Kabanata 6

146 3 1
                                    

HAPPY READING😊

*****

Pag-gising ko nang umaga dumeretso ako agad kung saan nakapwesto yung tent ni Jeff, dahil may itatanong ako dahil kagabi pa ko di mapalagay.

"Tori!! Saan ka pupunta?" Napatigil ako sa paglalakad na may tumawag sakin. Lumingon naman ako agad dahil nagmamadali kasi ako.

"Kay Jeff may itatanong ako." Sagot ko naman kay Rjay, na dati kong kaklase. Napasilip ako sa pwesto ni Jeff pero parang may nabago.

"Ha? Umalis si Jeff kanina, maaga kasi ako nagising k--" hindi ko siya pinatapos magsalita nang magtanong ako.

"Saan daw siya pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi niya sinabi, nagmamadali kasi siya pero babalik daw siya. Di ko lang sure kung nandyan na siya." Sabi naman ni Rjay.

Lumingon ako sa tent ni Jeff pero ang pinagtaka ko bakit wala na yung tent niya kung babalik siya. Nagsisimula na kong kabahan sa kanya, kagabi may mali talaga sa kilos niya at sa mga pabulong-bulong na sabi niya.

"Bakit Tori, may problema ba?" Tanong sakin ni Rjay.

"Rjay, may dala ba siya nang umalis siya, may napansin ka ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Wala. Wala siyang bitbit, phone lang niya nakita kong hawak niya na mukang may kausap siya nun. Hindi ko naman yun pinansin." Paliwanag nito sakin.

"Bakit wala yung tent niya?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Anong wala?" Nagtatakang tanong niya sakin. Tinuro ko yung pwesto dapat na may tent. Nakita kong nagulat siya.

"Paanong? Wala akong nakitang bitbit niya." Nagtatakang sabi nito.

"So hindi pa siya bumabalik simula kanina." Sabi ko sa kanya. Parehas kami napatahimik ni Rjay mukang nag-iisip din siya o nagtataka kung bakit wala yung tent ni Jeff.

"Anong oras ka ba nagising kanina?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Hindi ko sure kung madaling araw o gabi yun dahil madilim pa nun, naalimpungatan kasi ako." Sagot naman niya sa akin. Napatango naman ako at nagpaalam muna para masabihan na din yung iba.

Hindi kaya yun yung nakita ko kagabi na may anino akong nakita, yun siguro ang oras na nag-impake siya. Hayss naguguluhan ako! Naglalakad ako papunta sa tent namin at gigisingin ko yung hindi pa gising.

Pag dating ko sa tent namin gising na pala silang lahat kahit ang mga lalake, lumingon naman ako sa pwesto ni Rjay at nakita kong pumapasok siya sa mga tent para gisingin yung iba. Pinag-usapan namin na ipulong sila dahil sa wala si Jeff at yung tent niya.

"Anong meron guys?" Tanong nang isa naming kasama sa camping.

Mga nakapalibot na kami sa gitna yung iba mga na hikab pa at mukang antok pa.

"May itatanong lang kami ni Tori kung nakita niyo si Jeff?" Tanong ni Rjay sa mga ito, nagtaka naman yung iba.

"Bakit? Anong meron kay Jeff?"

"Nasaan nga pala siya?"

Mga tanungan nang mga kasamahan namin, nagkatinginan kami ni Rjay kung sino ang magsasabi, napabuntong hininga na lang ako, at ako ang magsasabi.

"Nalaman namin na wala yung tent ni Jeff kaya tinatanong namin kung sino ang nakaka-alam kung saan siya pumunta." Singit ko sa mga sinasabi nila.

"Bakit naman wala yung tent niya? Umalis ba siya?" Tanong nung kasama namin.

THE Unknown Virus - ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon