CHAPTER 9

10 2 14
                                    

CHAPTER 9

KUMAKANTA ako habang naliligo, umaga na naman kasi at Friday na ngayon mwehehehehe.

"I swear to my life that I've been a good giiirllllll~"

"tonight I don't wannaaa be heeeeerrrr~"

aroy napaubo takte maganda naman ang boses ko pero nahihiya akong kumanta sa maraming tao o sa harap ng mga kaibigan ko. Kaya sa banyo na lang ako nag coconcert.

Habang nagshashampoo ako, napatigil ako bigla ng maalala ko na naman ang mukha ni Aaron kahapon.

"Bat kaya namumula ang tenga at mukha nya? hmm baka galit lng sakin yun kasi di ko sya agad napansin kahapon nung ipapasa nya yung mga papel." napatango tango nalang ako at binilisan ang pagliligo ko baka malate ako sa klase.

Pagkatapos kong maligo, dali dali akong nagbihis ng uniform, hay ang init init ng pilipinas pero ganito ang uniform namin, yung sa mga korean. Ang ikli nga ng palda ko eh pero maputi naman ang legs ko nyihihihi.

Tumingin ako sa salamin at nagsuklay ng basa kong buhok at nagpulbo lang at liptint. Oy bili kayo ng sugar dolls 59 pesos lng HAHAHAHA atay nag endorsement pa ako.

Di kasi ako kagaya nila Ara na mag memake upng makapal na para ng mga clown, simple lang naman ako mag ayos and maganda naman ako kahit walang make up eh chosss.

Dali dali akong nag sapatos at kinuha ang bag ko sa study table ko at dali daling bumaba sa hagdan.

"SANDRAAAA! AALIS KA NA NAMAN NG HINDI KAKAIN!?" bulyaw ni mama sakin habang tinitignan ako na inilalagay ang dalawang Tupperware sa bag ko.

ngumisi lang ako "Diet po ako mama HAHAHA" aalis na sana ako ng may biglang humila sa bag ko.

"sabay na tayo insan" nakangusong sabi ni kuya na kabababa lng ng hagdan.

Kumawala ako sa hawak nya at napameywang.

"A YO KO! PANGET MO KUYA! BLE HAHAHAHAHAHAHA" tumakbo na ako habang natatawa

"A-ABA! HOY MAS PANGET KA!" sigaw ni kuya na halatang naiinis

"SANDRA! KUMAIN KA NG MARAMI HA!? BUTI NALANG DINAMI KO YANG BAON MO!" pahabol na sigaw ni mama

"OPOOOOO AALIS NA AKOOOOO!" tumakbo ako at huminto lng ako nung kinakapos na ako ng hininga kakatakbo.

Hayyyy nakakapagod, lumakad ako ng mabagal at umupo sa may waiting shed.

Magbubus nalang ako HAHAHA tinatamad na ako maglakad eh tsaka medyo malapitlapit lang naman ang school samin.

Nung may bus na na dumating, sumakay ako agad at umupo sa may dalawang upuan katabi ng bintana. Nag ccp lang ako at hinintay ang bus na umandar, madami kasing sumasakay eh. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero diko tinignan kung sino.

Umandar na ang bus at iniligay ko ang cp ko sa bulsa ng palda ko at sumandal sa bintana at nag titingin sa labas ng bintana.

Tumikhim ang katabi ko at laking gulat ko na si Aaron pala!

O-OMGGGG!!! PANAGINIP BATOOO!!!??? KATABI KO ANG LOVE OF MY LIFE KO DITO SA BUS!!!???

kinurot ko ang sarili ko at napa 'aray' ng mahina, so di talaga to panaginip? oemgeeee!!!

"A-Aaron?"

tumingin sya sakin at bumalik ulit sa pagtingin sa cellphone nya.

kakausapin ko ba sya? sasapakin? sasampalin? kukurutin? aw charot lng HAHAHAHAHAHAHA

"u-uhmm... h-hiii?" nagstastamer na sabi ko habang nakatingin sa kanya

tumingin sya sakin ng ilang Segundo bago sumagot "hello." and then binigyan nya ako ng bored look.

Pero kahit ganyan ang mukha nya ang gwapo nya parin.

"t-teka bat ka nga pala nag bus? diba may sasakyan kayo?"

"reporter kaba? andami mong tanong tss." nagpout lang ako sa kanya at umiwas naman sya ng tingin pero namumula ang tenga nya.

huhu galit na naman ba sya?

