CHAPTER 8

13 2 1
                                    

'Ang nasa picture sa taas ay si Sandra hehe.'


CHAPTER 8

TAPOS na akong magbayad at aalis na sana ng hinila ni Genesis ang bag ko

"Ay ano ba!?"

"hintayin moa ko, ililibre kita ng----"

"Ayoko."

"Ice cream ayaw mo?"

ngumiti ako bigla at tumango ng limang bese

Waaa ice creaaam my peboritttt

Nakita kong napigilan si Genesis at tinitigan ako

"Hoy magbayad ka na dun"

dali dali syang umiwas ng tingin at nakita kong namumula ang tenga nya, nagkibit balikat nalang ako at naghintay nlang sa kanya.

Matapos ang limang minuto natapos na sya at binitbit nya ang pinamili nya, isa lang na eco bag ang binitbit nya. Habang ako dalawang eco bag at ang bibigat pa, hay si mama naman kasi andami daming pinapabili pero sabagay andito din naman si Kuya Vince.

"Akin na nga yan palit tayo, mukhang nahihirapan ka eh." kinuha nya ang bitbit ko at binigay nya naman sakin ang pinamili nya

Hindi na ako umangal at binitbit nalang ito.

"ay genesis"

"oh?"

"mama mo ba nagpapabili nito?"

tumago sya "yep masakit kasi ang likod ng driver naming at yung mga yaya naman madaming inaasikaso sa bahay kaya ako nalang ang bumili."

ay mabait naman pala itong kolokoy nato at wow sanaol may yaya at driver.

"woah sanaol mayaman" tumawa lang sya.

pumasok kami sa 'SOFTY'S ICE CREAM PARLOUR' at umupo ako sa isang table dun

"anong gusto mo?"

"Si Aaron hihihihi."

pipitikin na nya sana ang noo ko pero mabilis kong tinakpan ito gamit ang kamay ko

"Joke lng HAHAHAHAHA ano cookies and creaaam tapos gusto may madaming sprinkles ha?" tumango lang sya at nag order.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng ice cream parlour nato, ang cute cute ng mga designs kasi ang mga wallpaper may mga malilit na ice cream cone na ibat iba ang colors tas basta ang cute cute talaga tapos ang mga upuan nila dito ice cream na form at sobrang comfy pa.

"oh." inilapag n ani Genesis ang ice cream ko at napanganga ako eh kasi naman ang laki laki ng inorder nya, yung parang ang lalagyan eh yung sa halo halo ng mang inasal tsaka omeyghed andaming sprinkles.

Napalakpak ako.

"tsk isip bata" tinignan ko naman sa kanya at parehas kami ng lalagyan na malaki pero chocolate ice cream naman sa kanya na andaming marshmallows at sprinkles.

nilanatakan ko agad ang ice cream ko at nagkwekentuhan kaming dalawa.

"teka bat moba ako nilibrehan tsaka bat ang bait bait mo sakin?" tinignan ko sya at ilang minute muna bago sya sumagot.

"uhm ewan ko eh siguro magaan lang ang loob ko sayo?" napakamot sya sa batok nya

hehe ang kyut nya.

"asus HAHAHAAHHAHA pero teka bat ka nag transfer sa school?"

nagkibit balikat sya

"ewan ko gusto lang ni mama na dun ako mag school" tumango nalang ako

My Love AaronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon