Chapter 2: New friends?

175 48 15
                                    

Muriel's P.O.V

“Oo na pareho na kayong gwapo kaya wag ng magtalo”. Muriel

Hahaha Kitang- kita naman na nagulat silang pareho sa biglang pagsingit ko sa usapan nila. Napansin ko kase maingay sila eh tapos yun pa yung pinagtatalunan nila na kung sino daw mas gwapo, eh pareho lang naman na gwapo pero mas gwapo tong Ace ata name. Hahaha Kanina ko pa kase sya tinitingnan nakakaadik kasi yung mukha nya eh at kanina ko pa rin napapansin na naka tulala sya, it seems like he has a problem that he’s thinking and only his friend knows about that. Bakit ko alam? Simple lang, kasi bukod sa kanina ko pa sya tinititigan ay medyo naririnig ko rin yung pinag uusapan nila.

“Hoy Muriel anong ginagawa mo dyan? Nandun yung klase natin hindi dyan!” mga kaibigan kong hyper na sina Aimee at Maxi.

“Alam ko! Hindi ba pwedeng maghanap ng bagong kaibigan?” pagtataray ko, nakakatuwa kaseng asarin tong si Aimee, ang may beloved friend ko. Masyadong madrama yan eh.

“Hi miss beautiful! May I know your name?” kaibigan ng gwapong si Ace nga ba to? Na nakatingin kay Maxi.

“Ay oo nga pala, ano nga bang pangalan nyong dalawa?” sabat ko

“Ah… Hi my name is Chaise Daniel Yvo Ramos at sya naman ang kaibigan kong si Raven Torres”. Sagot ni mr gwapo este ni Chaise na akala ko ay Ace, medyo bingi na pala ako.

“Ahm… ako nga pala si Maxi Aaliyah Gutierrez, at ang aking mga besties na  sina Aimee Dianne Garcia, and my angel na si Elide Muriel Chua.” Hyper as ever na sagot nitong si Maxi

“Ah… nice to meet you Muriel”. Si Chaise na nakapang shake hands ang kamay sa harap ko.

Jakilig naman tong araw na to kasi kinamayan ako ng gwapong nilalang na ito.

“So Maxi pala ang name mo? Diba ang meaning ng Maxi Aaliyah ay shy? Bakit parang kabaligtaran yun sa ugali mo? Ang hyper mo eh pero nakakatuwa ka kase ang ganda mo.” sus! nambobolang sabi ni Raven

“Teka ano bang mga course nyo?” tanong ni Aimee

“Kami ay Architecture, diba mga Hotel and Restaurant Management students kayo?” Chaise

Bakit kaya nya alam? Siguro stalker ito.

“Hwag kayong mag alala hindi ako stalker. Sa gwapo kong to magiging stalker? Never, nagkataon lang kase na nakikita ko kayo sa building ng HRM dahil kay Nathalie Gomez, my ex.” Bigla biglang sabi nitong si Chaise.

So sad, may ex na pala siya at yung bisugong Nathalie pa na yun talaga ah. Teka bakit ang bitter ko ata? Hayaan ko na nga lang, crush ko pa lang naman sya eh. At sa pagkakaalam ko eh meron na akong iba kaya lang di ko sya kilala ng personal eh. The only thing I know in him is his nam… ICE…

 

***Flashback***

5 years old ako nun ng may makilala akong batang lalaki na nag ngangalang Ice. Ang cute nya sobra. Bagay na bagay nga sa kanya yung name nya kasi, Ice meaning matigas pero pag tumagal lumalambot o natutunaw. That’s the personality that I like to him. He was so strong that time kase pinagtatanggol nya ako lagi sa mga bullies but deep inside or when the time na you know him better than the first day you’ve met him, you will know that he is weak. He has a problem about his family, he likes to go out to see the real world, a world that there is no limitations and rules to follow. Awang- awa nga ako sa kanya nun pero wala akong magawa kase nga bata pa kami at ang masaklap pa dun hindi ko naman alam kung san sya talaga nakatira. Hindi ko na natanong sa kanya yung mga bagay bagay kase bigla na lang siyang nawala. Hindi ko na sya nakita pang muli sa mini garden sa plaza.

Lumipas ang 4 na taon ng may makita akong isang babaeng binubully ng mga lalaki, nakialam ako dahil ayaw ko talaga ng mga ganung eksena dahil naaalala ko lang sya. Kaya nagpaka hero ako kahit alam kong di ko sila kaya. Eh anong magagawa ko? I don’t want to see those scenes, after all I already experienced it and I know how it feels. Kaya lang nung pinigilan ko yung mga yun may nilabas silang kutsilyo mga gangsters pala buti na lang may dumating na lalaking nakamotor medyo familiar eh. So ayun na nga tinulungan nya akong iligtas yung bata I mean niligtas pala nya kaming dalawa nung bata. Ang galing-galing niya kaya natutuwa ako pero mas lalo akong natuwa nun nung nalaman kong Ice pala yung name niya. Kaya pala familiar, pero ang nakaka sad lang dun ay yung di nya ako nakilala or baka hindi naman siya yung Ice na kababata ko.

Talagang nadepress ako nung mga panahon na yun because it was October 9, my 9th birthday. Kaya di ko talaga makalimutan ang pangyayaring yun.

***End of flashback***

 

“Hoy girl bakit ka natulala dyan? Ano na naman bang iniisip mo ha?” Tanong nitong si Aimee

Namimiss ko kasi siya eh, malapit na kaya yung birthday niya. Ano ba yan mag- iisip na naman ako ng bagong regalo.

Right! Tama kayo sa narinig niyo tuwing birthday nya ay nagbabalot ako ng gifts na pwedeng magustuhan niya para kung sakali mang magkita ulit kami ay may maibibigay akong gifts sa kanya para masabi niya talagang di ko siya nakalimutan.

“Ah wala. Naalala ko lang yung quiz natin nung isang araw” nakita ko kasing nakatingin na si Chaise sakin at halata ng nagtataka siya sa itsura ko kaya ayun yung palusot ko para masabi lang na yun talaga yung dahilan ng pagiging malungkot ko, totoo naman kase na bumagsak ako sa quiz kaya hindi na nila inintindi yung pagiging sad ko.

“Speaking of quiz, naku malapit ng mag time kaya kung pwede lang una na tayo?” singit nitong si Aimee

“Tara na nga. Sige una na kami ah kita na lang ulit next time. Bye” hay mabuti na lang nagsalita na ang aming walking clock na si Aimee about sa time at least nakawala ako sa scene na yun. Grabe doble na pagka depress ko ah una ex nya yung Nathalie na yun bakit kase sa lahat pa ng babae na pwedeng maging girlfriend yun pang mukhang ewan na yun then yung about sa kababata kong si Ice. How I miss his smile and voice.

“Ah girls una na kayo ah, punta muna kong cr” paalam ni Aimee

“Sige, sunod ka na lang ah” sagot ko naman

So ayun nga matapos mag cr nitong si Aimee ay pumasok na siya ng nakabusangot sa room namin. Muntik pa ngang malate eh buti na lang medyo naunahan niyang pumasok yung prof namin. So yun na nga nagklase lang kami ng nagklase pero wala namang nangyaring maganda ngayong araw except dun sa nagkakilala na kami nila Chaise. So pauwi na ako at palabas na ng gate nang makita ko’t makasalubong yung bisugong Nathalie na yun kaya mas lalong nasira ang araw ko. Matapos ang bangayan naming dalawa eh agad na akong lumabas pero parang may mali, para kasing may sumusunod sakin eh tapos tumatawa pa kinikilabutan ako, malay mo rapist pala o di kaya naman ay adik, mahirap na kaya bago ako umuwi sa bahay ay lumiko ako ng lumiko hanggang sa maramdaman kong wala ng sumusunod sakin. Mukhang naligaw na ata. (Hahaha good job Muriel). At nang nasa bahay na ako ay wala akong magawa kaya nagbasa na lang ako ng mga kwento sa wattpad. Ito na kasi ang naging pampalipas oras ko simula ng nalaman ko to sa kaklase kong si Irah way back my high school days. Eh panong di ka maaaddict ikaw ba naman kwentuhan ng Diary Ng Panget at I'm Dating the Ice Princess habang naglalakad kayo pauwi tingnan lang natin kung di ka ma addict sa wattpad. So ayun na nga nagbabasa na ako ng biglang ito yung scene:

  

“Eh kase iniwan ako ng bestfriend ko ng hindi nagpapaalam tapos nung magkita kami parang wala lang nangyare? Parang di nya ako iniwan ah. Masakit eh oo nga’t naaalala nya ako pero ni isang hi at hello man lang sa akin noon ay wala eh, mas mabuti pang hindi nya ako nakilala kase atleast may dahilan akong hindi magalit sa kanya” umiiyak na sabe ni girl.

Ayoko na nga magbasa mas lalo ko lang siyang naaalala eh. Pero teka anong sinabi nya mas maganda bang hindi sya nakilala para may dahilan na hindi siya magalit? Eh pareho lang namang masakit yun ah; ang iwan ka ng walang paalam at ang hindi ka maalala. Hay makatulog na nga lang kaya lang may biglang kumatok sa unit namin eh. Sino kayang istorbo to?

“Sino yan?” sigaw ko pero wala pa ring sumasagot kaya binuksan ko. Actually nanlaki mata ko kase hindi ko alam na pupunta siya dito dahil hindi niya naman alam ang apartment na tinutuluyan namin eh.

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon