Kabanata 5

132 2 0
                                    

HAPPY READING CHAZIES🧀

*****

Naramdaman kong may yumu-yugyog sakin na hindi ko naman pinapansin dahil naka-pikit ako. Hindi niya ako tinitigilan na gisingin. Bwiset naman! Kung sino yung gumigising sakin sa mahimbing kong tulog. Malalagot talaga sakin! Hindi ko pa din ito pinansin at tumalikod ako kung sino man ito.

"Tori gising!" Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit naririnig ko boses ni Cyrus. Dahan dahan lang naman ako nito yinu-yugyog, kaya na padilat ako ng konti at kinusot kusot ko yung mata ko. Nang naka adjust na yung paningin ko, ganun na lang ang gulat ko na nasa harap ko nga si Cyrus, bat ba nandito ito sa tent namin at laging sumusulpot kung saan.

"Anong ginagawa mo dito Cyrus? Nasaan sila?" Tanong ko sa kanya  habang inaayos ko yung buhok kong parang baliw sa itsura.

"Pinapasundo ka sakin, nasa activities site na sila." Sagot naman sakin na kinataka ko.

"Bakit di ako ginising? Nakakahiya naman na pinasundo pa ko, tsk!" Napasimangot ako dahil di man lang ako ginising ng mga yun magsisimula na pala yung activities namin.

"Sabi ni Tin ginigising ka daw di ka daw magising, nahiya naman daw na gisingin ka dahil muka ka daw napagod sa laro kanina." Malumanay na paliwanag niya sakin.  Pero bakit siya yung nagsundo sakin? Napatingin ako sa kanyang may pagtataka, na nahalata niya kung ano yung iniisip ko.

"May nakalimutan kasi ako sa tent ko, nalaman nila ng mga kaibigan mo, pinasundo kana lang nila sakin." Nakangiti nitong paliwanag sakin, napatango-tango naman ako sa kanya.

Tumayo na din naman kami at lumabas ng tent nang lingunin niya ako. Ano na naman!?

"Ang cute mong matulog?" Ngising banggit nito sakin saka siya na unang maglakad. Ano!? Nagmadali naman akong maglakad para mahabol ko siya.

"Cyrus!! Ilang oras ba ko nakatulog?" Tanong ko sa kanya na makapantay ko na siya sa paglalakad.

"Parang isang oras at kalahati ata, bakit?"

Mag aalas-kuatro na pala medyo napahimbing ako nang tulog nun ha! Napatingin naman ako sa kanya dahil may gusto ako itanong sa kanya.

"Ilang minuto ka--" di ko naman natapos dahil may sinabi na agad siya sakin.

"Mga sampung minuto din kita ginigising." Pangiti ngiti niyang sinabi sakin. Nangaasar ba ito!? Natahimik na lang ako dahil ayoko na siyang patulan, hahaba lang usapan namin. Bumilis naman yung lakad ko dahil baka magtaka yung mga kasamahan namin na wala pa kami, 15 minutes din yung lalakarin bago makarating sa site.

"Hey Tori!! Wait!!" Habol niyang sabi sakin, hindi ko na lang siya pinansin at mas binilisan ang paglalakad. Naiinis na ko sa sarili ko, ilang araw pa lang parang ang tagal na namin nagsasama. Ayoko makasanayan dahil iba ang pinunta ko dito. At ayoko din paasahin yung sarili ko tapos na ko dun.

"Hey Tori." Nang nahawakan niya ako sa kamay para patigilin sa paglalakad.

"Bakit ba Cyrus!!?" Nang napasigaw ako sa kanya na kinabigla niya saglit.

"Sorry." Yun lang narinig ko saka niya ako binitawan. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad ko nang hindi na siya hinintay pa. Hindi ko alam kung nabasa niya ba yung mukha ko, halu-halong emosyon na ko, hanggang sa na una akong dumating kay Cyrus sa site at dumeretso sa pwesto ng kaibigan ko na nagkakasiyahan, di ko alam kung nagsimula na ba sila dahil kalat kalat sila sa field.

"Mabuti naman na gising kana Tori, hirap mong gisingin kanina." Sabi naman sakin ni Tin nang makita niya ko.

"Kaya nga, nasaan si Cyrus siya yung nagvolunteer na magsundo sayo." Sabi naman ni Aishi sakin. Ano?! Volunteer?!

"Ha? Anong nagvolunteer siya?" Tanong ko sa kanya.

"Oo siya nga, pumayag na kami dahil tinamad na kami bumalik." Sabi pa nito. Pero sabi niya--..!!! Sobrang kinatataka ko.

"Hindi naman kasi pwede na di tayo kumpleto sabi ni Jeff kaya nang malaman na ikaw na lang kulang, nag insist na siyang magsundo sayo." Paliwanag ni Candy sakin.

Nakakainis talaga siya! Bakit kasi ganun pinapakita niya? Di naman ako manghuhula. Letse!!

Nang makita naming dumaan si Cyrus sa harapan namin para dumeretso sa mga kaibigan din niya nung high school kami. Hindi ko na lang pinansin yung mga sinabi ng mga kaibigan ko at hinayaan ko na lang yung mga nangyari.

----

Ala sais na nang matapos yung laro namin, hindi na siya masyado kahirap di tulad kanina puro physical ang gamit ngayon naman puro pag-iisip ang gagamitin. At kanina pa kami hindi na nagpapansinan ni Cyrus, medyo na konsensya din ako sa sinigawan ko siya kanina, alam kong nagmamagandang loob lang siya pero ayoko lang na maramdaman yung aasa ako. Hindi ko rin naman alam yung motibo niya.

Gabi nang mapagdesisyon kong lumabas ng tent, hindi rin naman kasi ako makatulog yung mga kaibigan ko naman tulog na. Tumambay ako sa gilid ng tent at tumingin sa harapan namin sa may langit. Madilim ang kalangitan ang nagbibigay liwanag lang ay yung apoy sa gitna at yung ilaw sa loob ng tent nung iba.

Ako na lang ang nasa labas at nag-iisip. May nararamdaman akong pangamba sa di ko malaman. Pag nagkaka-ganito ako, nagkakatotoo yung feelings kong may mangyayari. Hayy! Ano ba itong iniisip ko?

"Tori?" Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.

"Hmm.. hey!" Bati ko naman kay Jeff

"Bat gising ka pa?" Tanong naman niya sakin nung nasa gilid ko siya.

"Hindi lang ako makatulog, ikaw ba?" Balik kong tanong sa kanya.

"Ganun din, medyo nag-aaalala kasi ako sa inyo." Hindi ko narinig yung dulong sinabi niya dahil mahina at mukang bulong yung ginawa niya kaya pinaulit ko yung sinabi niya.

"Ahh wala wala, hindi lang din ako makatulog." Nakangiti nitong sabi, tumango na lang ako.

"Jeff, sa isang araw na tayo uuwi noh? Sasabihin mo na ba bukas sa mga kasamahan natin." Tanong ko naman sa kanya, medyo na pansin kong nagulat siya o nataranta hindi ko lang sure kung namalik mata lang ako dahil dinadatnan na ko ng antok o bigla na lang siya bumalik sa dating porma.

"Paano mo nalaman na sa isang araw yung uwi?" Napansin kong seryoso yung pagkakatanong niya sakin.

"Ah narinig ko lang nung napadaan ako sa tent mo, kausap mo yung driver." Sagot ko naman sa kanya, napatango naman ito at biglang huminga ng malalim.

"Ah oo sasabihin ko din, osiya tutulog na ko, ikaw din Tori matulog na, pamamasyal na gagawin natin bukas." Nakangiti naman niyang sabi sakin, tumango na lang ako at umalis na din siya.

May hindi sinasabi samin si Jeff, kanina ko pa na papansin yung pagbabago ng mood niya.

Kung ano man yung iniisip ko ngayon sana mali. Limang minuto ang lumipas bago ako dumeretso sa tent pero bago pa ko pumasok may nakita akong anino nang tao sa dulo nang tent ni Jeff.

To be continued ...



*****

THE Unknown Virus - ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon