Chapter 5
CONTINUE(Insert: You and Me by Lifehouse)
Jennie's P.O.V
Natulala lamang ako sa aking nakikita ngayon dahil sa kaharap ko,ang sinasabe nilang lobo ngayon ay kaharap ko.Nakapaganda nga nya ngunit bakit hindi ko makitang ito ay mabangis na dapat ay kinakain na nya ako ngayon. Naalala ko ang sinabe ni Tay Bert na hindi sya nangangain.
Hindi ko maiwasang hindi humanga sa kanya maganda nga ang kanyang mata ang balahibo ay mahahaba na kulay puti at ginto nagliliwang ang mata nya tama si Tay Bert parang dyamante at kumikinang sa gabi.
Unti-unti kong ginalaw ang aking kamay para hawakan dinahan-dahan ko ang aking paghawak.
"Rrrr!"
Napaatras ako pero tila gustong gumalaw ng aking kamay kaya muli ko itong nilalapit sa kanya at hindi na sya muli pang nagreact. Hinahaplos ko ang kanyang mukha gustong gusto nya ang laki nya talaga hindi ako makapaniwala sa nakikita at kaharap ko ngayon nakatingin lang sya sa akin napapangiti ako habang hinahaplos ang napakalambot at napakabangong balahibo nya.
Kusang gumalaw muli ang aking katawan bigla ko syang niyakap ulo lamang nya ang aking nayayakap dahil malaki talaga sya hindi normal ang laki nya. Ang katawan nya maikukumpara mo sa isang Van may kahabaan.
Biglang may lumapit na agila sa lobo kulay beige ito at ang kanyang mata ay maikukumpara mo sa galaxy napakalaking agila nito halos kasing height ng tao. Walang naging reaction ang lobo tila ba ay malapit sila ang bilis ng tibok ng puso ko kanina pa naririnig kaya ng lobo.
Sinubukan ko ito kausapin.
"Sabe nila mabangis ka? Pero hindi naman pala!" - usal ko
"Napakaganda ng mata mo ang bango ng balahibo ,napakabango at malambot!" - usal ko pa"wookk kwooook wookk kwoooook!" - usal ng agila
Ngunit biglang "Rrrrr rrrrrrrrr rrrr rrrrrr rrr rrrr"-usal ng lobo at biglang lumayo ang agila sa amin at sumampa sa malaking bato."Salamat di mo ako sinaktan,natakot ako sa mga lalaki kanina akala ko mamamatay na ako eh pero dahil sa agila dito ako dinala at dinig ko ang Rrrrrrrrrrrr mo!!" - usal ko *at tumawa ako*
"Siguro ikaw ang nanakot sa kanila noh? O kaya ikaw ang nagligtas sa akin!" - usal ko *habang haplos ang ulo nya*
"Pwede ba kitang pangalanan ng Lili?" - usal ko
"Rrrr!" - sagot nya *mukhang gusto nya*
"Sige yun tawag ko sayo! Ako Nini na lang ang itawag mo sa akin kahit di ka nakakapagsalita o nakakaintindi!" - usal ko
"Rrrr!" - sagot nya
"Natutuwa ako sayo kasi parang naiintindihan mo ako eh ang talino mo naman Lili!" - usal ko *at niyakap sya*
Gumalaw ang kanya naglalakihang biyas at tila niyakap din ako napapangiti ako ng sobra.
"Salamat Lili!" - usal ko
"Lili malalim na ang gabi pwede mo ba akong ihatid sa labas ng La Enchante kasi baka hinahanap na ako ni Mama baka nag-aalala na sya?!" - tanong ko
"Rrrr!" - sagot nya *ngumiti ako sa kanya*
Nagulat ako ng kagatin nya ang damit ko at pinasampa nya ako sa balikat nya at yumakap na lamang ako sa kanyang ulo habang nagsimula na syang maglakad sumabay na rin sa amin ang agila.
Napakapayapa ng gabing ito pinagmasdan ko ang paligid ng La Enchante napakaganda buhay na buhay ang likas na yaman kahit madilim ay kitang kita mo
Lisa's P.O.V
Walang tigil sa pag tibok ang aking puso.
