakap naman ako at ganun din ginawa ko.

"I miss you too candy, ikaw ang cute mo pa din and small." Napatawa ako nung bigla siyang sumimangot.

"Joke lang candy" sabi kong natatawa pa din.

"Kainis ka tori" natatawa na din niyang sabi. Nang may mga sumingit sa pag aasaran namin ni candy.

"Hoy! Nagkakasiyahan kayo dyan ah." Isa sa kaibigan kong nagsalita na si limbo.

"Sali kami" sigaw naman ni Seto samin

"Hey! Anong meron?" Mga nagsikumpulan naman ang mga kaibigan ko kung nasaan ang pwesto at sabay-sabay nakigulo. Kaya sobrang ingay tuloy. Ito yung namiss ko sa kanila yung sobrang kaingayan at puro tawa lang ang nangyayari samin.

Nasa loob lang kami ng bus, dahil hinihintay pa namin yung dati naming president sa room na siya na lang ata ang wala pa.

Habang naghihintay kami sa loob, yung iba kong dating kaklase mga nagsikamustahan o kwentuhan sa mga nangyari sa buhay nila o na achieved.

"Hey! Nakita mo na siya?" Biglang bulong naman sakin ni Lyn, na kinataka ko kung anong yung sinasabi niya sakin.

"I mean si ano?" Ulit niya pa na hindi ko naman alam kung sino tinutukoy niya. Magtatanong na sana ako nang mapatingin ako o kami sa pinto ng bus na may papasok na nangingibabaw yung ingay na nanggagaling sa boses na babae.

"I hate you Cyrus, sabi kong bitbitin mo ito eh!" Sigaw nung babae sa lalakeng papasok sa pinto, na halatang naiinis sa kasama.

"Siya ang tinutukoy ko." Napabaling ako kay Lyn na bumulong ulit siya sakin. Napa-iling na lang ako dito, ano naman kasi kinalaman ko sa kanya.

"Tumahimik ka nga Lyn, akala ko naman kung anong importante yung sinasabi mo sakin." Pabalik kong bulong sa kanya, mahina naman siyang tumawa na ako lang ang nakakarinig.

Ilang minuto pa bago nakarating yung dati namin president na si Jeff at humingi naman ng pasensya dahil na late siya nang dating. Konting kwentuhan at napagdesisyon na namin na umalis na at pumunta na sa destinasyon kung saan napagbotohan na mag camping nalang sa may batangas.

Sa isang hilera ng upuan ng bus sa kaliwa nito ay kaming magkakaibigan ang nag-occupy, nasa gitna ang pwesto ko at ni Candy.
At yung iba ay kanya-kanya nang puwesto. Nang bigla akong tawagin ni Lyn na nasa likod siya nakapwesto ng pangatlong espasyo ang pumagitna samin, kaya napatayo pa ko upang sumilip sa kanya.

"Bakit?" Yung tama lang ang boses ko yung maririnig naman niya at para di maka-istorbo sa iba kapag ang lakas ng boses ko, medyo kasi tumahimik na nung nagsimula nang magbyahe.

Ngumuso siya sa kanan niya, na mukhang may itinuturo sakin, kaya napatingin naman ako.

Napataas lang yung kilay ko at bumaling ulit kay Lyn, naka kunot noo ako at binuka ko yung bibig ko at nagsalita 'oh ano naman ngayon?' pero mimic lang yung ginawa ko, walang boses na lumabas.

Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng napakalakas, hala! Nababaliw na ito si Lyn. Hindi alam nito mga nagsilunganan yung mga kasamahan namin sa bus sa kanya, pano siya lang yung nangingibabaw na boses. Nang mapansin ni Lyn na nakatingin sa kanya yung mga kasama namin na nagtataka sa kanya. Pinagmulahan naman siya bigla ng mukha. Naikitawa ko na lang din, pano napahiya siya sa ginagawa niya. Binelatan ko na lang siya at umupo na din ako.

Medyo matagal tagal ang biyahe kaya matutulog na muna ako.

"Candy, gisingin mo ko kung nakarating na tayo ha?" Sabi ko naman sa katabi ko na nagseselpon. Tumango naman ito at sumandal na ko sa upuan at pinikit ko yung mga mata ko dahil medyo puyat pa ko.

Hindi ko alam kung minuto o oras ako nakatulog, dahil nagising ako bigla na may lubak lubak na kaming nadadaanan. Tiningnan ko naman yung katabi ko at masarap ang tulog. Napailing at mahinang natawa na lang ako. Sumilip naman ako sa bandang unahan at nakita kong natutulog din si Jeff.

"Manong malayo pa po ba tayo?" Mahinang tanong ko naman sa driver dahil baka magising yung ibang mga tulog.

Tumango naman yung driver sakin kaya napasandal na lang ako sa upuan at sumilip sa may bintana. Puro puno na lang yung nakikita ko at walang mga bahay. Hindi ko na malayan na nakatulog ulit ako sa kakamasid sa labas.



To be continued ...

*****

THE Unknown Virus - ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon