Prologue:

259 49 11
                                    

Prologue:

"Life is a dream, realize it.

Life is a challenge, meet it.

Life is a duty, complete it.

Life is game, play it.

Life is a sorrow, overcome it.

Life is a tragedy, confront it.

And life is life, fight for it."

Ilan lamang yan sa mga sinabi ni Mother Theresa patungkol sa buhay natin.

Pero para sa akin...

LIFE IS LOVE, APPRECIATE IT. Dahil karugtong na ng buhay natin ang magmahal. Hindi tayo mabubuhay kung walang love. Bakit? Kasi sa bawat araw na pinapahalagahan natin ito ay sumisimbolo ng ating pagmamahal sa buhay. We simply appreciate what life is all about to us, we continue to live because of love. Pinagpapatuloy natin ang buhay dahil naniniwala tayo na may mga taong nandyan na nagmamahal pa satin.

At yung tinatawag ng karamihan na YOLO o ang "you only live once". Sabi nga nila life is too short kaya atin na itong lubusin. At dahil sa kasabihang ito, natuto tayong ienjoy ang buhay na mayroon tayo, live life to the fullest ika nga ng iba.

Minsan naman sa buhay natin hindi maiiwasan na magkaroon ng mga bago; bagong taong makikilala at pakikisamahan, mga magiging kaibigan at kaaway, bagong bagay na pwede mong makuha. Pero hindi lang ito ang maaaring mangyari, hindi lang puro bago, pwede ring may bumalik at muli kang guluhin, paiyakin at muling pasayahin.

Kaya sa bagong buhay na gustong makamit kailangan maging handa at matatag ka dahil may mga bagay na hindi maiiwasan na maranasan at malaman na ikagugulat ng lahat. May mga bagay na pwedeng maging malinaw dahil doon mo lang malalaman ang tunay na dahilan. At may mga tao na doon mo lang malalaman ang kanilang mga tunay na katauhan.

 
------------------------

"Chaise what are we going to do?" Palakad lakad na ako dito, nanginginig. Any minute pwede ng mawala ang buhay ko sa ginagawa namin ngayon.

"Sandali na lang. And pwede ba wag kang masyadong maingay baka may makarinig sa atin ngayon dito" bulong niya sa akin.

Pero swear kinakabahan na talaga ako. Bakit kasi kailangan pa akong sumama dito sa secret room ng lolo niya eh pwede namang siya na lang mag-isa. Pero okay na rin 'to, at least alam ko kung okay ba siya o hindi at ng hindi ako nag aalala sa kanya at palakad lakad sa bahay.

"Malapit na ba yan?" Tinabihan ko siya at tiningnan yung kanina niya pang kinakalikot na drawer.

"Sa wakas nabuksan rin kita!" sabay punas ng pawis niya sa noo

Ng makuha niya ang isang envelop ay agad niya itong binuksan. Tumambad sa amin ang mga diyaryo nung araw kung saan ang Lola niya ang headline. Mga pictures ng mga taong sugatan at kung anu ano pa. Natahimik ako sa mga nakita ko, hindi ko akalain na magagawa ng lolo niya yun.

Hinila ako ni Chaise patayo at dumire-diretso kami sa may bintana kung saan kami dumaan kanina.

"Muriel, mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo ang lahat ng nakita mo. Sa ngayon kailangan na muna nating makaalis dito bago pa dumating si Lolo" then tuluyan na kaming umalis sa lugar ng lolo niya

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon