Chapter 5
Hindi ako makapaniwala dito sa sinabi ni Kristine. Hinila ko yung kamay nya at umalis kami sa harapan nila Joey.
“Bakit mo yun sinabi?”, tanong ko sa kanya nang makarating kami dito sa kabilang kalye.
“Ang alin?”
“Na girlfriend kita..”
“Diba magkaibigan tayo..at girl ako. Ganun yun diba?”
“Hindi.. hindi eh..”, napakamot ako sa ulo ko. “Alam mo ba yung girlfriend?”
“Yun na nga, kaibigang babae.”
“Aishh.. bakit ba ang hirap mong kausapin.. hindi mo siguro talaga alam.. ilan taon ka na ba?”
“Hmmm.. Kung ilang taon ka na ngayon..”
“Huh? 17 ka na? Ako ba niloloko mo?” Umiling sya nang nakangiti pa. Nagsisimula na talaga akong mairita. “Dyan ka na nga..”
“Sandali lang.. samahan mo muna ako..”
“Bahala ka sa buhay mo..”
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pinipilit ko huwag ipasok sa tenga ko yung mga sinasabi nya. Hindi tumagal biglang tumahimik sa paligid ko. Hindi dahil tahimik sa lugar namin kundi hindi na sya nagsalita. Lumingon ako, wala na pala sya sa likuran ko.
Nasaan na sya? Sineryoso ba nya yung sinabi ko na bahala na sya sa buhay nya. Aishhh.. hindi pwede eh, kahit makulit at maingay sya, hindi sya pwede mawala. Responsibilidad ko pa rin sya.
Bakit ba ako namomoblema nang ganito. Kaysa kamutin ko itong ulo ko sa sobrang inis, nagsimula na akong hanapin sya. Sinimulan ko duon sa kalyeng dinaanan namin.
Hindi ko pa rin sya mahanap. Inabot ako nang halos kalahating oras sa paglibot nitong baranggay subalit walang Kristine akong nakita.
“Ano ba naman yun, bigla na lamang nawalan ng kuryente..”
“Sa liit ng shop nila, mawawalan pa sila ng kuryente..”
Nakita ko yung dalawang babaeng kakalabas lamang nitong isang shop na nasa kanan ko. Hindi ko lang kasi napigilan marinig sila. Nandito na rin ako, pinagmasdan ko itong shop na ito, isang coffee shop. Hindi naman ako interesante dito sa shop na ito pero mula dito sa labas, nakita ko yung babaeng hinahanap ko duon sa loob.
Malinaw na nga talaga ang mata ko.
“Nandito ka lang pala..”, sabi ko sa kanya pagkapasok ko sa loob.
“Sorry Sir, magsasara muna kami..”
“Hindi naman ako customer, hinahanap ko lang kasi itong babaeng ito.”, sabi ko dito sa nagbabantay na sumita sa akin.
“Halika na Kristine, umuwi na tayo..”
“Dito muna ako..”, bakit ba kahit kailan ang hirap nya kausapin.
“Mukhang nag-enjoy na duon sa mga pusa..”, sabi nitong babae sa akin.
“Mga pusa?”, pagtataka ko at nakita ko nga na nilalaro ni Kristine yung isang puting pusa. Pinagmasdan ko itong buong coffee shop, marami ka ngang makikitang pusa.
“Bakit ang daming pusa dito?”
“Kitty Coffee Shop po kasi ang pangalan ng shop na ito, habang umiinom o kumakain yung mga customers ko dito ay pwede nila maenjoy kasama yung mga pusa.”, sagot nya sa akin at nakuha ko naman agad yung ibig nyang sabihin.
“Sandali pala.. bakit sabi nyo sarado na kayo? Maaga ba talaga kayo nagsasara?”
“Nagsara lang ako kasi nawalan ng kuryente, ewan ko ba.. eh yung dalawang customer ko nga dito kanina nadismaya..”, nakasimangot na sagot nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Blue Eyes (Gellie's Book 1)
FantastikImagine a fantasy story inside a teenfic story? Yes. Ang 'Blue Eyes' ay isa sa tatlong kwentong sinulat ni Gellie sa kwentong Coffee Jelly LUV. Ginawan ko ito ng sariling book na dapat kasama ito sa Coffee Jelly LUV, ngayon ay nakahiwalay na siya. B...