Chapter 19: WHY??

53 23 7
                                    

Umuwi kami ni Maxi at agad na dumiretso sa kwarto ko at hinalungkat lahat ng gamit ko. Kaya lang wala talaga eh, hindi namin makita at hindi ko rin alam kung saan ko siya naitabi.

“Yvo sigurado ka bang naitabi mo yun ng maayos?” tanong niya

“Hindi ako sigurado”

“San mo ba huling dinala yung kwintas. I mean dala- dala mo ba yun sa tuwing umaalis ka or iniiwan mo lang?” Maxi

“Sa pagkakaalam ko, huli ko siyang nahawakan nung nagpunta ako ng mini plaza. Ayun yung time na sinabi mo sakin yung tungkol sa nakaraan ko” paliwanag ko

“Teka lang….” pagkasabi ko nun eh napahinto si Maxi sa paghahanap

“Ano? Alam mo na ba kung saan mo naiwan or nailapag yung kwintas?” Maxi

“Nung nagtatago ako nun para makita si Muriel ay nadulas ako sa may ugat na siyang dahilan ng pagkakaupo ko” seryosong nakikinig si Maxi sa mga sinasabi ko

“Hindi kaya…… nalaglag sa bulsa ko yung kwintas ng hindi ko namamalayan? Tapos nakuha ni Ice” sabi ko pa

“Paano naman nasingit si Ice?” nakapamewang na tanong ni Maxi sa akin

“Bago ako pumunta dun sa may puno, nakita ko si Ice. At nung time na nadulas ako, nandun siya sa may likod ko” wala naman kaseng ibang tao ang pwedeng makakuha nun kundi siya lang. Medyo mataas na rin kase ang damo dun at padilim na rin

“Pwede ngang mangyari yan pero pwede ring hindi” nalito ako sa sinabi niya

“May kaparehas ba yung kwintas na yun? What I mean is, kung may nabibilhan pa bang ganung kwintas o pinasadya yun?” tanong ko sa kanya

“Naalala ko nung tinanong ko si Muriel noon tungkol dun sa kwintas ang sabi niya ay pinagawa niya daw yun sa lola niya. So it means iisa lang yun at walang kapareho” paliwanag ni Maxi kaya naman nabuhayan ako ng loob

“Hayaan mo, ako na lang ang kakausap dun sa Ice na yun about the necklace” dagdag niya pa

“Thanks Maxi” nakangiti kong sabi sa kanya. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng pinsan na kagaya niya

“Your welcome Yvong tiririt” ganti niya sa akin

Ayun na nga, hinayaan ko na lang si Maxi sa plano niya basta ang iisipin ko na lang muna kung paano ko sasabihin kay Muriel kung bakit ako nagkakaganito nung mga nakaraang araw.

 

 

***KINABUKASAN***

Dahil sa napag- isipan na namin ni Maxi yung mga gagawin namin, pumunta na lang ako sa may mini plaza. Gusto ko muna kasing makahinga ng maluwag matapos yung mga nangyari nitong mga nakaraang araw.

At habang naglalakad ako ay nakita ko na nagpipicnic sila Muriel at Ice, so I guess sila na talaga. Iiwas na sana ako kaya lang may sariling utak ata yung paa at ayaw niyang umalis. Hindi ko maiwasang hindi malungkot sa nakita ko. Aalis na ako nun dahil ayokong makita pa ni Muriel yung kalungkutan ko kaya lang huli na eh dahil nakita na niya. Pagkatapos nun ay nagmadali akong umalis.

“Chaise sandali lang” sigaw niya sa akin na dahilan ng paghinto. Hindi ko naman akalain na susundan niya ako

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon