Chapter 9

25 2 0
                                    

Chapter 9

Nang marating na namin yung bahay, naunang pumasok si Kristine na pangiti pang nagpaalam kay Joey.

Balak ko na din sana pumasok agad pero tinawag ako ni Joey.

“Hindi ko ito gustong sabihin para mag-alala ka.. pero dapat mong malaman yung nangyari kanina..”

“Ano yun?”, pagtataka ko.

“Nawalan na naman ng malay si Kristine kanina..”

“Kailan?”

“Nung oras na nahulog ka.. lumapit agad ako at nakita ko nakabagsak ka na sa may kotse. Pupuntahan na sana kita nang makita ko si Kristine, nakabagsak na sa sahig.”

“Yun na nga ba sinasabi ko eh.. hindi dapat sya lumalabas at nakikisali sa mga ganung gulo.”

“Tama ka dyan Kyle.. alamin mo din kung may sakit sya, para maiwasan na lagi syang nahihimatay..”

“Sige Joey.. salamat sa lahat huh.”

“No problem, kaibigan kita eh.”

Hindi ko alam pero napangiti ako duon sa huling sinabi sa akin ni Joey sa akin. Parang napakasincere ng sinabi nya sa ‘kin. Inaamin kong mahirap pa sa akin ang magtiwala sa ibang tao kaya kahit nilalapitan ako ay ako itong lumalayo. Iba si Joey, parang nakikita ko sa kanya yung pumanaw kong kapatid at kaibigan na si Vince.

Sandali akong pumunta ng computer shop para magresearch sa internet. Inalam ko kung anong lunas ang pwede kong gawin para maiwasan ang pagkakawalan ng malay ng isang tao.

“Okay ayos ito..”, sabi ko sa sarili ko.

.

.

.

“Ohh anong meron?”

“Good morning tita..”, bati ko sa kanya na kung saan sa likod nya ay si Kristine.

“Nagluluto ka?”, tanong ni Kristine. Nagluluto nga ako ng masuntasyang almusal para sa kanila, lalo na kay Kristine. Kailangan nya kumain nito para mas lalong lumakas yung resistensya nya at hindi na sya mawalan ng malay. Matapos ng pagluluto ko ay hinain ko na yung pagkain sa kanila.

“Oh heto kumain ka ng marami.”, sabi ko kay Kristine saka abot ng isang tinidor na may nakatusok na piraso ng niluto ko. Isang scrambled eggs na may isda, patatas at keso ang niluto ko.

“Hmm masarap..”, sabi nya pagkasubo nya. Kumain na rin sina tito at tita.

“Sabihin nyo tita.. ano mas masarap, yung luto ko o yung luto ni Kristine?”

“Hmmmm.. sige hindi na ako magsisinungaling.. mas masarap na yung sa iyo..”, sagot ni tita sa akin.

“Oh narinig mo yun Kristine huh?”

“Grabe naman.. pinagluto mo ako tapos lalaitin mo din pala yung luto ko.”

Natawa naman ako. “At sinong nagsasabing nilalait ko luto mo, sabi ko lang naman na mas masarap yun akin..”

“Ganun na rin yun..”

“Haha! Oh sige.. kumain ka lang nang kumain huh..”

.

.

.

Nagpaalam na ako kina tita pero sa puntong lalabas na ako ng pinto, nakasunod na naman itong si Kristine sa akin.

“Hindi ka na talaga pwede lumabas ng bahay..”

“Ehhh paano kung maulit na naman yung nangyari sa iyo..”, hindi ko na tinapos yung sasabihin nya sa paraang tinakpan ko ng kamay ko yung bibig nya.

Blue Eyes (Gellie's Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon