CHAPTER 12
"BAT ba ang bagal mo maglakad?" nakakunot ang noo ni Aaron habang naglalakad kaming dalawa.
Yes yuff, one week na kaming palaging magkasama hehe. Kasi naman po nung time na top 50 ako pag uwi ko nun naghanda pala si mama kasi first time in history na napasok ako sa top 60 at andun sila Tita Janice kaya ang gusto nila tita na palagi na kaming magkasama ni Aaron at sabay din kaming mag stu-study, para ko nadin syang tutor. At um-oo ako kaagad no, syempre si Aaron na ang makakasama ko at may conditioner este condition pa kami HAHAHAHAHAHAHA.
So ayun nga magkasama kaming naglalakad ngayon papunta ng bahay kasi itututor pa nya ako sa ibang subjects na nahihirapan ako.
"Teka ang bilis mo kasing maglakad eh, kung nagsakay nalang kaya tayo ng bus? jeep? o dikaya nagpakuha tayo sa driver mo? mayaman naman kayo eh."naka crossed arms na sabi ko habang nakanguso.
"tsk." umirap lang sya sakin at umuna ng maglakad, napailing iling nalang ako at sinundan ko sya.
Makalipas ang ilang minuto, andito na kami sa bahay at nag aaral sa sala. Walang maingay dito kasi mag sle-sleep over muna si kuya Vince sa kaibigan nya, may birthday kasi eh at si papa bukas pa makakauwi, nag overtime kasi sya at si mama naman andun sa kusina nagluluto.
Tahimik lang kaming dalawa ni Aaron dito, nagsusulat ako ng mga problems sa math para ituro nya ito sakin.
Tumigil ako sa pagsusulat at tinignan ko syang seryosong nagbabasa ng Manga.
Hayyyy ang gwapo nya talaga, Aaron oh my Aaron I love y-----.
"Arayyy!"
"Wag ka kasing tumitingin jan, magsulat ka nga jan." hinimas ko ang noo kong pinitik nya, isa patong kagaya ni Genesis eh, and speaking of Genesis, diko na sya nakikita sa school. Tinanong ko naman si Aaron kung bakit halos one week konang hindi nakikita si Genesis, pero pinitik nya lang ang noo ko at hindi ako sinagot. Abnormal talaga.
Ngumuso nalang ako sa kanya at pinagpatuloy ang pagsusulat.
"Kumain na muna kayo neto oh, aalis muna ako kasi may bibilhin lang ako, dito muna kayo ah? at Sandra mag aral ka ng mabuti at makinig ka kay Aaron." inilapag ni mama ang tray na may lamang brownies at dalawang malaking baso na may juice.
Pero teka? kami lang dadalawa dito sa bahay? OMG!!!
"Aalis na ako ha." tumango lang kami ni Aaron kay mama, tinignan ko naman si Aaron na bumalik na sa atensyon ang binabasa.
Uminit ang mukha ko ng mapagtanto kong kami lang dalawa sa bahay dito.
"tsk magsulat ka na nga jan parang tanga!" binulyawan ako ni Aaron at dali dali akong nagsulat.
'pisti jud ning lakiha pasalamat sya love nako sya hmp.'
-----
"TAMA na Aaron, sumasakit na ang utak ko huhuhu."
Nakahawak ako sa ulo ko ngayon habang minamasahe ito, eh kasi naman halos magiisang oras na nya akong tinuturuan mag answer ng math at ang sobrang hirap talaga.
"Tsk." pinitik nya ang noo ko at kumain sa brownies.
Uminom nalang ako ng juice at kumain nadin ng brownies, nakakagutom pala yun walangya naman kasi tong lalaking to kung makaturo wagas na wagas!
Ansakit ng ulo ko at ng pwet ko, si mama kasi halatang fan din ng mga korean eh may pwesto kasi dito sa sala na may mesa na maliit yung gaya sa korean at apat na mat, mag iindian sit kalang, wala kang pwedeng upuan na mataas basta yung sa korean.
And speaking of korean, napatingin ako sa orasan at nakita ko na alas 6 na pala
"HALAAAA I HAVE A LOVER NAAAAAA MEYGHED." dali dali akong tumayo at tatakbo na sana ng biglang namanhid ang paa ko kaya mababagsak na ako kay Aaron!
Pumikit ako at naghintay na mabagsak.
"O-Ouch..." napamulat ako dahil nakarinig ako ng may nag ouch, at nanlalaki ang mata ko ng mapagtanto ko na ang awkward ng position namin ni Aaron.
Nandito ako sa taas nya habang sya nasa ilalim ko.
Namula ako at bago pa ako makatayo may narinig ako nahulog.
"SUSMARYOSEP! A-ANO YANG G-GINAWAGAWA NYO!??!!?"
Dahan dahan kaming tumingin ni Aaron sa sumigaw at nanlaki ang mata namin na sina Mama, Papa at Kuya Vince pala yun!
KILL ME NOOOOOWWWW!!!
NAKATULALA ako ngayon sa kisame ng kwarto habang nakahiga, nahihiya akong lumabas eh kasi naman ano ba naman yun!? nakakahiyaaaa ajujujuju!!!
"WAAA NAKAKAHIYAAAAAAA!!!" nagpagulong gulong ako habang kinakagat ang unan.
After mangyari yun, tumakbo ako kaagad ng kwarto at dinako lumabas, baka kasi anong sasabihin nila mama.
Mag eemote na sana ako ng biglang may kumatok at pumasok sa kwarto ko.
Umirap ako ng makita ko si Kuya Vince na nakangiti ng nakakaloko sakin.
"Ehem Insan ikaw ha, may papatong-patong kapa kay Aaron nako may pagnanasa ka pala dun HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." humahalkhak ng tawa si kuya habang nakahawak sa tiyan nya.
Naiinis na binato ko sa kanya ang unan "CHE! MANAHIMIK KA NGA JAN KUYA! NAKAKAINIS KA" sinigawan ko sya, habang sya naman tumatawa parin.
"Hay nako ang bastos ng position nyo kanina HAHAHAHAHHAA" tumakbo na si kuya paalis ng kwarto, nagpapadyak naman ako sa inis.
"BWESIT KA TALAGA KUYAAAAA VINCEEEEEEEE!!!"
Nakarinig ako na may tumawa sa labas kaya humiga nlang ako at nagtalukbong ng kumot.
Nakakapagod ang araw nato, matutulog na nga lang ako.
MATAMLAY akong naglalakad papasok ng school at nung nasa hallway na ako ng mga Grade 10 nakasalubong ko si Aaron.
Hays wala akong ganang pumansin sa kanya at nahihiya pa ako kahapon kaya dinaanan ko lang sya, ramdam ko naman na tumigil sya sa paglalakad kaya nagkibit balikat nalang ako.
"Aaayyy!" napatili ako ng may biglang humila sakin at nagulat akong si Genesis pala yun.
Pinaghahampas ko ang dibdib nya sa inis "animal ka talaga bruhildo ka." tumatawa syang lumalayo sakin.
"HAHAHAHAHA sorry na ang tamlay mo kasi ngayon eh." nag crossed arms ako at inirapan sya.
"amp teka bat ngayon ka lang nagpakita? san kaba pumunta? at hoy Top 6 ka pala Genesis Sanaaaoool matalinooo." ginulo nya lang ang buhok ko.
"Pumunta ako sa States kasi naaksidente ang Kuya ko at mas sanaol ka kasi na top 50 ka HAHAHA" sasagot na sana ako ng may biglang humila sakin.
"Tsk! late kana." napatingin ako ng si Aaron pala humila sa left hand ko.
"A-Ah t-teka..." aalis na sana kami ng hinila naman ni Genesis ang right hand ko.
"Nag uusap pa kami, respeto naman jan." sumama ang tingin ni Genesis kay Aaron, hinila naman ni Aaron ang isang kamay ko.
"And so? late na sya and di pwede sa Top 50 na kagaya nya." sumama din ang tingin ni Aaron kay Genesis.
Oh my gosh para akong nasa Koreanovela na pinaghihilaan ng dalawang higante na gwapo.
"T-TEKA NGA! BITAWAN NYO AKO!" binitawan naman nila akong dalawa.
"ano pang problema nyo at pinaghihilaan nyo akong dalawa?" namaywang ako sa harap nilang dalawa.
"Mabuti pa pumasok na kayong dalawa sa classroom nyo, dun ka Aaron dumaan sa right door nyo ikaw naman Genesis sa left door okay? at ako naman kailangan ko ng umalis ha? sge" ngumiti ako ng pilit sa kanilang dalawa at tumakbo na.
JUSKO ANG GANDA KO NA BA PARA PAG AAGAWAN NILA AKONG DALAWA? AW CHAROT HAHAHAHAHAHAHAHA.

BINABASA MO ANG
My Love Aaron
RomanceSandra Ellena Austria fell in love with the popular boy in their school for more than four years. Ginagawa niya lahat para lang mapansin sya nito until one day she confess to him but she got rejected, knowing Sandra hindi sya mag gigive up agad kaya...