Chapter 5: Garden

246 7 4
                                    

Adrianna

Pagtapos kong malaman ang lahat ng tungkol kay lola at sa amin ni Zac ay dumeretso na ako sa aking silid upang magpahinga

Kahit nalaman ko yun hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung pano ang kilos na aking gagawin sa mundong to.

Una sa lahat napapalibutan ako ng mga bampira at iba pa na hindi ko naman kilala, at pangalawa ako ba ay isa sa kanila? o isa talaga akong tao?

"Hays grabe di ko ata kakayanin to ah, jusko po Lord help me!" malakas kong bigkas.

"Kaya mo yan Adrianna may pa Lord help me ka pa sus" biglang sagot sa akin ng boses na nakatago sa dilim.

Laking gulat ko ng unti unti kong naaninag ang gwapong pagmumukha ni Isaac. Si Isaac nagsalita ng ganon? bago yun ah

"Alam mo Adrianna ito ang tadhana mo, tadhana ninyo ni kuya at wala ng makakapigil doon, pinagtagpo kayo noon at ngayon kailangan nyong tapusin ang inyong sinimulan" Bigkas ni Isaac na ngayon ay nakatiklop ang mga braso akala mo naman boss sya dito.

"Adrianna di ko man mabasa sa ngayon ang laman ng isip mo pero alam kong naninibago ka, kaya utos samin ni kuya na wag masyadong maging seryoso sayo, and I can be bossy too so don't test me Adrianna Louisse" pagbabanta pa ni Isaac bago sya umalis at maglaho sa harapan ko.

Wow ha tong magkakapatid na to talaga di mo malaman kung tao ba talaga o bampira, pano sila nakakapagsalita na parang tumira na rin sa mundo ng mga tao?

"Hay nako Adrianna tigilan mo na ang pag iisip at oras na para magpahinga"sambit ko sa aking sarili at tuluyan ng pumikit.

Bago pa ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko na may nakatingin sa akin at naamoy ko kung sino sya iba talaga pakiramdam ko kapag malapit sa akin si Zac.

"Zac pano ko makakatulog kung nakatitig ka sakin" saad ko na hindi dinidilat ang aking mga mata.

"I'm just checking on you Adi" maikling sagot ni Zac at dahan dahan kong dinilat ang aking mga mata.

Ang gwapo naman netong bampira nato san nya nakuha yang ganyang pagmumukha nalampasan pa si Zac Efron sa kagwapuhan nya, yung hindi mo na lang talaga alam kung paano ieexplain yung kagwapuhan nya.

"Adi stop staring at me like that, hindi porket di ko nababasa ang isip mo eh pagnanasaan mo na ko" saad ni Zac na syang kinagulat ko.

Magkakapatid nga sila ang gagaling manggulat.

"Hahahaha ang kapal naman ho ng mukha nyo ano ho, jusko maaga akong tatanda sa inyong magkakapatid eh salamat kayo ang gagwapo nyo hmmppp" saad ko habang inaayos ang aking kumot.

"Tss admit it you are so stunned the first time you saw me" pang aasar pa ni Zac.

"Alam mo naman pala eh" mahinang bulong ko sa sarili ko.

"I knew it" saad ni Zac at bigla na lamang syang naglaho sa kanyang kinatatayuan.

Grabe di ba kayang maglakad ng matiwasay ng mga to, iba rin katamaran netong magkakapatid na to eh.

Hmmm why does it feel like I'm getting comfortable in this place already, it's weird.

***morning came****

"Aahhh ang init naman aga aga pa"

"Kase naman ate Adi anong oras na para kang nagpuyat ng buong magdamag jan ah" saad ng boses na kinaiinisan ko sa lahat.

"Dylan pwede ba, wag mo na kong gisingin hindi mo naman kailangan pumasok sa kwarto ko at buksan ang kurtina ng ganon ganon na lang" saad ko na nakapikit pa rin at yakap yakap ang malaking unan ko.

A Vampire's KissWhere stories live. Discover now