Chapter 6

28 4 0
                                    

Chapter 6

Ano itong nararamdaman ko ngayon. Grabe, hindi ko mapaliwanag. Ang lapit namin sa isa’t isa. Basta ang alam ko lang ay malakas yung tibok ng puso ko. Hala! Hindi ito pwede.. itinulak ko sya agad nang mahina palayo sa akin.

Wala pa munang nakapagsalita sa aming dalawa. Nagkaka-ilangan pa yung mga mata namin nang magsalita ako. Eksakto nagsalita din sya.

“Ikaw..”

“Ikaw...”

“Anong ako!?”, sabay na naman kami.

“Ok na..”, sabi ko.

“Anong ok na..?”

“Sabi ko okay nang ikaw na yung matulog dito sa kama ko..”

“At ikaw?”

“Duon sa may sofa..”

“Matutulog ka sa sofa para sa akin?”

“Ano pa nga ba.. alangan naman ikaw ang matulog sa sofa, ikaw yung babae..”

“Hmm.. hindi ako papayag..”

“At bakit naman..?”

“may daga dito sa kwarto mo eh..”

“Aba.. aba.. ang arte mo huh..”

“Oo! Kaya duon na lang ako sa baba matutulog..”

“Bahala ka!”, dumiretso na nga ako sa kama ko at hindi ko na sya pinansin. Wala na akong pakialam kung saan sya matutulog.

Ngayon, may umuuga ng hinihigaan ko. Antok na antok pa ako.

“Gising na Kyle..”, nakakarinig na naman ako ng boses ng isang makulit na babae.

“Nandito ka na naman?”

“Pinapagising ka sa akin nila tito eh, kailangan mo na daw mag-ayos sa pagpasok mo.”, sabi sa akin ni Krisine. Oo nga pala, kailangan ko pa palang pumasok. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili ko.

Dumiretso na ako sa pinapasukan kong university. Sa tapat ng gate, nag-dalawang isip pa ako kung tutuloy ako sa loob.

“Parang hindi ko pa rin kaya..”, bulong ko nang magulat ako. May humawak sa balikat ko.

“Ahhh!”

“Grabe magugulatin ka pala..”

“Ikaw?”, sya nga. “Anong ginagawa mo rito?”

“Nagpaalam ako kina tita eh wala rin naman kasi ako magawa kaya sinundan kita dito.”

“At bakit pa? Sa tingin mo makakapasok ka sa loob? Saka ano tingin mo sa sarili mo? Bodyguard ko..”

“Hmmm pwede..”, nakangiti nyang sagot na halos pati mga mata nya nakangiti.

Napangisi ako. “Yung sarili mo nga hindi mo kayang ipagtanggol.”, bulong ko.

“May sinasabi ka?”

“Wala..”

Sa pag-uusap namin ay may tumawag sa akin.

“Kyle!”, lumapit sya sa akin. “Sabi na nga ba ikaw yan eh.. tagal mong hindi pumasok huh.”

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko dito kay Nelson.

“Ano na? Ayaw mo pa rin magsalita? Isang linggo na huh..”

“Ahh ehh..”, hindi pa rin ako makasagot hanggang sa hinawakan nya ako sa balikat. “Oh basta mamaya huh, yung lunch ko.”

Blue Eyes (Gellie's Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon