Chapter 1: Dream

210 50 14
                                    

CHAPTER 1:

Chaise P.O.V 

"Here we go, come with me

There's a world out there that we should see

Take my hand, close your eyes

With you right here, I'm a rocketeer

Let's fly (fly,fly,fly,fly)

Up, up here we go, go

Up, up here we go, go

Let's fly (fly,fly,fly,fly)

Up, up here we go, go

Where we stop nobody knows..."


"Ang galing mo talaga El..."


"KRIIING" 


Napabalikwas ako sa kama ko ng tumunog ang alarm clock ko.


"Argh! Paulit- ulit na lang yung panaginip kong yun. Bakit ba ganun? Ano bang ibig sabihin nun ha?" Hindi lang naman kase ito yung unang beses ko syang napanaginipan eh. It happen everynight, same scenes, same time and same girl with that beautiful voice.

"KAINIS!" pati ba naman sa panaginip ganun pa rin? Kanino kayang boses yung madalas kong marinig sa panaginip ko, sino ba yung 'EL' na yun? Kainis kasi, putol lagi kapag bandang dun na tapos paulit ulit pa. Makita ko kaya sya?

"Ano bang problema mo't ang aga-aga sumisigaw ka?" tanong sa akin ni Raven habang nakasandal sa may pintuan ng kwarto ko at nakahalukipkip pa.

"Same dream, same scene, same girl with that kind of voice." Then bigla na lang akong napahawak sa leeg ko, na parang may hinahanap ako.

"Ano ba yang kinakapa mo sa leeg mo? Libag? Joke lang, anyway, sino ba kasi yun? Is that a girl? A sexy one? Come on dude tell me." ayan na naman ang pagiging babaero nitong si Raven

"Actually bro, she's a girl. But the sad thing about it is I really don't know who she is. Everytime I will come near her, she always turns her back. At palagi ko ring naririnig yung pangalan na El." Parang babae na ako sa ginagawa kong 'to. Talking about my dream to other person is somewhat unusual to me. But what am I gonna do if that dream is bugging me every now and then?

"El lang yung naaalala mo dun sa pangalan nya?" natatawang tanong ni Raven at hindi ko na lang pinansin.

"Pero parang may karugtong yung El nya, para bang di lang El yung name nya, alam mo yun?" naintindihan kaya ni Raven ang ibig kong sabihin? Sana naman, may pagkasaltik kasi minsan 'to.

"Aba malay ko dyan ikaw ang nananaginip eh. Saka magbabanggit ka na nga lang ng babae kulang pa yung info mo sayang hahanapin at liligawan ko na sana eh." tumayo ako at binatukan 'tong si Raven.

"Alam mo 'wag mo ng idamay pati yung babae sa panaginip ko. Umiiral na naman pagka babaero mo eh." sabi ko sa kanya saka pumunta sa lababo.

"Oo na po young master." Then he kneeled down.

"Shut up will you. How many times do I have to tell that I don't want you to call me like that?" bulyaw ko dito. I hate it when he calls me young master!

"Oo na hindi na mauulit. Alam kong galit ka na kase nag eenglish ka na eh." nag peace sign pa ang loko.

"Gago. Mag- ayos na nga tayo at baka ma late talaga tayo." ayun pumasok na siya sa banyo samantalang ako nag-aayos ng gamit ko.


Nang matapos na akong mag-ayos ng gamit ko ay sakto namang lumabas si Raven sa banyo. Kumuha ako ng tuwalya at dumiretso na sa loob. Sa kalagitnaan ng pagligo ko ay bigla na namang nag pop-out sa utak ko ang boses niya. All I can hear is her voice that fills the whole bathroom. I can't even hear the sounds of dropping water.


"Here we go, come with me

there's a world out there that we should see

Take my hand, close your eyes

with you right here, I'm a rocketeer"


Sa sobrang sakit ng ulo ko at sa mga kung anu-anong pumapasok dito ay nagawa kong suntukin ang salamin sa harap ko. Narinig kong sumigaw si Raven galing sa labas ng banyo kaya pinatay ko ang shower. Umalis lang siya ng sabihin kong ayos lang ako, kahit na ang totoo ay sobrang nababagabag na ako ng panaginip ko.


Bago ako tuluyang lumabas ng banyo ay hinugasan ko yung kamay kong nababalot na ng dugo. Hindi iyon nakaligtas sa mga mata ng kaibigan ko. Pero gaya ng dati, hinyaan niya na lang ako.


Habang naglalakad kami papuntang University ay tahimik lang ako habang ang katabi ko daldal ng daldal. Minsan nga iniisip ko kung lalaki ba talaga 'to o bakla sa sobrang daldal niya.


"Okay na yun. Hindi naman kase siguro siya yung videoke para mag iba-iba yung kinakanta niya, diba?" sabi niya sa akin ng muli kong ikwento sa kanya kung ano yung nangyari sa akin kanina.

"Oo alam ko yun anong akala mo sakin bobo? Ang ibig kong sabihin, parang yung kanta niya may ibang meaning, parang may message dun sa bawat lines." Paliwanag ko kase parang tanga kausap tong si Raven.

"Pare wag mo nang intindihin ang panaginip. Maraming nagsasabi na ang panaginip daw ay kabaligtaran ng tunay na mangyayari satin... Pero yung totoo, iniisip mo pa rin ung lolo mo no? Raven

"Oo may iniisip ako, pero hindi nga si lolo yun kundi yung babae sa panaginip ko at pati si ate". Totoo naman eh iniisip ko yung babae sa panaginip kasi sobrang nagtataka na talaga ako kung bakit paulit-ulit na lang yung ganoong eksena sa panaginip ko. At siyempre ganun din kay ate, nag-aalala na kasi ako sa kanya pero hindi naman ako nakatulala, may iniisip lang talaga ako.


Pero pansin ko lang kanina pa sumusulyap samin yung babaeng malapit sa may puno ng manga. Kasi, kaninang pagpasok namin ng gate siya kaagad ang napansin ko dahil kakapasok pa lang namin ay nakatingin na siya.


"Weh di nga? Eh alam ko na yang itsurang yan eh, pag ganyan yan alam kong lolo mo yung iniisip mo noh. Kilalang-kilala na kita". Raven na hawak-hawak at iniikot pa ang mukha ko.

"Ganun mo na talaga ako kakilala noh? Siguro nagagwapuhan ka sakin kaya alam na alam mo ung mga kilos ko kase lagi mo kong tinititigan". Ako na natatawa tawa pa

"Gago ka pre, di hamak na mas gwapo ako sayo." Pagmamayabang ni Raven

"Sira sinabi ng ako eh" okay, here we go again, nagtatalo kung sino ang pinakagwapo.

"Ako nga sabe pare eh." Ayaw talagang patalo

"Oo na pareho na kayong gwapo kaya wag ng magtalo". What the? Nagulat ako kasi nasa harap ko na sya, samantalang kanina nakaupo pa siya sa may ilalim ng punong manga. Tapos ngayon nasa harap na namin. Sino bang hindi magugulat?

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon