HINILA ko si Genesis para makadaan si Aaron
"Tsk" tinignan ulit ako ni Aaron bago sya lumampas samin
Shet grabe ang kaba ko dun ah
Napahawak ako sa dibdib ko at pilit pinapakalma ang puso ko, tinignan ko ang papalayong bulto ni Aaron
Hayyy Aaron, My Aaron kelan ka kaya maging akin?
"ang yabang talaga ng lalaking yun, ang laki laki naman ng daan ah" napabaling ang tingin ko kay Genesis na nakakunot ang noo at parang naiinis.
Tinignan ko naman ang paligid
hala oo naman ang laki ng daan, pero bat dito pa sya dumaan? nagkibit balikat nalang ako.
"Hoy Class A ka pala? char sanaol matalino." pagpupuri ko sa kanya.
"Eh ikaw ba? Class B?"
"Class F."
nagulat sya at tumingin sya sakin
"seryoso? parang hindi halata na class f ka HAHAHAHA"
tch. inirapan ko lang sya nagsimula ng maglakad palabas ng school
"oy teka hintayin mo ako!" tumakbo sya at sinabayan akong maglakad
nilingon ko sya ng may maalala ako
"hoy diba classmate kayo ni Aaron?"
"ah yung mayabang, Oo."
tinignan ko sya ng masama
"hindi kaya sya mayabang and besides hehehehehe love na love ko syaaaa" kinikilig na sambit ko habang nag didaydream
"sus mas gwapo pa ako dun." nawala ang ngiti ko at inirapan ko sya
"chikahan mo nga ako sa nangyari sa room nyo, kung palagi bang magkasama si Aaron at si Courtney."
"aish ang chismosa mo, dun ka nga aalis na ako"
sinundan ko lang sya ng tingin at wow sanaol may motor
ewan ko anong klase ng motor nya pero parang ang mahal tsaka infairness maganda ang motor nya.
nagsuot sya ng helmet at pinakaripas na ang takbo ng motor nya
napaubo naman ako kasi naman eh ambilis nya magpatakbo kaya ayun tuloy may mga usok.
Napailing iling nalang ako at naglakad na papuntang sakayan ng jeep, ansama naman nung Genesis na yun hindi man lang ako pinasakay tss.
Habang papauwi na ako, naalala ko na naman yung ginawa ni Aaron
Bakit kaya ganun yung reaction nya? hmm di kaya galit sya sakin kasi nag confess ako sa kanya? O dika nagseselos sya?
HAHAHHAHAHHAHA YUN MAGSESELOS SANDRA? EH NIREJECT KA NUN EH
napa iling iling nalang ako.
"nah, imposible."
......
NAKAHIGA ako ngayon dito sa kama ko at nag cecelpon, kakatapo ko lang kumain at nagchachat kami nina Anne sa group chat namin sa messenger.
Hay nako diko na magets mga topic nila kaya hindi na ako nangseen at nag scroll nalang sa newsfeed ng FB ko.
Makakahinga na ako ng maluwag ngayon dahil binalaan na pala ng guidance counselor ng school namin na ipapakick out ang sino mang magpopost ng video ko kaya tahimik na ang notif ko at wala ng nagchachat sakin ng masasama.
BINABASA MO ANG
My Love Aaron
Любовные романыSandra Ellena Austria fell in love with the popular boy in their school for more than four years. Ginagawa niya lahat para lang mapansin sya nito until one day she confess to him but she got rejected, knowing Sandra hindi sya mag gigive up agad kaya...