CHAPTER 14

9 2 0
                                    


CHAPTER 14

'FLASHBACK 4 YEARS AGO...'

HUMIHIKAB akong naglalakad patungo sa classroom namin. Puyat kasi ako kagabi kaka basa ko ng wattpad at buti nalang may vacant kaming dalawang subject ngayon kaya makakatulog ako mamaya.

Papasok na sana ako ng dali daling lumabas yung dalawa kong kaklase na sina Chuchay at Kikay.

"Oh? san ang ang punta nyo?" nagtataka kong tanong sa kanila, kasi naman may bitbit silang dalawang white at red cartolina tapos may color red pang pompoms.

Sabay silang dalawang tumili "Kyaaaa sama ka samin Sandra! susuportahan naming yung crush namin sa Class A!" nakangiting sabi sakin ni Kikay.

Hinahatak hatak naman ako ng mahina ni Chuchay sa kamay "Oo nga Sandra tsaka wala naman sina Shantal dyan, mukhang nanunuod din sila dun sa gym."

Eh? ano bang mayron ngayon at bakit ganito ang reaction at sinasabi ng dalawang to.

"A-Ah pero teka nga... Ano bang mayron sa gym ngayon?" humalukipkip ako at tinaasan silang dalawa ng kilay.

"Quiz bee ngayon at kasali si Aaron! halika naaaa!" papalag na sana ako ng hinila na nila ako papunta sa gym.

Pagdating naming sa gym, nagulat ako dahil andaming taong nanunuod sa quiz bee, at halos punong puno ang gym at buti nlang nakita namin sila Shantal na nakaupo sa pinakaunahan at may bakante pang tatlong upuan.

Pagkaupo na pagkaupo ko kinalabit ko kaagad si Shantal "Hoy bruha, bat di nyo na ako hinintay? at tsaka teka bat ba may hawak na mga banner ang mga babae ngayon eh quiz bee lang naman ito." sinenyasan ako ni Shantal na wag akong maingay

"Kasali kasi ngayon yung gwapong genius sa Class A at gusto ko lang makita kung mahusay ba talaga sya" sumingit naman bigla si Anne "at kaya madami ang may dalang banner Sandy, kasi andaming nahumaling sa kagwapohan ni Aaron." umirap nalang ako sa kanilang dalawa at tinuon ang pansin ko sa harap.

After ilang minutes, nagsimula na ang quiz bee. May isang lalaking lumabas na pandak at nakasuot ng nerdy glasses at kasunod nyang lumabas eh yung lalaking mala Adonis ang kagwapohan, parang nag slow motion lahat at diko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.

Pinakilala na silang dalawa at dun ko nalaman na yung gwapong lalaki pala ay si Aaron.

Akala ko simpleng paghanga lang ang naramdaman ko sa kanya nun, paghanga sa kanyang katalinuhan at kakisigan pero mali pala ako.

Mas lumalim pala ang pagtingin ko sa kanya.

After ng araw na yun, ang hirap nya ng makita. Eh kasi naman parang hindi talaga nagtatagpo ang landas naming dalawa eh pero may isang araw nun na naglilinis kami ng Maintenance Office at kinuha ko yung spare key na para sa mga locker at dun na ako nagsimulang maglagay ng mga letters na para kay Aaron.

I thought na hindi ko na uli sya makikita sa laki ng campus pero di pala, after next week nun palagi ko na ulit syang nakikita. Todo papansin ang ginagawa ko para mapansin nya ako pero hindi pala.

"Sandra! nako kebata bata mo pa kumekerengkeng kana, akala mo naman papansinin kana ni Aaron." umagang umaga palang pero bumalabog na ang matinis na boses ni Shantal dito sa classroom at pinagsasalitaan na ako.

Pinahinahon naman sya ni Anne, Marie at Vanessa

Bumuntong hininga ako at tumitig sa labas ng bintana "eh kasi naman akala ko simpleng paghanga lang yun pero lumalim na pala at ginagawa ko na ang lahat para mapansin nya ako no, tsaka teka bat ka ba nagagalit Shantal? imbes na suportahan moa ko eh pinapagalitan mo ako eh, may gusto kaba kay Aaron?" tinignan ko sya at tinaasan ng kilay

Hinampas nya ako sa braso "Baliw! hindi no tsaka concern lang naman ako sa iyo kasi naman kebabae mong tao ikaw pa ang gumagawa ng mga moves jan para mapansin ka ni Aaron."

"And Sandy, ang hirap naman kasing anohin yang si Aaron eh." sabi ni Anne at hinawakan ang kamay ko.

Lumapit naman sina Marie at Vanessa sakin at nakipag sang ayon kay Anne.

"Hmm what if gumawa ka na lang ng brownies? diba marunong ka naman nun?" pagsusugest ni Vanessa

Pumalakpak naman si Marie "Tama! may spare key ka naman bruha eh." tumango tango naman sina Shantal at Anne.

So ayun nga next morning nun, maaga talaga akong pumasok para walang makakita sakin na maglagay ng brownies sa locker ni Aaron.

After nun, inabangan ko talaga si Aaron at nakita ko syang binubuksan na ang locker nya. Napahigikhik ako ng mahina ng makitang nagulat sya at kumunot ang noo nya. Binuksan nya ang yung plastic Tupperware at nagulat ako ng binigay nya ito dun sa kaklase nyang si Oliver at umalis sya agad. Nilapitan ko naman si Oliver na parang asong ulol na ngumingiti habang nilalantakan ang ginawa kong brownies.

"Hoy teka! wag mo ngang kainin yan!" aagawin ko na sana yung Tupperware ng nilayo nya ito agad.

"Hep hep, teka nga si Aaron nagbigay sakin nito no tsaka sino ka ba? inggit kaba kasi di ikaw ang binigyan nya ng ganito? ulol" naiinis na tanong nya sakin.

Umirap nalang ako sa kanya umalis na.

'baka nagpapakipot lang si Aaron ngayon mwehehehe.'

tama tama baka nga. So 2 weeks akong naglalagay ng brownies sa locker nya at naiinis ako kasi palaging kay Oliver nya ito binibigay.

Hanggang sa isang araw nabuhayan ako ulit.

Nakabusangot ako habang tumitingin sa bintana habang nag iisip kong ano pang mga gagawin ko para kay Aaron.

Lumingon ako ng may nadinig akong dalawang babaeng malakas ang boses na papasok sa classroom, si Chuchay at Kikay pala.

Susubsub na sana ako sa arm chair ko ng madinig ko ang pinaguusapan nilang dalawa.

"Hoy ghurl, cookies pala ang favorite ni Aaron." nakangusong sabi ni Kikay na akala mo kinaganda nya ay char HAHAHAAHA makichismis ka muna Sandra!

"Oo nga eh hays di naman ako marunong mag bake."sabi ni Chuchay habang naglalagay ng color peach liptint na akala mo bagay sa kanya.

Biglang nabuhayan ang dugo ko ng makarinig ako na favorite pala ni Aaron ang cookies at marunong pa naman ako magbake nun.

I must say na successful ang paglalagay ko ng cookies sa locker ni Aaron kasi ngumingiti sya habang kinakain ang cookies na dala ko habang binabasa ang mga sticky notes na dinidikit ko dun sa lagayan ng cookies.

It went well naman hanggang sa mag Grade 9 na nga kami, hindi na nya kinakain at binibigay nya na lang ulit kay Oliver kaya ayun. Tumigil nadin ako, almost one year ako naging tahimik nun pero tahimik lang din akong nagmamasid at nagkakagusto sa kanya.

Pero nag confess na ako sa kanya ng mag Grade 10 na kami.

Ewan ko ba diko talaga alam kung hanggang san tong paguusap naming ngayon, I wish that it will last forever.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love AaronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon