CHAPTER 11

13 2 0
                                    

CHAPTER 11

MAGKASABAY kami pumasok ni Kuya Vince ngayon at day off ngayon ni papa kaya hinatid nya kami dalawa, habang nasa sasakyan palang kami, nagbabasa ako ng libro sa Philosophy. Concentrate lang ako ng binabasa ko at hindi ko pinapansin ang mga sinasabi ni kuya.

"Hoy Insan, nako pwede bang magpahinga ka muna saglit jan? talaga namang tinotoo muna talaga yang pag aaral mo ha?" hindi nako nakatiis kaya hinarap ko si kuya at binatukan.

"Tumahimik ka muna kuya pwede? wala akong panahon na mag pahinga, busy ako heh!" akmang pipitikin nya sana ang noo ko ng biglang nagsalita si papa.

"Ay nako kayo talagang dalawa, tama nayan nandito na tayo sa skwelahan nyo, Sandra mag aral kang mabuti ha? at ikaw din Vince baka patayin ako ng mama mo pag bagsak ka." tumawa si kuya Vince.

"yes po tito hahaha."

"at Vince bantayan mo yang si Sandra baka may umaaligid na lalaki jan." I just roll my eyes on kuya Vince when he smirks at me.

"Pa aalis napo kami." hinalikan ko sa pisngi si papa at bumaba na kami ng sasakyan ni Kuya Vince. Napahiwalay agad sakin si kuya pagkapasok namin sa gate kasi andun pala mga barkada nya.

Nagkibit balikat nalang ako at nagbasa ulit habang naglalakad, nag fofocus na ako ng pagbabasa ko ng hindi ko namalayan na pader na pala ang makakasalubong ko. Napapikit ako at may palad na naglagay sa noo ko para hindi ako mabangga sa pader.

Nagmulat ako ng tingin at nakita ko si Genesis na nakangiti sakin.

"Masyadong concentrate ka dyan sa binabasa mo ah? Wattpad bayan?" inirapan ko lang sya at sinirado ang librong binabasa ko. Kinuha nya ito at tinignan

"Woah Philosophy? I didn't know you were into these books right now? the last time I check you hate academics book."

"alam mo ang chismoso mo Genesis, nagbabagong buhay na ako, gusto kong makapasok sa top 60." lumawak ang ngiti nya at tinignan ako na parang namangha sya.

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan sya.

"Oh bat ka nakatingin sa kin ng ganyan?" umiling lng sya at ngumiti ulit na nakikita na yung malalim nyang dimple.

"nah kaya pala ang busy mo these past weeks, parati kasi kita nakikita na nagbabasa ng libro habang naglalakad o kumakain sa canteen, kinawayan nga kita nung unang araw pero di mo ko napansin kasi nagbabasa ka ng libro, good for you Sandra." ginulo nya ang buhok ko at napapout ako kasi walangya tong lalaking to, kung di nangpipitik ng noo buhok ko naman ginugulo amp.

"Tch sorry kung dikita napansin, busy lang talaga ako sa pag aaral eh HAHAHA."

"well then goodluck Sandra." nag wink sya sakin at pumasok na sa room nila.

Umiling iling nalang ako nagpatuloy sa paglalakad ng biglang may humarang sakin, nabigla ako ng si Aaron pala yun.

Nakapamulsa sya at tinignan ako.

"So mustang pag aaral mo?" tinaasan nya ako ng kilay.

Ang taray ng lolo nyo! HAHAHAH

"ha? okay lang naman sa ngayon nga nagbabasa ako ng Philosophy." pinakita ko sa kanya ang libro at nag iwas lang sya ng tingin.

"Tsk nagbabasa? eh parang nakikipaglandian kalang kay Genesis eh."

"Hoy aba! di kaya kami naglalandian, baliw to."

ngumiti lng sya sakin at pumasok na sa room nila.

Nagtatakang lumakad ako papunta sa room namin, minsan talaga diko maintindihan si Aaron eh, ang bipolar ng utak nya minsan parang galit, minsan naman namumula, minsan din ngumingiti lng ng bigla. Hay nako! ang sakit mo sa batok my love.

My Love AaronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon