Chapter 4

39 4 0
                                    

Chapter 4

Sa isip ko, sigurado nandito sya para magpasalamat. Pero ayaw ko muna tumanggap ng anumang pasasalamat ngayon matapos ng tangka kong pagpapakamatay.

Iniisip ko nung nasaksak ako, wala pa ring sasakit duon sa mga taon na napagdaanan ko sa kamay ng papa ko. Gayunpaman, mabuti ligtas itong babaeng ito at walang nangyari masama sa kanya.

Pumikit ako. Ayaw ko muna makipag-usap.

Dahil mahina pa ang katawan ko, madali ako nakatulog. Pagkagising ko, namulat na naman yung mata ko. Nabigla ako nang nandito pa rin yung babae nakaupo dito sa silya sa tabi ng hinihigaan ko.

“Nandito ka pa?, hindi ka ba hinahanap sa inyo?”

Umiling sya. Hindi ba sya marunong magsalita eh nung gabing nakita ko sya ang lakas ng boses nya.

Tinitigan ko sya dahil sa hinihintay ko yung isasagot nya kaso ngumiti lang sya at binigay yung isang ponkan.

“Ano yan?”

“Para sa iyo, para lumakas ka..”, maganda ang boses nya pero nakakaloko din yung panay ngiti nya sa akin. “Ayy nakalimutan ko, ako na magbubukas.”

Magbubukas? Pilit nya hinahati yung ponkan na para syang tagagubat.

“Ako na..” nilalapit ko lang yung kamay ko para kunin yung ponkan.

“Hindi.. kaya ko ito..”, pinipilit pa rin nya hatiin yung ponkan, porke kasi hindi ako makalapit sa kanya

“Ako na sabi..”

“Ako na ang gagawa..”, ang kulit nya.

“Huwag ka ngang..”, awww.. ang sakit. Nabuksan nya yung ponkan at tumama yung katas sa mata ko. “Aiisshhhh..”

“Ok ka lang..?”

“Mukha bang okay matalsikan ng katas nyan.. masakit kaya sa mata..”

“Patingin..”, nilalapit nya yung mukha nya, eh mas lalo ako nainis kaya sinabihan ko na sya.

“Lumayo ka muna.. pwede ba..”

“Ok..”

Kinusot ko lang ng saglit, kahit paano nakakakita na ako. Napadilat yung kaliwa kong mata at nakita ko sya. Napasimangot sya. Kulit nya kasi eh kaya ko siya pinapalayo muna.

Hindi nagtagal, may napansin ako habang hawak ko itong mata ko. Hindi ko suot yung salamin ko. Sandali lang..

“Nasaan yung salamin ko?”

“Salamin? Ito ba yung sinusuot sa mata?”, aiishh ilan taon na ba sya at hindi nya alam yung tinutukoy ko.

“Oo yung sinusuot, hindi yung..”, teka.. nagtaka ako. Bakit nakikita ko nang malinaw yung buong kwarto. Inikot ko yung tingin ko, lahat malinaw, ang ilaw, ang pintuan, ang kurtina. Dito sa kanan ko, nakita ko itong maliit na lamesa. Nakapatong dito yung salamin ko. Kinuha ko agad yun, at tiningnan nang mabuti.

“Ahh sabi na nga ba yan yun eh..”

“Paanong biglang luminaw ang mga mata ko”, bulong ko at punong puno nang pagtataka.

“Ang alam ko sinusuot yan ng mga taong malalabo ang mga mata, malabo ba ang mga mata mo?”

Umiling ako. Hindi naman ganun kalabo ang mata ko. Nearsighted ako, malabo sa paningin ko yung mga bagay na malayo sa akin.

Ngumiti ako nang maliit at sinubukan kong isuot yung salamin. Baligtad na yung nangyari, mas lumabo yung nakikita ko.

Hindi ko na nga tinuloy yung pagsuot ko ng salamin at ngumiti ako. Masaya ako kahit paano. Hindi ko na kailangang magsuot pa ng salamin. Luminaw na yung paningin ko.

Blue Eyes (Gellie's Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon