Chapter 17: CONFRONTATION

103 32 2
                                    

MURIEL’S P.O.V

 

Lumabas kami ng Dada ko after ko siyang sagutin. At sa di kalayuan eh nakita naming si Chaise na nakatingin samin, nakita ko na naman ung malungkot at nangangambang mukha. Ewan ko ba talaga kung bakit ganoon yung kinikilos niya. Alam kong may problema siya kaya lang ayaw niyang sabihin sakin. Kaya nung magkaroon aako ng tyempo na makaalis kay Ice ay hinabol ko siya at kinausap.

“Chaise sandali lang” sigaw ko sa kanya kaya siguro kuminto rin siya.

“What?” iritado niyang tanong sakin

“Anong what ka diyan? Ako nga dapat nagtatanong sayo niyan eh. What the hell is your problem?” nakakapang init ng ulo tong laalaaking ‘to. Kung hindi ko lang siya ma.. este kaibigan eh hindi ako mag- aalala sa kanya ng ganito

“Do you really wanna know why I am acting like this?” habang sinasabi niya yan eh unti- unti siyang lumalapit sakin tapos yung boses niya parang nanghahamon

“Y-yes. I w-want to k-know” I said that while I’m stammering

“Then okay. I will tell you everything you want to knowbut not now. I will tell you when you get home” after that he walked away and I have no strenght to stop him

So that’s our conversation and swear, kating- kati na akong umuwi pero syempre binalikan ko muna yung dada ko baka kase kung anong gawin nun eh. Pagdating ko naman dun sa pwesto naming eh nakita ko siya na parang may malalim na iniisip.

Tinanong ko siya kung ano yung iniisip niya kaya lang bigla ba naman akong niyakap kaya niyakap ko na rin pabalik. Pero kumawala rin ako sa yakap na yun kase may tinanong ako sa kanya at ang sagot niya ay:

 

“Wala. Na miss kita agad eh. I love you” Ice

“Hay nako naglalambing na naman ang dada ko. I love you too” nakita ko na nagulatsiya pero tumawa rin..

Pagkatapos naming mag picnic eh umuwi na rin ako, hinatid pa nga ako ni Ice eh. And now I know kung gaano siya ka sweet at caring. So yun na nga, pagkapasok ko sa apartmet eh nakita ko na agad si Aimee. Binate ko siya then pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis.

Pagkabihis ko eh nag- iisip ako kung ano yung mga possible na dahilan ni Chaise kung bakit niya ginagawa yun kaya I have no freaking idea. Mababaliw na ako kakaisip nun ng may kumatok sa kwarto ko at tawagin ako ni Aimee.

“Muriel labas ka muna diyan” edi lumabas nga ako

“Bakit?” tanong ko sa kanya kaya lang nagulat ako kase nung pagtingin ko sa mesa naming eh ang daming pagkain

“Samahan mo na muna kami kumain nitong si Louis, ang dami kaseng dinala eh samantalang sinabi ko na siopao lang at ice cream ang dalhin eh buong 7 eleven ata ang dinala eh”kahit kelan talaga tong si Louis oh. Magpinsan nga sila ni Chaise

“Ayaw ko kaseng nagugutom yung love ko” sabi ni Louis sabay kindat kay Aimee. Nagkakadevelopan na yang dalawang yan ayaw lang pahalata kunwari biruan lang

Yun na nga, habang nagkukulitan yung dalawa eh inumpisahan ko ng kumain. Ang sarap- sarap pa naman ng dinala ni Louis, yung iba dun eh paborito ko pa kaya kain kung kain ang ginawa ko. Kaya tinitigan na ako nung dalawa.

His Only Escape (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon