Chapter 8
Nagising ako nang maramdaman ko na nagbukas ang ilaw. Gising na si tita at kakabukas lang nya ng ilaw dito sa sala.
“Ohh Kyle, mabuti gising ka na..
Nakita ko na tinutulungan ni Kristine si tita sa pagluluto.
“Mukhang maganda ang gising natin huh?’
“Syempre.. nakahiga ako sa kama eh, hindi na sa sofa.. sino nga pala nagbuhat sa akin duon?”
“Aba malay ko..”, sagot ko na halatang nagmamaang-maangan pa. Ngumiti na lang kami parehas.
“So ang babaeng hindi marunong kumain, ngayon marunong palang magluto?”
“Tinuturuan pa lang ako ni tita ngayon noh.. diba tita?”
“Ehh simple pa lang naman ito.. hayaan mo mamayang tanghali tuturuan naman kita magluto ng Apritada..”
“Apritada? Anong luto sya?”
“Manok na may tomato sauce, patatas, carrots at bell pepper.. hindi mo ba alam”
“Hehe.. basta tita mukhang masarap yan!”
Sa pag-uusap nila ay nakisama na rin ako.
“Oh sya, basta siguraduhin mo lang na aayusin mo huh, para naman sumarap..”
“Eh Kyle, wala ka naman dito mamayang tanghali..”
“Edi pagdadalhan ko sya sa school nya mamaya.. ayos ba yun?”
“Ano.. tumahimik ka nga Kristine.. huwag ka na ulit pupunta dun.. dito ka lang sa bahay..”
“Eehhh.. tita oh?”
“Hayaan mo na Kyle.. baka sa ganyang paraan eh maalala nya kung sino yung mga magulang nya at saan sya nakatira.. kailangan din nya lumabas..”
Wala na nga ako magagawa pa at magkakampi silang dalawa. Habang pinapanood ko si Kristine sa pagpiprito ng hotdog at itlog, naiisip ko, sino nga ba talaga sya? Sana talaga mahanap na sya ng pamilya nya o kaya naman malaman na rin namin kung saan sya nakatira. Nasasayang ang araw nya habang nandirito sya eh.
Natuwa ako nang bigyan ako nitong si Kristine ng baong pagkain. Sya yata ang unang taong nagbigay sa akin nito. Lunchbreak at naisipan kong dito na lang ako sa may garden ng school mananghalian. Hindi ko mapigilang mapangiti nang ilabas ko yung lunchbox na bigay sa akin ni Kristine.
Pagbukas ko, isang napakapresentableng ayos ng kanin na may omelet at green peas. Simpleng pagkain pero bakit ako napapangiti.
Lumipas ang mga araw, lagi ako pinagbabaon ni kristine. Mukhang masasanay na nga ako ng ganito pero hindi dapat dahil alam ko isang araw aalis din sya.
Sumapit ang ikalawang linggo ng Hulyo. Nang mag-uwian na kami, naglalakad lang ako papunta ng gate nang napansin ko si Nelson. Nasa isang sulok ng parking area nitong campus. May kausap sya na parang napakaseryoso nya. Yung mukha nya parang malungkot na hindi ko maitindihan.
Nagtaka ako, kakaiba yung itsura ng mukha nya habang may kausap sya.
Sa pakikinig ko duon sa usapan nila ng kausap nya sa cellphone nya ay napansin ko parang nakakahalata itong si Nelson. Kinabahan na ako.
Nagtago agad ako dito sa likuran ng puno kahit pa na hindi pa mismo sya lumilingon sa direksyon na kinatatayuan ko. Iniisip ko na sana hindi na siya lumapit pa at mas mabuti kung hindi talaga nya ako napansin na nakikinig sa kanya.
Sa pag-iisip ko may bigla na lamang humablot ng suot kong uniporme. Nakita na nya ako.
“Nakikinig ka?”
BINABASA MO ANG
Blue Eyes (Gellie's Book 1)
FantasyImagine a fantasy story inside a teenfic story? Yes. Ang 'Blue Eyes' ay isa sa tatlong kwentong sinulat ni Gellie sa kwentong Coffee Jelly LUV. Ginawan ko ito ng sariling book na dapat kasama ito sa Coffee Jelly LUV, ngayon ay nakahiwalay na siya. B...