"sorry naaaaa, gusto ko lang naman na kausap ka eh"

ngumisi sya bigla at lumingon sakin.

"gusto mo magkausap tayo?" tumango tango ako habang pinagdikit ko ang dalawang hintuturo ko.

"so I have a condition."

condition? conditioner? ay chars.

"ano nman yun?"

"if you will make it to the top 60 then papayagan kitang dumidikit sakin at kausapin ako but kung hindi ka masasali sa top 60, then wag kanang magpapakita sakin."

HALA SYA!? NABABALIW NABA SYA? EH HINDI NGA AKO MAKAPASA SA EXAM, SA TOP 60 PA KAYA?

tinignan ko sya na parang nababaliw na sya.

"b-baliw kaba? di nga ako makapasa sa exam namin yan pa kaya?" sinamaan nya ako ng tingin.

"ayaw mo? di wag." mag papansak na sana sya ng earphones nya ng hinawakan ko ang kamay nya.

Gosh jujuju nahawakan ko ang kamay ng love of my life ko.

"t-teka... sure kaba talaga jan?" piniksi nya ng mahina ang kamay ko para makawala sya sa pagkakahawak ko at tinignan nya ako ng seryoso at tumango.

"sige na nga." parang lumiwanag naman ang mukha nya at ngumiti

halaaaa ngumiti si Aaron beybiii ko kyaaaaa!

"then 3 weeks from now, mag study kana Sandra." yun lang ang sabi nya at bumaba na ng bus.

Dali dali akong sumunod ng baba kasi diko na pala namalayan na andito na kami sa school.

Kaya ko ba yun? hay nako bahala na si batman.

-------

"ANO!? nababaliw ka na ba Sandra!?" napapikit ako sa pagbulyaw ni Shantal sakin

"Oo nga naman Sandy, bat mo naman tinanggap ang alok ni Aaron? jusko naman." nag alalang sabi ni Anne sakin, bumuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana.

"Kakayanin ko yun para sa kanya, alam nyo namang gustong gusto ko sya diba?" nagkatinginan silang dalawa at bumuntong hininga din.

Mahirap ang gagawin ko at imposibleng makaya ko yun eh 3 weeks nalang naman pero para kay Aaron kakayanin koto.

"Hoy bat kayo parang binagsakan ng langit at lupa jan?" nameywang sa harap naming tatlo si Vanessa.

"Oo nga ano bang problema nyo?" umupo naman sa harap namin si Marie habang kumakain ng Piattos.

"tanungin mo yang bruha nayan." highblood na sabi ni Shantal

ngumuso ako at kumuha ng piattos ni Marie bago nagsalita, umupo si Vanessa sa tabi ni Marie at mas lumapit pa samin.

"Ganito kasi yun, nagkasabay kami kanina ni Aaron sa bus at ayun nga kinukulit ko sya na kausapin nya ako pero hays may binigay syang kondisyonis sakin na pag nakapasok ako sa top 60 hahayaan nya akong makalapit sa kanya at makausap pero pag hindi ako nakapasok hindi na ako makakalapit sa kanya." mahabang ko litanya.

nagkatinginan naman si Vanessa at Marie at binatukan nila akong dalawa.

"NABABALIW KANA SANDRA!" sabay nilang sigaw sakin

napapout nalang ako, takte! ano ba naman silang klase ng kaibigan, suportahan nalang kaya nila ako? hays.

"Oh diba ansakit sa utak ng sinasabi ng babaeng yan!" inis na sabi ni Shantal

tumayo ako at naiinis na tinignan silang apat.

"kaibigan ko ba talaga kayo? imbes na suportahan nyo ako eh dinadown nyo pa ako eh, kakayanin ko yon, tiwala lang kayo sakin."

tumayo naman si Shantal at hinawakan ako sa balikat.

"hindi ka namin dinadown Sandra, nag alala lang kami sayo baka dimo kayanin." tumatango naman silang Anne sakin.

"pero kakayanin ko yun wag kayong mag alala I won't let you shy and up ay este I won't let you down ihihihihi." umiiling na tumawa silang apat sakin.

BE READY AARON GREG FERNANDEZ, ME IS GOING TO TOP 60. ITATAYA KO PA ANG PANTY NI MAMA NA POWER PUFF GIRLS MWEHEHEHEHE.

My Love AaronTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon