Kabanata 10

9.1K 265 49
                                    

Kabanata 10
Please Text Me

Coldness surrounded my whole body when I walked inside the Cibo di Archinto. I felt the same air like yesterday. Bigla akong nangisay ng bahagya sa lamig, kaya hinagod ko ang aking braso para makagawa ng friction heat.

Nakita ko na nanggaling si Sir London sa kusina at tumungo sa counter. He's wearing a dark blue long sleeve polo and slacks.

I met his glance as he smiled. Ako lang ba ang nakakakita nito o talaga ngang sarkastiko ang kaniyang pagngiti sa akin. Lumapit ako sa kaniya at babati sana ng 'good morning' kaso inunahan niya ako.

"You're ten minutes late," aniya sa baritono't mariin na boses. Nawala bigla ang ngiti sa kaniyang labi at naging seryoso ang kaniyang ekspresyon.

Mabilis akong napatingin sa wallclock at nanindig ang aking balahibo nung nakumpirma kong tama siya.

"Just go to employees room immediately, nandoon yung uniform mo. Remember, number 004 yung code ng locker mo. Heto yung pambukas," patuloy niya pa at inabot sa'kin ang susi at tinaggap ko ito.

"O-okay po, noted," tugon ko sa kaniya.

"At saka nga pala, maaabutan mo doon yung isa pang bagong waiter, katulad mo. Alam mo bang pareho lang kayong late sa una niyong pasok? But I will excuse your mistakes for now."

Nanlumo ako sa sinabi ni Sir London habang masama ang kaniyang tingin, dahil hindi siya nasisiyahang dumating kami ng wala sa tamang oras.

I didn't expect that my first day would be this terrible. Great!

Kailangan kong bumawi. Sa aking isipan, hindi ko maiwasang isisi ang kasalanang ito kay Aidan. He keeps on distracting me earlier while doing my morning routines. I'm only thankful for him that he's the one who cooks for our breakfast, again, just like everyday.

Sa kabilang banda, nasisiyahan ako na may bago akong makikilala at makakasama sa trabaho. Isa pa, at least, hindi lang ako ang nag-iisang baguhan dito at mangangapa sa mga gawain. Mayroon akong magiging karamay. Thank goodness.

Luminga-linga ako sa paligid at nagbaka-sakaling mahagilap ng aking mata kung saang banda ang employees room, ngunit wala akong nakita.

"Sorry, Sir, pero saan po makikita yung employees room?" nahihiya kong tanong kay Sir London.

"Dumiretso ka lang diyan, tapos liko ka sa kanan. When you got there, the farthest room you could see is the employees room. It has a name plate so I guess you would recognize it quickly," sagot niya.

"Thank you po, Sir," pagpapasalamat ko at mabilis nang nagtungo sa sinasabi niyang silid. Mabuti at buo ang kaniyang mga naging sagot at hindi ko na kailangang magfollow-up questions.

Pagpasok ko doon, nakita ko ang mga nakahilerang lockers. May isang lalaki ang kasalukuyang nagbibihis na naabutan ko doon. Agad siyang napatakip sa kaniyang hubad na dibdib habang gulantang ang kaniyang mukha.

"Sino ka?! Bakit hindi ka kumatok bago pumasok?" tanong niya sa'kin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at sinarado agad yung pinto para wala nang ibang makakita sa kaniya sa ganitong sitwasyon.

"Bagong waiter ako dito," sabi ko sa kaniya nang hindi tumitingin, pero nararamdaman ko sa peripheral vision na nagpapatuloy siya sa pagbibihis. "Pasensya na, 'di ko sinasadya na maabutan kitang nagbibihis."

"Ah... okay lang, pwede ka nang humarap," aniya kaya lumingon na ako sa kaniya. Nakabihis na siya ng buong uniporme "Sa susunod, kumatok ka para hindi na ako mabigla sa'yo. Jusko... By the way, ikaw din ba yung baguhang waiter dito?"

Temptations With My Home Partner [BxB, SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon