CHAPTER 5
T-TEKA a-anong ginagawa nya dito sa school ko?
At tsaka teka bat sya nakasuot ng uniform?
Nagtataka siguro kayo kung sinong 'SIYA' ang mini mean ko.
YUNG LALAKI SA NATIONAL BOOK STORE.
"S-Sino ka!?" nanlaki ang mata ni Ara at pilit binabawi ang kamay nyang hinahawakan ng lalaki
naghikab ang lalaki at ngumisi kay Ara
"ako? well I'm a transferee here, and diko alam na ganyan pala kayo magtrato ng estudyante dito."
nagulat ako sa sinabi nya
WAT DA! TRANSFEREE SYA DITO? AY NAKO! HINDI PWEDE! BAKA SINGILIN NYA AKO SA GINAWA KO HUHUBELLS.
"and if you're asking kung kilala ko sya? well magkakilala nga kami"
inakbayan nya ako at tinignan ko si Ara na nakanganga samin
Andami ng naki usyuso dito kaya hinila ko tong lalaki to patungo sa garden na nasa likod ng school.
Binitawan ko sya at umupo sa may bench na nandun at tiningala ko sya
"Hoy Salamat pala ha? hehe." naka peace sign kong sabi sa kanya
pinitik nya bigla ang noo ko
"Aray!"
"wag mokong ma hoy hoy jan, may pangalan ako."
hinimas ko ang noo ko, aray naman ha ansakit nun.
"tsaka teka nga magbihis ka nga ambaho mo" tinakpan nya ang ilong nya
tss ang arte naman nitong lalaking to!
tumayo ako at akmang sisipain ko sya sa binti pero nakalayo na sya sakin
"sisipain mo na naman ako babae ka! aba nakakailan kana ha!"
ngumuso lang ako at akmang maglalakad na sana ng tinawag nya ako
"Hoy miss!"
lumingon ako sa kanya.
"bakit?"
"I'm Genesis."
ngumiti ako sa kanya
"Sandra."
kumaway ako sa kanya at naglakad na patungong cr para magbihis.
......
PAGPASOK na pagpasok ko sa room naming bumungad na agad sakin sina Anne at Shantal na halatang nag-alala sakin
Paglapit na paglapit ko sa kanila bigla nila akong niyakap dalawa
"O-oy...t-teka..." lalayo na sana ako sa kanilang dalawa ng marinig kong suminghot si Anne na parang umiiyak.
"huhu sorry Sandyyy sana hinintay kana lang namin ni Shantal na dumating para walang umaway sayo." nakangusong sabi ni Anne habang sumisinghot
"Oo nga hays promise mamaya babantayan ka namin ni Anne at sasamahan para aawayin namin yung mga taong nangbubully sayo."
aww natouch naman ako sa mga sinasabi nila
I'm really glad I have friends like them, thankyou god!
"huhu okaaay naman ako eh kayo talaga pinapaiyak nyo ako, hali nga kayo dito." niyakap ko silang dalawa at nagtawanan kami, pero bigla kaming humiwalay ng maramdaman namin na may maraming nakatingin samin.
Tinignan ko ng may pagtataka ang mga classmates kong andito sa harap namin.
"KAMI DIN SANDRA! BABANTAYAN KA NAMIN!." sabay sabay na sabi nila
BINABASA MO ANG
My Love Aaron
Любовные романыSandra Ellena Austria fell in love with the popular boy in their school for more than four years. Ginagawa niya lahat para lang mapansin sya nito until one day she confess to him but she got rejected, knowing Sandra hindi sya mag gigive up agad kaya...