Chapter 6

107 5 0
                                    

Chapter 6

Jane's P.O.V (jennie's mother)
Anong oras na wala na si Jennie san na kaya sya baka may masamang nangyari sa kanya haay naku naman ako na lang sana ang naghatid.

Pinuntahan ko ang dalawang kaibigan nya ngunit wala din di nila alam haaay. Naglakad na ako para puntahan si Jennie bahala na.

Sa aking paglalakad naaninag ko ang isang tao at nilapitan ko pa nakita ko na si Jennie nga ito.

Me: Jennie anak!? *Pagsigaw ko*

Binilisan nya ang kanyang pag pedal hanggang sa makarating sya.

Me: anak saan ka ba galing? Bakit ang tagal mo?
Jennie: pasensya na Mama! Hindi ko namalayan medyo naligaw kasi ako eh!
Me: buti na lang at ok ka!
Jennie: *nakangiti sa akin at mukha namang masaya ang mukha ng anak ko*.  Ok lang po ako Ma! Tara na po Ma!
Me: Oh sige ako na ang magpedal!
Jennie: Sige po Ma!

Rosè's P.O.V
Dumaan ang Mama ni Jennie dito sa bahay hindi pa daw sya umuuwi nag-aalala din ako kaya tinatawagan ko ngunit out of coverage area lalo na't dun sya sa La Enchante dadaan naku Jendeuk sana ok ka lang talaga.

Hindi pa ako nakakatulog dahil sa pag-aalala sa kaibigan ko.

Nancy's P.O.V
Nagpunta ang Mama ni Jen dito wala pa raw sa bahay naku baka napadpad yun sa gubat naku Jen wag naman sana alam ko hindi ka pababayaan ni Lord.

Magkatext kami ni Rosè ngayon pinag-uusapan namen si Jennie at tinatawagan ko rin sya ngunit wala.

Someone's P.O.V
Pinagmamasdan ko ang isang dalaga at napatingin ito sa aking kaharian nilalapitan sya ng mga diwata ng mga halaman na nagbibigay liwanag sa aking kagubatan.

Dumating na ang taong magpuputol ng sumpa at kung sya man iyon ay masaya ako para taong lobo.

Naamoy sya ng lobo at tila ito'y kanyang hinahanap-hanap nabighani ang lobo sa kanyang ganda pinagmamasdan ko ang lobo tila ito at napapaamo.

Nakikita ko na umiibig ang lobo sa isang babaeng kanyang pinagmamasdan.

Nakita ko rin kung paano nya ito iligtas sa mga masasama ang kalooban nahulog na nga ang loob ng lobo.

Ang dating mabangis na lobo ngayon ay isang napaka-among tupa sa babaeng kaharap nya.

Sa ilang taong kanyang pagdurusa tila ngayon lamang nya naranasan ang magkaroon ng payapang gabi walang tensyon ngunit puno ng pagmamahal,saya ngiti at tibok ng puso na walang humpay.

Mahahanap mo rin taong lobo ang taong magmamahal sayo at tatanggap sayo maging ano at sino ka man.

"Aking ibon maari ka bang lumapit sa akin?!" - usal ko

Lumapit ang isang ibon sa akin at dumapo sa aking hintuturo.

"Sundan mo ang babaeng iniibig ng taong lobo bantayan mo sya at wag mong pababayaan!" - usal ko

"Masusunod Dyosa Mahinhirin!" - usal ng aking isa sa mga kawal

Jisoo's P.O.V
Ngayon ko lamang nakita saya at ngiti sa mukha,mata at labi ni Lisa mukhang meron ng babae ang magmamahal sa kanya.

Pero makikita pa kaya nya ang babae?

Tahimik ang gabi lalo na si Lisa nakahiga lang sya mga ganitong oras ay nagwawala na ito nagtatakbo kung ano ano ang kinakalmot ng kanyang kuko.

Umiibig ang aking kaibigang lobo.

Ako kaya magkaka love life din kaya ako sa dinami dami ng aking nakilalang tao dyan wala pa nakakuha ng atensyon ko.

Jennie's P.O.V
Hindi ko makalimutan ang mukha ng lobo napakaganda nya sa personal nahawakan at nayakap ko pa sya mabait naman pala sya. Akala ko panaginip hindi ako mapakali sa aking higaan matapos akong sunduin ni Mama parang wala na ako sa sarili ko parang andun pa ang utak ko sa La Enchante.

Hindi kita makakalimutan Lili sana di mo rin makalimutan ang Nini mo.

~On the other Hand~

"Nakapasok kami sa Gubat kita namen ang lobo napakalaki nya nakakatakot ang mga pangil ngipin pagnakagat ka lalasog-lasog mga buto mo!" - usal ng lalaking natagpuan sa kabilang barangay na balebale mga buto

"Ano kasi ginagawa nyo dun?? Baka may ginawa kayong hindi maganda??" - usal ng tanod

"May nakita po kasi kaming babaeng nakabiskleta tapos tinitignan po nga mga bulaklak sa La Enchante!" - usal ng lalaki

"Ibig sabihin may balak kayong gawin sa babae??" - usal ng isa pang tanod

"Opo! Kaya patawarin nyo po kami!" - usal ng lalaki

"Dapat kayong makulong at pagbayaran yun kahit di nyo natuloy kasi may balak kayo!!" - usal ng tanod

"Hindi na po namen naabutan ang babae nang habulin namen sa gubat tapos bigla na lang dumating ang lobo napakalaki po!" - usal ng lalaki

"Kasi pumasok kayo sa teritoryo nila tapos gumawa pa kayo ng masama sa babae!" - usal ng tanod

"Akala namen kakainin kami pero hinagis kami sa malayo masakit katawan namen di kami makagalaw!" - usal ng isang lalaki bale bale din ang buto

"Magpapakulong na lang po kami ng kusa!!" - usal ng dalawang lalaki

"Dapat lang, kaya pupunta kami sa kabilang barangay para hanapin ang babae baka ano na nangyari dun!" - usal ng tanod

"Sige na dalhin na yan sa kulungan!" - usal ng barangay captain

Nakwento ng dalawa ang nangyari sa mga tanod nang matagpuan sila at naging usap-usapan ito sa buong lugar.

Jennie's P.O.V
Umaga na naman, hindi na mawala sa isipan ko ang lobo na yun gusto ko sya ulit makita pero paano.

Matapos ko maligo magbihis at mag-ayos lumabas na ako para asikasuhin mga kapatid ko. Nang makalabas ako ay sinalubong ako agad nila Rosè at Nancy.

Rosè: Jendeuk kamusta ka na?? *may pag-aalala sa boses at mukha*
Jennie: ok lang ako Chae! *pag-ngiti ko*
Nancy: Tita! Jennie! Totoo ba na may ginawang masama sayo yung dalawang lalaki daw?? Usap-usapan sa barangay natin at sa kabila ngayon??
Mama: ha?? *confused napatingin sa akin* Totoo ba yun anak??
Jennie: sorry Ma! Opo kaya natagalan po ako,kasi po Ma naakit po ako sa ganda ng La Enchante dahil sa mga bulaklak ng daisy tapos may mga umiilaw na maliliit tapos ang babait kasi po parang hinahatid nila ako sa tamang daanan ko tapos bigla na lang po dumating yung dalawang lalaki tapos may balak pong masama sa akin kaya tumakbo po ako sa gubat wala na po ako iba mapuntahan,hanggang sa may agila pong gumabay sa akin na pumunta sa kweba at dun ligtas na po ako di na po nakasunod yung dalawa di ko na rin po alam ano nangyari dun! Tapos nakita ko po yung lobo! *look down*
ChaeCy: whaat?? Ano?? Totoo Jennie?? *gulat at nanlaki ang mata*
Mama: t-talaga?? Buti di ka sinaktan?? *kunot noo*
Jennie: opo! Napakalaki po at napakagandang lobo tama po sabe ni Tay Bert parang dyamante ang mata! Pero di po ako sinaktan para nga po syang umamong aso eh nahawakan at nayakap ko pa ng po mabait po sya! *may ngiti sa aking mukha*
ChaeCy: talaga bes!!! *namangha*
Jennie: *nod*
Mama: Hindi talaga nananakit ang lobo ngunit mabangis ito kapag ikaw ay masamang tao!
Jennie: yun nga po eh!
Rosè: bes balik tayo!!?? Gusto ko makita yung agila!!
Nancy: ay sobra sya ,hindi ka takot? At yung agila talaga?
Rosè: haha kasi di ba sabe sa kwento ni Tay Bert na may kaibigang agila yung lobo babae din so gusto ko makita!!
Mama: kayo talagang mga dalaga kayo kung ano sinasabe nyo! Kahit sabihin pa nating mabait ang lobo pero dapat ay mag-ingat pa din!
Nancy: ah Jennie ano naman itsura ng agila??
Jennie: Naku napakaganda din kulay beige ang kulay nya tapos ang mata makukumpara mo sa galaxy!
Rosè: *naiinlove* talaga shocks Jennie tara there!!
JenCy: ayuuunn!!! Inlove ka na nyan girl!!
Rosè: *giggles*
Jennie: kumain na ba kayo?
ChaeCy: nagcoffee lang ako eh!! Ako tapos na!!
Jennie: kain ka na Chae alam ko naman eh!!
Nancy: *chuckles*

Biglang may kumatok sa pinto. *TOKTOK* agad pinagbuksan ni Mama.

The Love of a BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon