Chapter 26: Damn that temptation!

23 20 2
                                    


MAXI P.O.V

My golly, ke aga-aga naiirita ako dito kay Aimee. Kung anu-anong sinasabi, daldal ng daldal, inaasar pa ako. Ang lakas makapanira ng araw eh. Pag ako nainis, sisigawan ko siya.

"Alam mo ba yung tungkol dun sa kanta ni Ed Sheeran na Thinking outloud? May kasabay daw siyang bata kumanta sa part ng 'Heart'" Hindi man halata, pero may pagka chismosa 'tong si Aimee

"Pakinggan mo dali, kikilabutan ka" isa na lang bibingo na talaga sa akin itong babaeng 'to

"Oh ito yung earphones" Tapos sinaksak na niya sa tenga ko, at dahil nga naiirita ako, tinanggal ko iyon at hinagis. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Sory bessy, wala lang talaga ako sa mood ngayon.

"I'm sorry Aimee, naiirita lang ako sa kadaldalan mo" tumingin naman siya sa akin at ngumiti habang pinupulot ang naihagis kong earphone kasama ang kanyang ipod.

"Teka, anong amoy yun? Bakit ang baho?" Swear masusuka na ako sa amoy na yun

"Niluluto ni Muriel para sa agahan natin" sabi niya bago isaksak sa tenga niya yung earsphones.

Almusal naming, ganun ang amoy? Maya- maya, tinawag na kami ni Muriel para kumain. Lumabas ako ng kwarto at tinitigan lang ang niluto niyang dinuguan. Dinuguan, para sa agahan? Is she out of her mind? I'd rather eat outside than here. Hindi ko kakayanin yung amoy ng dinuguan. Matawagan na nga lang si Raven para masamahan akong kumain sa labas.

MURIEL'S P.O.V

Anong problema ni Maxi at nilayasan kami ni Aimee. Hindi niya ba nagustuhan ang dinuguan or sadyang nakulitan lang siya kay Aimee sa kakasabi na may sumabay daw kay Ed Sheeran na bata sa kanta niyang thinking out loud. Kahit ako rin kasi nakukulitan na dito sa babaeng 'to eh. Bakit hindi na lang niya kulitin si Louis sa issueng yun at baka sakaling may umintindi pa sa mga sinasabi niya.

Teka anong petsa ba ngayon? Masyado ba akong naging busy para hindi malaman kung anong araw ngayon?

"Aimee" tawag ko sa babaeng kanina pa pindot ng pindot sa phone niya

"Pakikinggan mo na ba yung kanta?" Ano ba yan, hindi niya ba lulubayan yun? Actually pinakinggan ko na yun kanina eh pero parang echo lang naman niya yun.

"Sira, hindi naman kase totoo yan. Saka gusto ko lang naman malaman kung anong araw na ba ngayon." pagtatanong ko habang kumukuha ng kanin

"9. October 9 to be exact. Bakit?" Seriously? October 9 na? Kaya pala tinatanong ako ni Chaise kahapon kung anong balak ko sa birthday ko, kung gusto ko ba daw ng party pero sabi ko hindi na.

Pinipilit nga niya ako na magparty daw kasi once in a life time lang daw dadaan ang debut sa isang babae pero ayoko talaga. Hindi sa walla akong pera, kundi wala sila mama at daddy. Hindi sila makakauwi, hindi nila maiiwan yung trabaho nila abroad. Pero teka, bakit ako tinatanong ni Aimee ng bakit? She supposed to know that today is my best day. Pero hayaan na, ako nga nalimutan ko na ngayon pala yung birthday ko, sila pa kaya. And baka naman mamaya pa nila ako babatiin.

Dahil mamayang 1pm pa naman ang klase ko ay istambay muna ako dito sa unit namin. Wala akong kasama, si Maxi kanina pang umaga umalis, si Aimee naman may klase na kaya ako na lang mag-isa. Manonood na nga lang ako ng Lilo ang Stitch, pampawala ng stress and worries. Pero hindi ko rin naman na enjoy yung panonood ko dahil inaabangan ko yung text ni Chaise. Nagtataka ako kung bakit ba wala pa rin siyang reply, it'ds been an hour.

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon