Hello everyone....
Mathematics Time (10:00 am)
Section 4-20
'' Pera! Pera! Pera!'' nanaginip si Mikaella sa oras ng klase...
Habang naglalakad siya ay umuulan ng pera...
Nang mapansin ni Pamela na nagsasalita na naman ang kaibigan habang natutulog sa oras ng klase ay pinipilit niya itong gisingin...
'' Mika! Gising! Natutulog ka na naman...'' bulong ni Pamela sa kaibigan habang niyuygyog niya ito
'' Uhmmmm..*ungol* Pera! Pera!'' tanging nasasambit ni Mikaella
Mula sa kinauupuan ay nakita ni Mr. Profumo na natutulog na naman si Mikaella... Tumayo siya at papalapit sa desk ni Mikaella...
'' Lagot! *bulong sa sarili* Mika! Gumising ka na...'' yugyog kay Mikaella habang nakatingin sa papalapit na si Mr. Profumo
'' Ano ba... Pera! Pera!''
Hawak ni Mikaella ang notebook pero sa panaginip niya ay mga pera...
Mula sa malayo ay may naaaninag siyang demonyo na papalapit sa kanya... Unti-unting nawawala ang mga umuulan na pera sa bawat pagdaan ng demonyo... Pagkalapit ng demnyo sa kanya ay kinuha nito ang perang hawak niya...
'' Akin na yang pera ko!'' at bigla niyang sinuntok ang demonyo...
Bigla siyang natauhan at nagising kahit nakatayo...
'' Aray! Aray!'' napahawak siya sa kamao
'' Paanong hindi mananakit yang kamay mo eh...suntukin mo ba naman si Mr. Profumo...''
Napalingon si Mikaella sa naka-upong so Pamela, ngumuso naman si Pamela sa harap niya... Pagtingin niya sa harap niya eh...si Mr. Profumo na nakahandusay ang nakita niya na naginginig-nginig pa... Nagulat siya at agad lumapit sa nakabulagtang si Mr. Profumo...
'' Mr. Profumo??? Ok.lang po ba kayo???'' tanong ni Mikaella
'' Ano sa tingin mo???'' pero ang buong klase ang sumagot sa kanya
Naisugod sa Hospital si Mr. Profumo dahil hindi tumitigil ang pagdudugo ng ilong nito...
12:00 ng tanghali... Vacant din section 4-20... Dumating sa school guidance ang tatay ni Mikaella na si Mr. Roberto Peralta...
Maya-maya... Lumabas na ang mag-ama sa guidance... Tahimik ang mag-ama habang naglalakad sa corridor...
'' Sorry po, Pa '' basag ni Mikaella sa katahimikan
Napatigil si Mr. Peralta sa paglalakad sa tapat ng classroom ni Mikaella...
'' Masyado ka bang napupuyat sa pagsama sakin sa biyahe kaya ka nakakatulog sa klase...??'' seryosong tanong ni Mr. Peralta
Lumapit sa ama ..'' Hindi po sa ganun Pa, pero... Masyado lang po talagang nakakaantok ang mathematics *napakamot sa ulo* Anong quadratic equation nito??? Anong area niyan '' natatawang sabi ni Mikaella
'' Simula ngayon...'' panimula ni Mr.Peralta
'' Po...??'' tanong ni Mikaella
'' hindi ka na sasama sa biyahe tuwing gabi...'' sabi ni Mr. Peralta bago tuluyang umalis
'' Pero Pa...??'' tutol ni Mikaella
Pero hindi na siya pinansin ng ama... Tuloy-tuloy parin itong naglakad...
Ito ang ating bida... Si Mikaella Peralta, hindi kagandahan, at kung katalinuhan ang pag-uusapan ay siguradong wala siya niyan, hindi rin katangkaran pero ang positive side ay siguro matapang siya sa lahat ng problema ng dumating sa kanya... Pero paano kung 100,000,000 milyon ang problema niya??? Malalagpasan kaya niya ito???
BINABASA MO ANG
Editing: Dont Read...
RomancePROPERTY OF:YAMADA_CHAN... Under construction.. BAWAL BASAHIN