Kabanata 3

178 5 0
                                    

Opps! Medyo na delay ako ng update dito, nawili kasi ako kakabasa ng manga comics 😂 #yaoi HAHAHAH
HAPPY READING chazies🧀😊

*****

Nang makarating na kami sa camp site, nagtayo na kami agad ng tent. Malaki yung tent namin dahil provided ito ni Jazz yung isa naming kaibigan. Kaya nagsama-sama sa isang tent ay puro girls ng grupo namin at yung boys naman ganun din sa kanila. Napag-usapan na kasi namin na yun at planado.

Mga tanghali din na kami nakarating sa pagka-campingan namin, kaya pinapahinga muna kaming lahat ni Jeff, dahil maya-maya daw ay itotour niya kami sa mga gawaing activities.

"Guys! Excited na ko sa gagawing activities natin" masaya naman na sabi ni Tin habang kumakain kami sa tapat ng tent namin, kasama naman din namin yung mga boys dahil tabi lang naman ng tent nila yung amin.

"Lagi ka naman excited tin" sagot naman ni Aishi na ngumunguya. Napangiti naman ako napakatakaw eh walang pinagbago.

"Pero aminin niyo parang team building ito, kasi dito tatatag yung samahan natin diba, tapos minsan lang naman kasi tayo magkita-kita." Sabi naman ni Vin.

"Ang lalim pre. HAHAHA" natawang basag ni Limbo sa kanya.

Binatukan naman ito ni Vin at nag asaran na, tawa lang naman kami ng tawa sa mga ito pag nagsama-sama. Hindi ko maiwasan na maglibot ng tingin, pinagmasdan ko yung paligid at puro mga matataas na puno ang pumapalibot samin, nasaan kaya yung mga gawaing activities.

Tumayo ako at nagpaalam lang na lilibot lang ako saglit sa camp site, umoo naman sila at yung iba naman nagkanya din ng alis. Malaki yung kapaligiran at nakakapresko dahil masarap sa pakiramdam yung hangin. Ayoko naman mapraning dahil sa nakita ko lang, kung pwede naman ako magsaya kasama yung mga kaibigan ko.

Umupo ako sa malaking bato na hanggang bewang ang taas nito, na kaya ko naman akyatin. Kahit saan puro puno at mga dahon ang nakikita ko walang mga bahay o maliit man lang kubo. Siguro malayo ang mga kabahayan dito at pang camp site lang talaga ito sa mga grupo ng tao.

"Hey! Bakit nag-iisa ka?" Nang may sumulpot sa tabi ko. Nilingon ko naman ito dahil medyo nagulat ako sa pagtanong niya.

"Ah nililibot ko lang, ikaw?" Tanong kong pabalik kay Cyrus. Sinusundan mo ba ko? Napailing na lang ako sa naisip ko. At napansin ko din na walang umaaligid sa kanya o di niya kasama yung babae. Pwede naman kasi samin magsama ng iba kung gusto lang.

"Ganun din, tas nakita kita dito." Sagot naman niya sakin, at napatango na lang ako. Tahimik lang naman kami at naririnig ko lang yung mga hagpas ng hangin sa mga puno at mga munting tinig na nanggagaling sa mga kasamahan namin.

Nakatayo lang naman siya sa gilid ko habang nakaupo ako sa bato, medyo awkward dahil walang nagsasalita samin.

"Hmm, kamusta kana pala tori?" Nang tanungin niya ko bigla. Napalingon naman ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sakin, nakatingala lang ito sa langit.

"Ayos lang naman, ikaw?" Hindi ko alam kung napapansin niya tipid lang ako sumagot.

Napabuntong hininga naman ito saka lumingon sakin. Hindi ko alam kung bakit nagulat ako sa titig niya dahil medyo kinabahan ako.

"Ganun din naman." Tipid lang din niyang sagot. Okay! Awkward na talaga!.

"Tori.." tawag niya sakin at walang nagpapatalo na humiwalay ng tingin. Nang biglang lumakas yung ihip ng hangin kaya lumapit yung mga hibla kong buhok na nakalugay sa mukha ko.

"Tori, bakit humantong tayo sa ganito?" Sabay ayos ng hibla ng buhok ko papunta sa tenga ko. Bat ganun ang pakiramdam ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi naman ako agad nakasagot sa kanya dahil medyo natulala ako sa tanong niya. Eh pano nga ba Cyrus? Tanungin mo yung sarili mo. Gustong gusto ko yun sabihin pero nanahimik na lang ako.

"Tagal din pala tayong hiwalay na." Salita nito ulit, naninibago ako! Bakit inuungkat niya yung sampung taon na nakakaraan?

Hindi naman ako makakilos o maibuka man lang yung bibig ko. Nagtataka ako dahil nagbabalik tanaw ito ng matagal ko nang panahon na kinakalimutan.

Ibubuka ko na sana yung bibig ko para magsalita ng pigilan nito ng daliri niya at umiling sakin na ayaw ako pagsalitain.

"Sshh, di mo kailangan magsalita Tori at masaya ako na makita kita ulit." Sabi niya sakin sabay hawak ng mukha ko at bumaba yung mukha niya sakin at naramdaman ko na hinalikan niya ko sa noo.

"I'm sorry Tori for the past ten years." Bulong niya sakin sa may bandang tenga ko at saka siya naglakad palayo sakin. Nakinatigil ng paghinga ng dibdib ko, bat may iba akong nararamdaman nung hinalikan niya ako sa noo! And he said sorry. Hindi ko namalayan na tumulo yung luha ko sa gilid, na makita ko lang na may pumatak sa kamay ko.

Hindi ko inexpect ang mga sinabi niya sakin kasi ako kinakalimutan ko na yun pero siya binalik niya.

"HOOYYY! TORI NANDYAN KA LANG PALA TARA NA! MAY SASABIHIN SI JEFF!!" Sigaw na nagmumula sa likod ko, pinunasan ko naman agad yung luha ko saka lumingon at nakita ko yung dalawa na si Seto at Tin.

Bumaba na ko sa bato at lumakad palapit sa kanila at ngumiti na lang. Relax lang Tori! Hingang malalim, magiging okay lang.

Nasa camp site na kami at nakita kong nakapalibot na sila at nakatingin sa unahan na nandun si Jeff. Pumuwesto na lang kami sa dulo dahil paniguradong maririnig din naman namin at para di ko din siya makita.

"GUYS! MAG-GUGRUPO TAYO NG DALAWA. DAHIL 33 TAYONG LAHAT, TIG 16 KADA MEMBER AT TANGGAL NA SYEMPRE AKO. MAGBUBUNUTAN NA LANG KUNG SINO ANG MGA MAKAKAGRUPO NIYO." Sabi naman ni Jeff samin.

Si Jeff ang pumunta sa mga pwesto namin para bumunot. Nasa tapat ko na siya at kumuha na rin ako ng papel, binuksan ko ito at #2 ang nakalagay.

"Tori ano number mo" tanong naman sakin ni Candy. Pinakita ko naman sa kanya at saka ito ngumiti.

"Ako din number two" sabi niya sakin.

"KUNG SINO NAKABUNOT NG 1 PUWESTO SA KALIWA KO AT ANG 2 DITO SA KANAN KO." Biglang sigaw ni Jeff kaya nagsipuntahan na nga kami, parang bumabalik kami sa high school nito.

"Uyy bat di niyo kami kakampi?" Yung may sumigaw sa kabilang grupo, natawa naman kami dahil yung apat na sila Jazz, Enzo, Limbo at Tin ang napahiwalay sa grupo namin.

May hinanap naman ako sa group 1 at di ko siya nakita, at dun lang ako kinabahan na kagrupo ko siya.

"Ayos ka lang Tori?" Tanong naman sakin ni Lyn, tumango naman ako sa kanya.

"Osige na guys! Bukas na lang tayo magsimula ng activities magsikwentuhan at magkamustahan muna tayo ngayon araw." Nakangiti naman na sabi ni Jeff samin kaya ganun nga ginawa namin, umupo kami pabilog ng iba kong kaibigan at kaklase sa mini grass, at dun kami nagsimula magkwentuhan at kamustahan.


To be continued ...



*****

THE Unknown Virus - ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon