Chapter 3
“TULONG!!!”
Nakabilang na ako ng tatlo habang nakapikit ang mga mata ko nang may marinig ako. Nakarinig ako ng sigaw ng isang babae.
Napadiin sa sobrang pagkakapikit yung dalawa kong mata na talagang naiinis ako. Yung sigaw na yun ang nagpabago sa isip ko.
“Uyyyy Kyle.. bakit ka nagmamadali..”, napansin naman ako nila tita Flor.
Nagmadali nga akong lumabas ng kwarto ko at bumaba ng hagdan.
“Saan ka pupunta!?”, sigaw ni tito George, pero hindi ko na sila pinansin at diretso lang ako sa paglabas ng bahay.
Pinuntahan ko agad kung saan nanggaling yung sigaw na narinig ko.
Dito sa may kaliwa, nakita kong tumakbo yung batang babae. Payat sya, pero kasing tangkad ko. Nakarating ako dito sa isang makitid na kalye at naabutan ko yung isang lalaki na balak yata gawan ng masama yung babaeng nakita kong tumatakbo mula sa bintang ng kwarto ko.
Napabagsak sa may sulok ng poste yung babae. Nakasuot sya ng maiksing short jeans at white top. Batang bata ang itsura nya at singkit yung mga mata nya. Pero nakikita kong lumalaki yung mata nya gawa ng sobra nyang takot duon sa lalaki.
Una sa lahat, ano nga ba ginagawa ko dito. Takot nga ako sa mga kaklase kong bully, bakit lumakas ang loob ko na puntahan sya sa kabila na may humahabol sa kanya isang malaki at nakakaako na tao.
“Please.. maawa po kayo..”
“Tumahimik ka!!!”
Hindi ko kaya ito. Hindi.. Hindi kaya ng konsensya kong papanoorin ko lang na gawan ng masama ng lalaki yung babae.
Tumingin ako sa paligid ko, nakahanap ako ng isang kahoy. Nagmadali akong kunin yun at mabilis na lumapit sa likuran nung lalaki.
Hinampas ko nang napakalakas yung likuran nung lalaki. Kaso, matibay sya.. malakas yung lalaki. Lumingon sya at humarap sa akin.
Dito na ako nagsimulang matakot at mataranta. Lagot na, hindi ko ito kaya.
Papalit-palit yung tingin ko mula duon sa mukha nung natatakot na babae at dito sa lalaking ito na makapal ang bigote at nakakatakot yung mga mata.
“Sorry..”
“Lakas ng loob mo bata huh..”
“Hindi ko sinasadya..”
“Eh bakit ka pa nangi-alam dito!?”, nangiginig na ako sa takot.
“Susuko na po ako.”, binato ko sa tabi nung lalaki yung kahoy na pinanghampas ko sa kanya. “Ayan, hindi na ako lalaban.”
“Sira ka ba! Halika dito..”, sabi pa nya sa akin habang umaatras ako. Mas lalo akong natakot na may nilabas syang pocket knife.
“Pasensya na po talaga..”, naku paano na ito. Mukhang ako naman ngayon ang kailangang sumigaw ng tulong. Tumingin ako dito sa babaeng ito na nakadapa at sumenyas ako sa kanya gamit yung mga mata ko.
“Malas mo, nangialam ka pa kasi..”, nakangiti yung lalaki na parang handa na talaga na sya sa pagsaksak sa akin. Malapit na sya sa akin. Sasaksakin na nya ako.
Sa puntong inangat na nya yung kamay nya na may hawak na maliit na kutsilyo. Isang malakas na paghampas sa ulo ang nakita ko. Nakita ko yung babae, sya yung humampas. Mabuti naman at naitindihan nya yung pagsenyas ko sa kanya. Binato ko kasi talaga yung kahoy malapit sa kanya at ako naman, kahit paano, iaalis ko yung atensyon nung lalaki mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Blue Eyes (Gellie's Book 1)
FantasyImagine a fantasy story inside a teenfic story? Yes. Ang 'Blue Eyes' ay isa sa tatlong kwentong sinulat ni Gellie sa kwentong Coffee Jelly LUV. Ginawan ko ito ng sariling book na dapat kasama ito sa Coffee Jelly LUV, ngayon ay nakahiwalay na siya. B...