Chapter 23: BELIEVE US!

39 22 0
                                    

CHAISE P.O.V


Ngayon na ang araw ng contest, buong barkada naghahanda pwera lang kay Muriel. Ewan ko ba kung bakit hindi siya sumali eh magaling naman siyang sumayaw. Mas gugustuhin na lang daw niyang maging audience para kahit papano may supporters daw kami, yan ang sabi sa amin ni Ice. Pero duda ako kung pwede ko rin ba siyang maging #1 supporter.


And kamusta ang barkada? Ayun okay na, mabuti nga at bumalik na sa katinuan si Raven kundi ipapakain ko na siya sa alaga naming tigre. Pero kahit na bumalik na siya sa dati, pilit pa rin siyang iniiwasan ni Maxi at ganun din si Muriel sa akin. Anyway, ang gagawin pala namin nila Raven, Louis, Ice, Jude and Ivan ay sing and dance, ganundin ang kay Maxi. Samantalang sina Matthew, Aimee and Nathalie ay pagkanta lamang. Within an hour ay mag- uumpisa na ang contest pero naisip ko munang kausapin si Muriel. Ang sabi sa akin ni Ice ay nandun daw siya sa may room nila.


Mabuti na lang pala at tinakbo ko yung room na sinasabi ni Ice dahil kung hindi baka nakaalis na siya, inaayos na kase niya yung gamit niya eh. Nilapitan ko siya pero gaya ng dati, iniiwasan niya ako pero hindi ko hinayaan na makaalis siya ng hindi man lang kami nag- uusap.


"Ano bang problema mo?" nagulat ako sa inakto niya, hindi ko akalain na sisigawan niya ako. Pero okay na rin yung ganito, na ilabas na niya lahat ng galit niya sa akin kesa naman kimkimin niya lamang ang mga iyon.

"Kung galit ka sige, sigawan mo ako, sampalin o suntukin. Lahat tatanggapin ko, kung yun lang din naman ang makakapag pagaan ng loob mo" as if on cue, naglabasan ang mga luha ni Muriel at pinagsasa sampala ako at tinulak- tulak. Gusto ko siyang yakapin pero mas hinayaan ko na lang na gawin niya muna kung ano man ang gusto niyang gawin sa akin

"Nakakainis ka!! Akala ko ba ako ang mahal mo? Bakit si Maxi pa, bakit kaibigan ko pa? Nagtiis ako, Chaise, kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan at nagtiis" she was saying those things in between her sobs

"At kung kailan naman handa na ako tapatan yang letseng pag- ibig mong yan, saka ko malalaman na mahal mo si Maxi" hindi ko na natiis kaya't niyakap ko na siya. Tinutulak niya ako palayo sa kanya pero mas hinigpitan ko pa yung yakap ko. Ayoko. Ayoko na nakikita siyang ganyan, na nasasaktan at umiiyak ng dahil sa akin

"Pinsan ko lang si Maxi. At ikaw talaga ang mahal ko Muriel" umiling- iling siya at patruloy pa rin sa pagsuntok ng dibdib ko, pero hindi na gaya kanina na malakas, medyo bumagal na ito at humina na rin

"Ikaw lang. At sa tingin mo ba kung siya ang mahal ko at hindi ikaw, pupuntahan pa ba kita ditto at aaksayahin ang oras ko na mag explain. Kahit paulit- ulit na ako dito na parang sirang plaka kakasabi sa inyo na magpinsan lang kami?" umiiyak na rin ako. Masakit makita na yung taong mahal mo ay nasasaktan dahil triple ang balik nito sayo.


Hindi na siya ulit nagsalita at ganundin ako. Nanatili kaming dalawa sa posisyon naming, yakap ko siya habang siya patuloy pa rin na umiiyak at sinusuntok- suntok ang dibdib ko. Medyo matagal din kaming inabot sa ganung sitwasyon hanggang sa humiwalay na siya sa akin. Pinunasan ang luha at tuluyan ng lumabas ng room nila. Susundan ko sana siya kaya lang baka gusto niya munang mapag- isa, ganun naman kadalasan ang mga babae diba?

Tatakbo palayo sa aming mga lalaki para makapag- isip.


Tiningnan ko yung orasan ko, malapit ng mag- umpisa ang contest pero nandito pa rin ako sa may Plaza V, nakaupo at nakatingin lang sa kawalan.

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon