CHAPTER 13

8 2 9
                                    

CHAPTER 13

"YOU can take your lunch break class, see you tomorrow."

Nag inat ako habang tumatayo sa pagkakaupo, tumatalon talon naman na pumunta sa harap ko si Marie.

"Sandyyyyyy kain na tayoooo." hinimas ko ang tiyan kong nagugutom na.

"Sge nagugutom nadin ako." lumapit naman sina Shantal, Anne at Vanessa samin "Tara kain na tayo."

Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad patungo sa Cafeteria ng biglang humarang sa dinaraanan namin si Courtney.

Ngumiti ito sakin na parang anghel "hi Sandra uhm can we talk? privately?" nakangiti parin sya sakin na parang dimaka basag pinggan.

Tinignan ko sila Shantal at pareparehas silang umirap at pekeng ngumiti kay Courtney.

"Sure and Sandra, just call me if may ginawang masama tong 'anghel' nato." at pinagdiinan pa ni Shantal ang salitang anghel bago tumalikod kay Courtney.

Hindi naman pinansin ni Courtney ang sinabi nya at tumingin lang ito sakin.

"So shall we?" naglakad na ito at sinundan ko lang sya.

Hanggang sa nakarating kami sa gitna ng soccer field, lumingon sya sakin at ang kaninang maamo at mala anghel na mukha nya ay napalitan ng tunay na anyo nya.

Isang babaeng mas bruhilda kina Shantal na ang sarap sampalin "Stay away from Aaron!" she glared at me.

Tinaasan ko lang sya ng kilay "at bakit naman? nanay ba kita para utusan mo ako?"

Naiinis na namaywang si Courtney sa harap ko

"you're really dumb right!? As if naman na bagay kayo ni Aaron, sakin lang si Aaron you heard me?"

ABA! YAWA KA TALAGA COURTNEY, HOOO MAGTIMPI KALANG SANDRA!

"Oo narinig ko nga at pano mo naman nasisiguro na mas bagay kayo? eh unang una tao kayo at pangalawa, ni minsan ba nag aya si Aaron sayo na magsama kayo? eh ikaw nga pumipilit sa kanya para lang magsama kayo eh." natahimik si Courtney kaya nginisihan ko sya.

"Kaya wag mokong mautos utosan Courtney, top 2 ka nga pero ambaho naman ng ugali mo! Isa ka lang plastic na bruhildang nangangarap na mapasakanya si Aaron, O ano ha? may sasabihin kapa ba? nagugutom na ako baka masapak kita jan eh."

Para lang syang estatawa dun na nakatayo at hindi makasagot sakin, haaaa! serves her right, may pa utos utos pa sya sakin tapos wala namang laban.

Aalis na sana ako ng may nakalimutan akong sabihin sa kanya.

"And oh one more thing, I may be dumb but don't mess up with me. You don't know what's the real me Courtney, patikim palang yan. Ciao!" iniwan ko sya dun na nakanganga.

At pumunta na ako sa Cafeteria na may tagumpay na ngiti.

WALANG MAKAKATALO SA ISANG SANDRA ELLENA AUSTRIA!

-------

KASALUKUYAN kaming nagkaklase ngayon sa History at lumilipad ang isip ko kakaisip sa bwesit na Courtney nayun!

Inggit lang sya sa ganda ko chos HAHAHAHAHAHA kahit naman masungit yun si Aaron tapos hindi palasalita, hindi naman sya sumasama sakin ng sapilitan no.

Nakatulala lang ako sa bintana na katabi ko at hindi ko namalayan na tapos na pala sa pagtuturo yung prof namin sa history, at vacant subject pala ang kasunod nito kaya pagkatapos ng vacant, dismissal na.

"SANDRAAAA! MAY NAGHAHANAP SAYO SA LABAS BUNTIS NA LALAKI!"

napatingin ako sa sumigaw kong classmate na si James habang nagpapalobo ng bubble gum nya.

Baliw talaga may lalaki bang mabubuntis? HAHAHAHAHA. Tumayo ako at lumabas ng classroom at nakita ko na si Genesis pala ito.

"Oy Genesis, anong kailangan mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri ko.

numiti sya sakin at nag wave "hiii Sandra, vacant nyo ba ngayon? kasi vacant din samin eh, would you mind if kunin mon a kita?" aww ang cute nya! lumabas ang dimple sa pisngi nyaaa hehehehehe.

"uhm sge hehehe."

Nagkwekwentuhan lang kaming dalawa habang papunta kami sa field.

"So Sandra, bakit nga pala kayo palaging magkasama ni Aaron?"

tumingin ako sa kanya at ngumiti ng bahagya, "Ah, tutor ko kasi si Aaron tsaka si mama ko at mama nya ang nagsabi na itutor nya ako."

Tumango lang sya at umupo sa bench dito sa field, habang ako nakatayo lang sa harap nya.

"Pwede naman ako magtutor sayo eh" tinignan ko sya sa mata at nakita kong desidido talaga sya.

"Nako pano ba yan si Aaron na nakauna eh tsaka itutor mo na lang kaya si Vanessa, for sure matutuwa yun HAHAHAAHAHA." natatawang alok ko sa kanya.

"baliw mas gusto kita."

nanlaki ang mata kong tinignan sya. "h-ha?"

parang narealize naman nya yung sinabi nya kaya napakamot sya sa batok nya at iniwas ang tingin sakin, "a-ah I mean ano uhm... m-mas gusto kitang turuan."

Napatango tango nalang ako at umupo sa tabi nya. Tahimik lang kaming nakatingin sa mga naglalaro ng soccer pero binasag kaagad ni Genesis ang katahimikan na bumabalot samin.

"Sandra? gusto mo ba si Aaron?"

Napasinghap akong napatingin sa kanya at tumango ng mahina, "Oo, sobrang gusto ko sya."

Tumahimik sya ng ilang minute bago nagtanong ulit.

"Bakit mo naman sya gusto?" Napangiti ako sa tanong nya at natulalang pinagmasdan ang field.

Shet mapapasabak ako neto sa pag eenglish oemgeeee!

Me is not good ay este I really don't know how to speak straight English pero pag nagseryoso ako, mastraight ko talaga.

"Bakit ko sya gusto? well, even though mostly of the girls here in school like him, I cannot change the fact that nagustuhan ko rin sya, He's handsome that can make me blush whenever I stare at him, he's so smart na talagang hinahangaan ko talaga sya sa angking talino nya." napangiti ako ng maisip ko na naman yung unang nakita ko sya.

Tinignan ko naman si Genesis na matiim lang nakatitig sakin at nakikinig, "Ginawa ko ang lahat nun para mapansin nya ako, binabangga ko sya nuon para mahulog ang mga libro ko at mapansin nya ako pero wa epek ni hindi nya man lang ako tinignan nun oh tinulungan, snob ang lolo nyo char HAHAHAHAHA."

tumawa ako at bahagyang natawa natawa naman si Genesis.

"araw-araw kong nilalagyan ng brownies na gawa ko ang locker nya nuon kasi kaming mga taga class F palagi kaming pinapalinis ng Maintenance office tapos may mga spare keys ng mga locker dun at kinuha ko yung isang spare key." I chuckled when I remember those days "pero palagi nya lang binibigay sa classmate nyang si Oliver ang brownies, kaya tumigil ako pero may isang araw na nalaman ko na mahilig pala sya sa mga cookies kaya nag bake ako nun at I'm thankful na kinakain nya yun, pero napatigil na ako sa kakabigay ng cookies nung Grade 9 na kami kasi naman binibigay nya ulit yun kay Oliver kaya ayun nanahimik nalang ako pero todo pansin parin ako sa kanya nuon HAHAHAHAHA basta madami pa akong ginawa na hindi nya alam o pinapansin."

matinding katahimikan ang bumalot samin ni Genesis at una nyang binasag ito

"well, ang swerte nya na may babaeng kagaya na parehas sayo." nakangiting sabi niya at ngumiti ako.

Akala ko mapapalaban ako sa English ngayon pero di pala charot lng pala yun HAHAHHAHHA

hayyyy, I remember those days na mga ginagawa kong pag papapansin sa kanya...



A/N: Sorry medyo lame, may namatay kasi dito samin and ansakit lang sa dibdib kasi close nadin yung family nya samin and wala ako sa tamang kilos ko ngayon so hays :<

My Love AaronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon