Chapter 2

59 3 0
                                    

Chapter 2

“Bakit ka nandito sa kwarto ko?”, tanong nya agad pagkakita sa akin. Hindi agad ako makasagot hanggang sa napatingin sya duon sa sahig at napansin ang isang kutsilyo. Sandaling lumaki yung mata nya hanggang sa napangisi sya. “May binabalak ka sakin?”

Tumayo sya at agad akong hinawakan sa magkabila kong braso. “Sumagot ka.. balak mo akong patayin!?”

Sa sobrang takot ko, pinilit ko makawala sa kanya, bumaba ako ng hagdan pero nahabol pa rin ako ng papa ko sa may sala.

“Wala kang utang na loob..”

“Hindi nyo ako tinuring na anak..”, sigaw ko sa kanya habang maghigpit na hawak yung isa kong braso.

“Binuhay pa rin kita, mabuti pa nga kinupkop pa rin kita..”

Wala na akong ibang maisip na paraan kundi itulak sya. Sa pagkakatulak ko sa kanya, tumama sya duon sa malaki naming vase. Hinawakan nya yung ulo nya at may dugo ito. Ngayon, mas lalong tumindi ang takot ko dahil posibleng gagawin na nya sa akin yung pinakamatinding parusa sa akin.

Nakita ko pa rin na hawak nya yung kutsilyo.. wala na akong magawa.. hindi ako makatakbo, hindi ako makasigaw.. hanggang sa nakalapit na sya sa akin. Sasaksakin na nya ako nang may pumagitna sa aming dalawa.

Nakilala ko agad sya..

“Vince!? Bakit? Anong ginagawa mo rito..”

“Tumakbo ka na Kyle!”

Umiiling ako. Hindi dahil ayaw ko tumakbo, ito’y dahil ayaw kong iwan sya.

Pilit na nilalayo ni Vince yung hawak na kutsilyo ng papa namin.

“Pa tama na!”, sigaw ko pero wala akong ibang makita sa mukha ng papa ko kundi matinding pwersa. Nag-aagawan sila hanggang sa laking gulat ko, nasaksak si Vince ng kutsilyo.

Hindi ito maari.

Agad na nilayo ni papa yung kamay nya mula sa tiyan ni Vince. Duguan ngayon yung harapan ni Vince.

Bumubuhos lang yung luha ko, hindi ako makalapit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

.

.

.

Ang sumunod na nangyari, inalalayan kosi Vince palabas ng bahay para makahingi ng tulong. Tumakas ang papa ko. Sa tulong ng mga kapitbahay namin, nadala pa sa hospital si Vince subalit, ang bagay na kinakatakot ko, hindi na sya nakaabot pa ng buhay.

Namatay si Vince at nakulong ang papa ko. Bakit si Vince pa! Bumalik lang naman sya para sa akin pero nadamay pa sya at sya pa ang nawala. Sinisisi ko ang sarili ko. Bakit ko pa kasi naisip ang bagay na yun sa papa ko.

Dinala ang katawan ni Vince sa bahay nila dito sa probinsya. Dito na sya sa Laguna inilibing. Habang ako, kukupkupin daw ako ng kamag-anak ni Vince. Hindi ko sila kaano-ano at kahit na ako ang may kasalanan sa nangyari, nagawa pa rin nila akong tulungan. Mas nangingibabaw sa akin ang pagsisisi kaysa magpasalamat.

Gayunpaman, nandito na ako, kailangan bigyan ko ng pagpapahalaga ang pagkupkop nila sa akin.

“Kyle, heto na ang magiging bago mong tirahan.”

“Salamat po tita..”, sabi ko sa tita ni Vince na si Aling Flor. Marahil masasanay na akong tawagin siyang tita ngayon. Walang anak sina Aling Flor at ang kanyang asawang si Mang George. Ngayon nakita ko yung dahilan kung bakit napakabait nila.

Hindi madali sa akin na makalimutan ang nangyari. Inabot ako ng dalawang buwan bago tuluyang nakalabas ng bahay para harapin ang mga tao. Pero may takot pa rin ako kahit na nakakulong ang papa ko.

Blue Eyes (Gellie's Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon