Kabanata 7

9.6K 259 38
                                    

Kabanata 7
Drop That Phone

Ilang minuto bago umalis si Aidan, may kumatok sa pintuan. Nakaupo na ako sa sofa ng bahay namin dahil sinubukan kong maglakad kahit na nahihirapan ako. Dapat pala nagpabuhat muna ako kay Aidan bago siya umalis. Siya naman ang may kagagawan nito.

"Pasok. Bukas yan!" sigaw ko sa aking dumating na bisita.

Pumasok sa loob si Kuya Eros na dala ang isang medicine kit. Nakasuot siya ng uniporme habang nakangiti siyang lumapit sa akin. Hindi ko alam na nag-u-uniform ang mga taxi driver. Ang alam ko lang ay naka-sibilyan silang damit habang nasa serbisyo. Hindi ko pa nakita si Kuya Eros na nagsuot ng ganitong klaseng damit.

Umupo siya sa tabi ko. Inilapag niya ang dala niyang kit at binuksan ito. Hinalukay niya ang laman at nung nahanap na niya ang pain reliever ay agad niya itong inangat.

"Hindi ako pa-fall, pero kumain ka na ba?" tanong niya sa'kin. Tumawa lang ako ng mahina. Bwisit na tanong 'yan.

"Oo, bago pa umalis si Aidan, busog na 'ko," sagot ko nalang sa kaniya. Bigla niyang nilapit ang kaniyang ilong sa akin at suminghot-singhot. Nangunot ang aking noo at mahina ko siyang hinampas palayo. "Huy! Anong ginagawa mo?"

"Hulaan ko... Si Aidan yung naging umagahan mo, ano?" tanong niya at saka tumawa ng malakas. Namilog ang aking mga mata, marahil ay may naaamoy siyang kakaiba sa akin. "Grabe! Ang lakas at lagkit ng amoy, Sef. Ilang beses niyo bang ginawa ngayong umaga?"

"Gosh. Just give me the damn medicine and shut up!" sigaw ko sa kaniya at tinakpan ang aking tainga dahil nakakarindi ang kaniyang pagtawa. Sabi ko na nga ba, mapapansin niya. You don't need to be a keen observer to think that there's something happened between me and Aidan this morning. Hindi ko kayang hugasan ang katawan ko dahil masakit ang aking ilalim. Natatakot ako na baka madulas lang ako sa loob ng bathroom sa unang tapak palang.

Tumahimik na siya at binigay na niya sa'kin ang gamot. Pumunta siya sa kitchen upang kumuha ng isang baso ng tubig at binigay ito sa akin. Kasalukuyan ko itong iniinom.

"Grabe, kaninang umaga, nagising ako bigla. Alas otso pa sana ako gigising kaso may naranig ako malalakas na ungol. Ang tindi! Kanino kayang bahay galing 'yon?" pasimple niyang tanong sa'kin, habang ako naman ay biglang naibuga ang tubig na iniinom. Tang ina! Sabi ko na nga ba, e. Kasalanan 'to ni Aidan. That prick is very careless. Pinigilan ko na siya pero sa tingin ko bago ko pa ito nagawa ay may nakarinig na. Damn. "Hala, ayos ka lang?"

May inabot siya sa'kin tela at agad ko itong pinunas sa aking mukha. Laking gulat ko nang matanto na ang ibinigay sa akin ni Kuya Eros ay ang ginamit na boxers ni Aidan kagabi. Tandang-tanda ko talaga na ito 'yon! Mabilis ko itong tinapon palayo sa akin.

"What the fuck?! Saan mo nakuha 'yan?" gulantang kong tanong sa kaniya.

"Dito lang... sa sahig," turo niya sa ibaba. 'Lang'ya, bakit hindi ko napansin kanina?

"Arghh! Kuya Eros naman. Alam mo palang marumi 'yan, bakit iyon pa ang binigay mo? Alam mo rin bang boxers yung binigay mo sa'kin?!"

"Hindi ko alam. Wala naman akong pake kung anong klaseng damit 'yon. Kay Aidan siguro 'yon, ano? At ikaw ang naghubad sa kaniya nito," paliwanag at usisa naman niya.

"Baliw ka talaga, Kuya. Nakakainis. Pasalamat nalang ako at dumating ka para bigyan ako ng pain reliever. The rest of your actions, wala na akong masabi!" sabi ko at umirap sa kaniya. Tumawa naman siya.

"Pis yow!" he mockingly apologised. I know he pertains 'peace, yo' in an unclear way. "Kunwari ka pa, Sef. Alam kong hindi ka na virgin. Masakit sa first time, no? Ganiyan din ako nung una. Pero kapag nagtagal, masasanay ka rin!"

Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon