Sorry po kung napakatagal ko mag-ud....
-Si Pamela Romualdez ang nasa photo...played by Momoko Tsugunaga...
...................................................................................................................
9:00 pm... Nang matapos na ang isang araw na pagtatrabaho ay nagmadali na agad akong umuwi dahil baka maabutan pa ako ni Papa... Bago ko mabuksan ang padlock ng pinto ay may tumaWag sa'kin...
"Mikaella....!"
Paglingon ko, si Kuya Jonathan pala yun... Si Kuya Jonathan ay anak ng may-ari nitong inuupahan naming kwarto sa second floor... Matanda siya sa'kin ng dalawang taon, pero 4th year parin katulad ko dahil parating bumabagsak...
"Oh Kuya Jonathan..."
"Pumunta si Pamela dito kanina, pinapasabi niyang may mga assignment daw kayo..."iniabot sa'kin ang mga bitbit niyang notebook.
"Salamat..."inilapag ko sa sahig ang mga notebook at ipinasok ang susi sa padlock.
"Bakit ba ayaw mong tulungan ka namin...?"
"Ayoko kasi kayong madamay sa problema ko..."
"May kaunti akong naipon... Ipandagdag mo sayo..."
"Kuya Jonathan..hindi na kailangan..."
"Ayoko lang kasing mahirapan ka...dahil~~ dahil bestfriend mo ako, kaklase at kapatid..."
"Alam ko yun Kuya pero diba sabay pa tayong magka-college sa next year??? Kaya kakailanganin m ang perang yan para pandagdag... Ok lang ako..." nakangiti kong sabi sa kanya..
"Pero basta kapag nangailangan ka ng tulong, huwag kang mahihiyang lumait sa'kin... Malakas ka yata sa'kin"
"Oo naman Kuya..*ngiti*"
Simula nung araw na makita ko ang gwapong lalaki sa gasoline station eh..hindi ko na siya nakita pa ulit... Nakakalungkot lang kasi hindi ko na siya nakakasabay sa jeep...
Samantala, kasabay ng pag-usad ng mga araw ay lalo namang lumalala ang sakit ni Papa... Hindi nagtagal ay naconfine na siya sa Hospital... Kahit papaano naman ay nakagraduate na ako pero si Nanay Berta ang Dumalo para sa'kin dahil hindi na makalabas sa Hospital si Papa...
1 month later... Namatay si Papa... Maraming tumulong na kapit-bahay sa'kin pero hindi parin sapat yun kaya nagastos ko ang inipon kong pera para sana sa 100,000,000 M kong utang... Nagapapasalamat ako at nandyan sina Nanay Berta, Kuya Jonathan at Pamela na tumutulong sa'kin... Sa umpisa naging matapang ako pero simula ng mailibing na si Papa ay parati na akong umiiyak...
Hanggang isang araw ay naisipan kong magpakamatay...
PAMELA'S P.O.V
Magugustuhan kaya ni Mikaella itong suman??? Syempre, yun pa walang pinipiling pagkain yun... Pero sana maging ok. na siya sa pagkawala ni Tito...
Kumatok ako sa gate ng bahay nila at si Nanay Berta ang nagbukas ...
"Oh...Pamela, ikaw pala yan"
"Hello po, Nanay Berta.."
"Tara pasok ka..."
Niluwagan ni Nanay Baerta ang pagkakabukas ng gate... Pumasok ako at sinundan siya sa loob ng bahay
"Nandyan po ba si Mika...?" Binilhan ko pa kasi siya ng suman..."
"Nasa taas yata siya... Akyatin mo nalang..."
"Sige po..."
Umakyat ako at pagpasok ko sa kwarto niya ay wala siya sa loob... Nagmadali akong bumaba...
"Nanay Berta, wala po si Mika sa kwarto niya..."
"Ano??? Saan naman pupunta ang batang yun..." nakikitang nag-aalala si Nanay Berta
Biglang lumabasa ng banyo si Kuya Jonathan...
"Anong nangyayari...??" tanong ni Kuya
"Nawawala si Mika... Ang ikinakatakot ko eh...baka kung anong gawin ng batang yun..."
"Hahanapin ko po siya..." representa ko..
"Teka, sasama ako.." sabi ni Kuya Jonathan
"Maghiwalay tayo para madali natin siyang makita..."
"Sige..."
Kung saan-saan ko siya hinanap... Mabuti nalang at naisipan kong pumunta sa tulay kaya nakita ko siya doon.. Nasa taas siya ng hawakan at anumang oras ay malalaglag na... Kapag nahulog siya ay dederetso siya sa malalim na ilog dahil high tide ng mga oras nayun...
"Mikaella..." sigaw ko sa kanya
Napalingon siya, lumapit ako ng bahagya...
"Huwag kang lalapit..."
Napatigil ako sa paglapit sa kanya... Umaga ng mga oras na yun kaya walang masyadong dumadaang tao...
"Huwag mong gawin yan, Mika" napa-iyak na rin ako
Ttatalon na sana siya ng biglang may mg kalapating nagsiliparan sa langit... Napaatras si Mika at napa-upo sa semento... Sinamantala ko yun para lumapit at yakapin siya... Patuloy parin siyang umiiyak..
"Ang ibig sabihin lang niyan, ayaw ng Papa mo na sumunod ka sa kanya..."
Nakita kong nakatanaw si Kuya Jonathan saming dalawa...
"Naalala mo ba ang madalas sabihin ni Tito sa'tin??? Ang kalapati ang sumasagisag ng pag-asa... Binibigyan ka niya ng pag-asa Mika *niyakap ko siya* Kaya wag mo ng uulitin yun ah..."
Bahagyang tumango si Mika kaya nakahinga na ako ng maluwag...
Naging maayos na rin si Mika sa paglipas ng mga araw... Masaya na ako at nagbalik na ang dating Mika na masayahin... Nakatira na siya ng libre sa inuupahan niyang kwarto, mabait naman kasi si Nanay Berta at ang anak nitong si Kuya Jonathan...
Pero paano na yan, isang linggo nalang ang taning para sa 100,000,000 M... Anong gagawin niya??
ABANGAN........
BINABASA MO ANG
Editing: Dont Read...
RomancePROPERTY OF:YAMADA_CHAN... Under construction.. BAWAL BASAHIN