CHAPTER 10
ISANG linggo na akong nag stustudy at medyo na proproud na ako sa sarili ko kasi enjoy pal ana makinig sa teachers nyo, yung palaging kang nagbabasa, mahirap nung una kasi di ako sanay mag study eh pero nakakaya ko na ngayon, di nga makapaniwala sina mama na nagpapakahirap na ako mag aral, pati mga teachers ko at mga classmate ko din. Sinusuportahan naman ako nina Shantal sa ginagawa ko at nagstustudy group nadin kami kasali sina Vanessa.
Sunday pala ngayon pero andito ako sa kwarto ko nagbabasa at nag sosolve ng mga calculations sa Geometry.
"Sandra, anak." may kumakatok at si papa pala yun.
"Pasok po" naramdaman ko naman na bumukas ang pinto pero nagpatuloy parin ako sa pagsosolve ng math problems.
"Anak, tama na muna yan napaproud na kami ng mama mo kasi nag bago kana at nag aaral kana ng Mabuti pero wag mo namang pabayaan ang sarili mo, di kapa nag brebreakfast at tanghali na ngayon, mamaya mo na gabi yan gagawin kasi aalis tayo ngayon." mahabang sermon ni papa habang kinukuha sa kamay ko ang ballpen at sya na ang nag ayos ng study table ko.
Uminat ako at tumayo, hala ansakit ng likod ko huhu.
"Papaaaaa ansakit ng likod ko huhu."
"yan na kasi sabi ko sayo eh, magpahinga ka muna kakastudy mo at lumabas ka ng bahay, kahapon andito kalang sa kwarto mo eh."
"oo napoooo teka san ba tayo pupunta?"
"magbihis ka muna at bumaba." napanguso ako ng hindi sabihin ni papa kung san kami pupunta, lumabas sya ng kwarto ko at nag inat inat ako habang pumasok sa banyo ng kwarto ko at naligo muna. Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng above the knee na color yellow sundress ko at pinaresan ko na lang ng kulay beige sandals ko. Nag ayos muna ako at bumaba na ng bahay.
Nadatnan ko sila papa na bihis na bihis habang nanunuod ng tv.
"Wow ganda mo ngayon insan ah?" tumawa si kuya Vince habang kumakain ng chips
inirapan ko lang sya at tumabi ng upo sakanya at kumuha ng chips na kinakain nya.
"buti naman bumaba kana Sandra, mamamasyal muna tayo ngayon kasi tinatamad na ako dito sa bahay." sabi ni mama
"eh mama san ng aba tayo pupunta?"
"Oo nga tita." sabi naman ni kuya Vince
"Pupunta tayo sa rest house ng kumara ko, matagal na kaming hindi nagkita nun at birthday nya pala ngayon." nakangiting sabi ni mama at tumayo na sa pagkakaupo habang binitbit ang regalo nya ata sa kumara nya.
"Teka mama, asan naman yang rest house nayan?" tanong ko sa kanya
"ah basta wag kanang magtanong, hali na kayo kasi kanina payun tumatawag sakin."
lumabas na ng bahay si mama na parang excited na excited na makita ang kumara nya.
natawa naman si papa "hayaan mo na ang mama mo Sandra, excited lng yun makita ang Tita Janice mo." sabi ni papa at lumabas na ng bahay.
"tumayo ka na jan insan kasi ilolock kona ang pinto." sabi ni kuya
Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa backseat ng sasakyan namin.
------
AFTER 1 hour, narating na kami sa sinasabi ni mama na rest house ng kumare nya, bumaba na ako ng sasakyan at napamangha ng beach pala ito at ang ganda ng view.
Para akong bata na tumakbo papunta sa dagat at hinubad ko ang sandals ko at naglakad sa gilid ng buhangin, napangiti ako habang tinatanaw ang magandang view.

BINABASA MO ANG
My Love Aaron
RomanceSandra Ellena Austria fell in love with the popular boy in their school for more than four years. Ginagawa niya lahat para lang mapansin sya nito until one day she confess to him but she got rejected, knowing Sandra hindi sya mag gigive up agad kaya...