Chapter 10: PARA-PARAAN SA BANAT IDADAAN!

107 33 7
                                    

CHAISE P.O.V

 

Kakatapos pa lang namin magtext sa isa’t isa heto na naman ako namimiss na siya agad. Hindi ko maiwasan eh.

 

Walang magandang nangyari nung mga nakaraang araw except dun sa nakakatext ko si Muriel.  And it’s been a month since nangyari yung gusto niyang maging kaibigan ko si Ice at ang masasabi ko lang wala pa ring nangyayari hanggang ngayon. Lumalapit siya oo, pero para itanong lang kung nasan si Muriel. Gaya ngayon....

 

“Chaise nakita mo ba si Muriel?”

“Ang alam ko nasa may department room niyo” walang gana kong sagot

“Salamat bro. By the way guys, may outing kami nila Muriel sama kayo ah” nakangiti niyang sabi

 

Hanggang ngayon iba yung nararamdaman ko sa kanya, parang may mali talaga.

 

At sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng insecurities, hindi kaya gusto ko na si Muriel o baka naman mahal ko na? Well there’s nothing wrong in falling in love with the amazing girl like her.

 

By the way guys, nandito kami ngayon ni Raven sa may hallway nag- uusap kasama ang SNMP. Naging barkada na namin sila, since blockmates kami ayun nagkakasundo sa mga lokohan at sa kulitan. Dun ko lang nalaman na pinsan ko pala tong si Louis. Yun na nga, nag- uusap kami nung dumating yung ice na yun and since tinanong niya si Muriel sakin magtatanong na din ako sa kanila.

 

“Bros paano ko ba mapapakita na gusto ko yung isang tao?” tanong ko sa kanila at boom kung makatingin wagas

“Simple lang, siyempre ligawan mo” sabi ni Matthew ng seryoso sabay alis, nakita kase si Nath eh at ayun sinundan

“Bigyan mo si Muriel ng bulaklak, chocolate at haranahin mo siya para mas sweet” nakatawang sabi naman ni Ivan

“T-teka lang hindi ko naman sinabing si Muriel yun ah” paliwanag ko, tumingin lang sila sakin then diretso ulit sa pagbibigay ng suggestions nila

“Yayain mong makipag date then sabihan mo ng mga makekeso or sweet words, gaya ng ginawa ko kay Maxi” Raven. Ayoko ngang gawin yun eh alam ni Muriel yung ginawa niya nung nag date sila at baka sabihin gaya- gaya pa ako

“Bro mas maganda kung ipaalam mo muna ung feelings mo for her” lokong Louis to, ayoko ngang mabigla si Muriel

“Pangit yun bro, baka mamaya magulat si Muriel tapos masampal pa ang ating lover boy” singit ni Ivan

“Eh anong maganda?” tanong ni louis

 

Bigla silang napatahimik, para bang dinaanan sila ng anghel. Walang umiimik ni isa sa kanila, lahat seryosong nag- iisip pati rin ako kaya ganun na lang yung pagkagulat namin nung magsalita bigla si Jude

 

“Alam ko na” with matching kisla- kislap pa ng mata

“Ano?” lahat kami naisigaw yun. Inaantay yung sasabihin niya at base sa mukha niya mukhang pinag- isipan niyang mabuti

“Guys puro walang kwenta naman yung mga sinasabi niyo eh. Dapat pareho silang matutuwa dun sa gagawin nila” Jude

“Daming satsat e, ano ba yun?” inip na sabi ni Louis

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon